Chapter 05

1233 Words
" Einjelikeith?! Bakit nandito ka at bakit kasama yang lalaking yan, si?" Marc ? bakit sila magkasama. " Oh Mr. Versosa, ah si Keith ba? Pumunta siya sa bahay at inaaya niya akong uminom dahil may problema daw siya. Bakit may problema ba?" mahabang lintaya niya sa akin. " Fiance ko siya kaya naman nagtataka ako na bakit may kasama siya ibang lalaki at dito sa bar pa.?" medyo nagseselos ang dating ko. " Fiance mo si Keith tapos may nakalambitin sayong ibang babae." turo niya sa tabi ko, saka lang napansin na di pa pala umaalis ito bwisit na babaeng to. "Baka naman niloloko mo lang ang best friend ko.?" dugtong niya na pagalit na ang boses. Best friend niya pala, naku naman paano ko siya naman paaamuin ito baka icancel niya na kaagad ang engagement namin. Hindi to pwede. " Alam mo naman dito dude basta gwapo lapitin ng mga babae kaya di ko kasalanan na ok lumalapit sila sa akin." pagpapaliwanag ko. " So ibig bang sabihin na lahat ng lumalapit sayong palay tutukain mo na kaagad ganun ba?" pagalit niya tanong. May sense naman yung sinasabi niya pero kung ipagpatuloy ko pa itong pagmamayabang ko. Silang dalawa ang importanteng palay para sa akin. Ano na ang gagawin ko. Nakakainis naman. " I told you, hindi na dapat tayo pumunta sa ganitong klase ng bar. Tignan mo tuloy ang nangyari." pag aawat ni Keith. " Tama si Keith bakit kayo kasi pumunta dito." pagsasang ayon ko sa kanya. " Aba at?" pero inawat siya ni Keith. " Don't call me Keith, we're not close." pagsusungit niya sa akin. Saka sila umalis. " Sorry." sigaw ko pero sabay naman nagsalita ang DJ kaya baka malamang di niya narinig. Hayst nakakainis naman, ano na ang gagawin ko.. Pero teka magbest friend sila. Paano na yan, paano na ang contract. " Dave ano na ang gagawin ko.?" gulong gulo kong tanong sa kanya. " Mukhang mapapalaban ka dude." pang aasar niya sa akin. " Aasarin mo pa ako. Pero teka di ba ipinambayad lang naman siya sa akin, kaya bakit ako magsosorry sa kanya at bakit ko naman siya liligawan di ba. Dapat siya ang manligaw sa akin. Di ba dude. Tama ako di ba." mapride kong sabi. "Tama ka diyan dude, baka nakakalimutan mo na ikaw si Ronie Versosa na walang kinatatakutan, Babae lang yun dude kaya huwag ka masyadong OA diyan." cool na cool niyang sabi. "Tama ka. Kaya cheers tayo diyan." sabay nagcheers kami ng baso. " So ano ngayon ang plano mo." tanong niya ulit sa akin. " Bukas na ako mag iisip. Mag eenjoy na muna ako ngayon. Kaya party party tayo. HEY GUYS SAGOT KO NA ANG LAHAT NG DRINKS NIYO WOAHH!!!" sigaw ko, kaya nagsigawan naman lahat ng tao dito sa bar. EINJELIKEITH POV " Walang hiya talaga ang Ronie na yun." gigil na sabi ni Marc. " I want to go home, I'm so tired." walang kabuhay buhay kong sabi. Buong byahe kaming tahimik hanggang sa nasa tapat kami ng bahay. " We're here." sabi niya. Nagsmile lang ako sa kanya. " Ano ba ang problema bakit ang tahimik mo.?" pag aalala niya sa akin. " Hindi ko lang kasi maisip na ganun pala siya kawalang paakialam sa nararamdaman ng ibang tao." " Hayaan mo ako na bahala sa kanya bukas." " Ano naman ang gagawin mo?" tanong ko sa kanya. " Malalaman mo din bukas. Sige good night." at binigyan niya ako ng simpleng smile niya na nagsasabing magiging maayos din ang lahat. ------------ " Angela may date ako mamayang gabi kaya icancel mo ang dinner meeting ko kay Mr. Chua." utos niya sa akin. Date eh hindi pa naman ako tinawagan kung kumusta naman ako. Hindi pa siya humihingi ng sorry dun sa nagawa niya kagabi. Ibang klase din ang lalaking to. " Sir pero sabi po ni Mr. Chua hindi po dapat pwedeng icancel yung meeting dahil may importante po daw kayong pag uusapan." pagdadahilan ko para naman hindi ko siya makita mamayang gabi dahil nagsasawa na akong makita siya buong araw. " I said cancel it. No more buts." pagsusungit niya sa akin. "Pe-pero sir." matalim niya lang akong tinignan. Kaya naman wala akong magawa kundi icancel ang meeting niya. " Buti naman naibalik na sayo iyang bag mo." napansin niya ang bag ko. " Paano niyo po nalaman sir na nawala ko itong bag ko po." pagkukunwari ko. " Sabi kasi ni Einjelikeith na naiwan mo daw yan sa mall ng nagmamadali kang magbayad. Anyway bakit nga pala ako nakikialam sa mga wala kwentang bagay na to." pagsusungit niya. Kaya tumahimik na lang ako. "Angela may itatanong ako sayo."lakas loob niyang tanong sa akin. " Tungkol saan sir." tanong ko sa kanya habang nakatutok ako sa screen ng laptop ko dahil sa dami nang ipapaencode niya sa akin. " Ano kaya ang alam mong gusto ng mga babae sa date." curious na tanong niya. Nagtanong naman sa siya kaya yung romantic date na lang na gusto ko ang sasabihin ko para naman kahit papaano matupad naman ang wish ko kahit na sa maling tao pa. " Para sa akin sir mas maganda kung idate mo yung girlfriend mo sa gitna ng dagat tapos sa kalagitnaan ng date niyo ay may mapapanood siyang fireworks. Romantic yun sir." pagsa suggest ko. " Siguro may point ka. Hindi pa kasi ako nakakaisip kung saan ko siya dadalhin mamayang gabi. Ang sakit na ng ulo ko kakaisip. buti naman gumana din yang utak mo." " Your welcome sir." naka smile kong sabi sa kanya. Kinuha niya ang cellphone niya at parang may tinawagan. Siguro pinahahanda na niya siguro ang date namin mamayang gabi. " Ah sir pwede po ba akong umuwi ng maaga sir?" tanong ko sa kanya para naman makapaghanda ako sa date naming dalawa mamayang gabi. " Okay." Buti naman bumait siya ngayon. Kanina lang di maipinta ang mukha ngayon naman patawa tawa naman siya. Baka naman may binabalak ito mamaya sa akin na masama. Tatawagin ko na lang si Marc mamaya para kahit papaano may backup ako kung saka sakali. --------- Nandito ako ngayon sa bahay, pinapunta ko na dito sa bahay yung mga mag aayos sa akin. " Darling excited ka yata siguro sa date niyo." pang aasar ni mommy sa akin. " Mommy naman. Kailangan dapat maganda ako para naman hindi na siya babaling sa iba tulad nung nangyari kagabi." Naikwento ko lahat sa kanila ang mga nangyari pati yung concept ng date namin. At sinabi ko na din sa kanila na tinawagan ko na si Marc para kahit papaano nandun lang siya na nakaantabay sa akin. " Maganda ka naman anak, inside and out, na sana naman ikaw ang magsisilbing liwanag sa madilim niyang buhay." " Baka wala na yata siya pag asa mommy. Sakim siya sa pera at sa kapangyarihan. Kaya malabo nang mangyari yang sinasabi mo mommy." " Malay mo ikaw ang makakapagpabago sa kanya." Napahaba ang kwentuhan namin ni mommy kaya naman di namin namalayam ang oras. RONIE POV Grabe hindi ako makapaniwalang may mas igaganda pa ang fiance ko. Perfect na perfect sa kanya ang suot niya black and white na simple casual dress. Yung buhok niya na ikinulot yung dulo na nung una ko siya nakita ay straight ang buhok niya. " Shall we." sabi niya, siguro napansin niya ako natulala sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD