"Sino sila? Nasaktan ka ba nila?" Malalim at matigas ang boses na tanong ni Mawin kay Phleng na ikinagulat ng dalaga. Buong byahe ay mahinahon at malambing sang kinakausap ni Mawin ngunit ngayon ay sobrang seryoso sya at parang galit na galit. "P...P'Mawin, natatakot ako sa'yo. Anong nangyari? Bakit bigla kang nagalit?" Ang banayad na boses ni Phlengkwan, kasama ang kanyang nanginginig na mga mata at pagdapo ng luha, ay nagbalik kay Mawin sa kanyang katinuan. Mabilis niyang itinaas ang parehong kamay upang maingat na hawakan ang kanyang mga pisngi bilang isang nakakaaliw na kilos. "Pasensya na. Huwag kang umiyak. Galit lang ako sa sinabi mo. Bakit mo kailangang pagdaanan ito sa iyong pagkabata? Sige, ituloy mo. Gusto kong marinig pa ang mga susunod." sabi ni Mawin... muli syang nagsali

