As for Phlengkwan, pagkatapos tumakbo papunta sa kanyang kwarto, agad niyang hinawakan ang kanyang dibdib dahil nang yakapin siya ni Mawin, sobrang lakas talaga ng t***k ng puso na, yung parang ayaw ng tumigil. Ang kanyang mukha ay talagang namula na parang isang rosas. "Hindi, Phleng, huwag mong hayaan na mahulog ka sa isang tao na may iba ng nagugustuhan. Pinapakalma ka lang niya dahil sa awa. Huwag kang magpadala." Pinapaalalahanan ni Phlengkwan ang kanyang sarili na pigilin ang kanyang mga damdamin dahil akala niya may ibang tao na sa puso ni Mawin, hindi alam na ang taong gusto ni Mawin ay siya. Pagkatapos niyang makabawi, naligo si Phlengkwan at nagmadaling matulog. Sinubukan niyang pilitin ang sarili na matulog, pero wala itong silbi dahil patuloy siyang nag-iisip tungkol sa mga

