Gaya ng sabi niya, inako niya lahat ng ipaparusa ko sa mga tauhan ko sa paglabag sa utos ko. Simple lang naman ang ipinagawa ko sa kanya. Dahil alam kong laki siya ng maraming utusan kaya naman pinaglinis ko na lang siya ng bahay, loob at labas. Siguro aabutin siya ng isang linggo sa paglilinis ng buong paligid. " Kaya pa ba." tanong ko. Sa mga Guestroom muna siya maglilinis. Pero hindi lang paglilinis ang ipinagagawa ko dahil pinasuot ko din siya ng uniform ng mga tauhan ko. " Kaya ko pa."tinignan ko ang mga natapos na niya."Mabilis lang naman ito dahil dati ng malinis ang bahay mo kaya retouch lang ang kailangan." dugtong niya " Maswerte ka pa rin at iyan lang ang ipinagawa ko sayo. Tanungin mo si Jen kung paano ko sila pinarurusahan." "Bakit mo naman kailangan parusahan kung pwed

