Chapter 04

1226 Words
"Anong bag ito ba." sabay kuha ko kay kuya driver ng bag." Kanina kasi ng nagmamadali siya naiwan niya ito doon sa- sa- saan nga ulit yun." nakataas ang kamay ko habang nag iisip, ang hirap mag isip ng isasagot. " Sa mall tama, sa mall naalala ko na, nagmamadali kasi siya kaya naiwan niya na lang ito sa cashier nung magbabayad siya ng binibili niya. Huwag kang mag alala ako na lang ang magbabalik sa kanya." pinagpapawisan akong magsinungaling. " Sigurado ka ba, Ako na lang kaya ang magbabalik sa kanya, tutal secretary ko naman siya."pag aalok niya. " Ahh ganun ba, oh di sige." sabi ko ng may konting sungit na boses sabay abot ko sa kanya pero di ko pa binibitawan. " Okay, akin na." sabi niya " Sigurado ka ba?" paniniguro ko. "Oo naman, secretary ko siya ehh." pormal niyang sagot sa akin kaya naman binitawan ko na. Pero nandun pala lahat nung make-up ko. Baka mabuko niya ako. Ano na ang gagawin ko. " Ay sorry naalala ko nga pala sabi ko sa kanya na ako mismo pala ang magsosoli sa kanya. Tinawagan ko siya, may naiwan kasi siyang calling card dyan sa bag niya kaya tinawagan ko. Pasensya na." kaya binawi ko ulit. Nahihiya na ako sa inaasal ko, baka mabuko na ako. " Baby, ano ba talaga?" tanong ni dad sa akin. Kaya naman kinindatan ko na lang siya. " Ah dad kasi, lately naging makakalimutin ako kaya di ko natatandaan ang mga maliliit na pangyayari." pagpapalusot ko. " Kaya pasensya ka na." dugtong ko. " Next topic tayo, kailan niyo gustong ganapin ang engagement party." pag iiba ni mommy ng topic. " Kailangan pa ba yun Mommy?" may pagkairita kong tanong kay mommy. " Aba syempre naman anak kailangan yun para malaman ng lahat na engage na kayo. Kailangan yun sa business world." pagpapaliwanag ni mommy. " Kung ayaw niya naman ma'am, okay lang po sa akin." pag iintindi ni Ronie sa akin. Kanina naman ang sungit sungit niya tapos ngayon. Nakita niya lang akong maganda, gumaganda din ang mood niya. So kapag pangit ako saka naman pangit ang mood niya. Pero may point din siya. Pero kahit na mali pa din yun. " Okay lang sa akin na i-announce in public but not for now. Maybe next time pag ready na ako. Gusto ko muna sana na Getting to know each other stage muna tayo even though engaged na tayo sa harap ng mga magulang ko. Gusto ko pa rin sanang maranasan yung maligawan. If okay lang sayo.?" mahabang sabi ko, medyo hiningal ako dun. " Okay naman sa akin kung yun ang gusto mo, edi susundin ko." na may pag aalinlangan niya sabi. " Sige asahan ko yan." sabi ko " So may oras ka ba mamaya. Yayain sana kita magdinner." pagyaya niya. Anong gagawin ko? dumadamoves na ba siya? oh baka naman may binabalak ito sa akin, Hindi ko pa rin nalilimutan na next target niya si Marc. Tama!! pupunta muna ako kay Marc manghihingi nang advice. " Hindi pwede ehh may lakad kasi kami with my friends. Bukas na lang siguro." pagdadahilan ko. "Okay, susunduin na lang kita dito bukas. Sige mauna na ako. Salamat po at magandang hapon sir ma'am." pagpapaalam niya. " Sige ihahatid na kita sa labas." pag aalok ko para naman tunog mabait ako sa kanya. " Okay salamat." sagot niya sa akin. " Nga pala saan naman tayo punpunta bukas." tanong ko sa kanya, bigla kasi akong na excite. " Malalaman mo bukas, surprise ko na lang sayo." " Ahmmp okay." natamihik na lang ako. " Sige alis na ako, kita na lang tayo bukas." pagpapaalam niya. " Bye." sabay kaway ko sa kanya. Mukha naman siyang mabait sa akin, pero kung suot ko si Angela ang sungit sungit niya. Parang babaeng di na nadadatnan. RONIE POV " Okay lang sa akin na i-announce in public but not for now. Maybe next time pag ready na ako. Gusto ko muna sana na Getting to know each other stage muna tayo even though engaged na tayo sa harap ng mga magulang ko. Gusto ko pa rin sanang maranasan yung maligawan. If okay lang sayo.?" tanda ko pa lahat ng sinabi niya grabe. Kakaiba din tong babaeng to, unang tingin ko para inosente pero may pagka spoiled brat na parang never niya pang naranasan na may nanligaw sa kanya. Seryoso liligawan ko siya. Eh hindi ako marunong dun ehh. Puro babae ang unang lumalapit sa akin. Buong buhay ko hindi ko pa naranasang manligaw. Baka dito na yata ako mahihirapan pero alam ko namang sigurado akong di niya akong babastedin dahil engage na kami. Oo nga pala engaged na kami pero bakit pa kailangan ko pa siyang ligawan. Nakakainis naman. Magtatanong na lang ako dun sa secretary ko baka may alam siya tungkol dito. Pero malabo din ang isang yung. Magtatanong na lang kaya ako kay Dave mamaya kung anong ang gagawin ko bukas sa date namin. Nandito ako ngayon sa bar at sakto nandito din si Dave. " Dude bakit ngayon ka lang nagpakita. Nagpapakabulok ka na ba sa bago mong opisina. Nga pala kumusta pa ang bago mong kumpanya?" dami niyang tanong para siyang babae. " Para kang babae dami mong satsat." pagsusungit ko sa kanya. " Oh nireregla ka na naman. May problema ka na naman no." " May fiance na kasi ako tapos yung fiance ko ang weird niya." " Kaya ayaw ko makipag commit sa mga babae ehh dahil magkakaroon ka lang nang sakit sa ulo." " Siguro tama ka pero anong magagawa ko. Yung anak ang ipinambayad sa akin ehh" " Ipinambayad lang pala eh di gawin mong alipin sa kama dude." sabay tawa niya sa akin. " Pero dude hindi siya yung tipo nang babae na pang kama, Mukha siyang vase na mamahalin na dapat ingatan dude." " Eh bakit din parang problemado ka pa diyan kung yun naman pala ang tingin mo." walang gana niyang sabi. May lumapit na babae sa kanya. " Hello honey are you free tonight?" tanong nung babae sa kanya. " Yes of course naman babe" sabi naman ni Dave sabay hinalikan niya ito. Hinila ko siya para dahilan na maputol ang malaswa nila ginawa. " Dude kailangan ko kasi siyang ligawan kahit na engaged na kami." sabay irap niya sa akin. " Kailangan mo ba talagang putulin yung kaligayahan ko para sa problema mo.?" pagtataray na niya sa akin. " Aba at baka nakalimutan mo kung bakit nandiyan ka sa pwesto mo iyan." pagbabanta ko sa kanya. " Oo na!! So ano ba kasi ang plano mo? Niyaya ko siyang kumain bukas. Ang problema hindi ko alam kung paano mag organize ng romantic date." pagsisimula ko. " Hello babe are you free tonight.?" malambing na tanong ng babae sa akin. Pero sa pagkakataong to dalawang babae ang lumapit sa amin kaya naman tig isa namin ni Dave ng babae. " Sure." sabay na sabi namin ni Dave. " Your place or my place?" tanong ko dito sa babae. " My place na lang." sabi niya. " Sure." sabay halik ko sa pisngi niya. Hindi ko inaasahang makikita ko siya sa bar na ganito pero ang suot niya hindi naman nakakaakit. Dahil naka casual siya ng hanggang tuhod yung casual na pagsimba ang dating. At may kasamang lalaki. "Einjelikeith?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD