Vince Zymon POV " Bumalik na pala siya, kaya pala." malungkot na may galit ang boses niya. " Mahal ko siya." " Mahal? naririnig mo ba sinasabi mo?" sigaw niya sa akin. " Umalis ka na." taboy ko sa kanya. " Bumalik lang siya tapos ano. Itatapon mo na lang ako basta basta. Anong akala mo sa akin Zymon. Akala mo ba susundin ko ang sinasabi mo. Tignan natin. Hindi mo pa alam kung ano ang kaya kong gawin."banta niya sa akin. " Huwag mo siyang gagalawin, kundi." Banta ko din sa kanya. " Kundi ano. Sasaktan mo ako. Pababagsakin mo ako. Tandaan mo Zymon, Alam ko lahat ng baho mo. Sa pagkakaalam ko, wala pa siyang alam tungkol sa tunay niyang ama." " Tumigil ka!" inangat ko ang kamay ko at akma ko siyang sasampalin. " Sige ituloy mo, sampalin mo ako!"ibinibigay niya sa akin ang mukha niya.

