Chapter 03

1319 Words
" Angela!!" sigaw niya sa akin. "Bakit po sir."taranta kong sagot. " Sa tingin mo bakit." galit talaga siya " Hindi ko po alam sir." " Hindi mo inaayos ang trabaho mo!!." " Ano po ba yun sir." " Ano yun. Bobo ka ba talaga. Papaano ko hahatiin ang katawan ko sa magulo mong schedule.!!??" galit na galit niyang sabi. " Okay po sir aayusin ko po?" "Dapat lang, bilis!" sigaw niya ulit. " Okay po sir." " Ano pang tinatanga tanga mo?, kilos na!! kung hindi naman palpak, bobo naman, Hayss ano ba yan nakuha ko. Nagsisisi na akong siya pa ang nakuha ko." sabay kamot niya sa ulo niya sa inis. ------------ Naayos ko ng ang schedule niya ng hanggang 3 days kaya naman okay na magmanman muna ako sa ngayon. "Isasama kita sa meeting ko mamaya kaya please lang huwag na huwag kang papalpak. Kung hindi ubos na ang pasensya ko sayo." pagbabanta niya sa akin. "Yes sir." sagot ko sa kanya ng mahinahon. Nasa gitna kami ng byahe ng may tumawag sa akin. " Sir pwede ko po bang sagutin itong tawag sa akin, yung daddy ko po kasi tumatawag baka may emergency po sa bahay namin." pagpapaalam ko sa kanya. " I don't care." malamig na tugon niya. "Yes dad?" tanong ko sa kabilang linya. "Where are you baby.?" malambing na tono ni daddy sa akin. " Bakit po ba dad may nangyari po ba.?" hindi naman kasi tatawag ang daddy ko kunv walang problema. "Kailangan mong umuwi ngayon. May ipapakilala ako sayo ngayon na, papunta na siya dito." utos ni dad sa akin. "Sige po Dad papunta na po ako." saka ko ibinaba ang tawag. "Sir may emergency po sa bahay namin kailangan ko na pong umuwi, kahit bawasan niyo na po sahod ko basta makauwi po ako agad." pagmamadali ko sabi para maramdaman niya na nagmamadali talaga ako. "B-but wait, what about the mee-." Pinutol ko yung sasabihin niya para halatang emergency."Kuya pakibaba na po ako dito." Buti na lang sinunod ako ng driver. " Salamat po." Buti na lang sa tapat ng mall kami bumaba. Dito na ako mag aayos ng sarili ko. Nandito ako ngayon sa harap ng isa sa pinakapaborito kong boutique. Pero hinarang ko ng guard. "Bawal ang gusgusin dito, puro sosyal lang ang pwedeng pumasok dito." pagmamayabang ng guard sa akin. Pati yata dito kailangan ko ding umacting. " Sir inutusan po ako ni ma'am Einjelikeith Del Fuentes na magshopping po dito. Kung ayaw niyo po isusumbong ko kayo sa kanya at siya na po ang bahalang magsabi sa owner nitong boutique, hindi mo ba alam na close na close silang dalawa ni ma'am at ng owner. Kayo bahala kung ayaw niyo aalis na lang ako. Good luck na lang po bye." pangongosenya ko sa kanya. " Te-teka" sabay hawak sa kamay ko. "Grabe bakit ngayon mo lang sinabi,ka pasok ka na, enjoy." pilit siyang ngumiti. Ang dali din pala mauto ang isang yun. Oh siya makapili na nga ng damit ng makauwi na. Dumaan na din ako sa cr para makapag ayos, buti na lang at walang tao dito. Simpleng Casual Dress na ang design niya ay Chiffon Floral na black and white. Bagay na bagay talaga sa akin. Ipapatawag ko na lang yung driver namin para sunduin niya na lang ako dito para maitago ko itong mga gamit ni Angela. Ngayon ko lang naisip na ang hirap ng dalawang katauhan. Sobrang hirap baka mabuko ako. Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Pero mas natatakot ako na tuluyan ng mawala sa amin ang kumpanya namin ng dahil sa pandaraya na ginawa ni Ronie sa daddy ko. Dumating din ang sundo ko. " Kuya itong bag ko pakiakyat mo na lang sa kwarto ko mamaya." utos ko sa driver. " Sige po ma'am." magalang na sagot niya sa akin. Buti naman nakarating na ako dito sa mansion. At pamilyar ang sasakyan na sana harap ng bahay. Teka kay Ronie itong sasakyan na ito ahh. Teka may naaamoy akong di maganda. " Dad Mom I'm home." sabay beso ko sa kanila. Kaharap nila ngayon si Ronie at ito naman si Ronie para tutulo na ang laway sa kakatitig sa akin. " Siya po ba ang ipapakilala niyo sa akin Mom Dad? Hindi pa po ba kayo nauubusan ng lalaking ipapakasal sa akin." nagtatampo na nagagalit ako sa inaasal nila sa akin. "Excuse us, kailangan lang namin mag usap." Pumasok kami sa kwarto ko para mag usap. "Dad what do you think your doing na isa lang ako para aso na ibibigay niyo lang ng ganun ganun lang." " But this time, we need to do this anak para sa kapakanan mo." pagmamakaawa ni daddy sa akin " Kapakanan ko dad o ang kumpanya. Alin sa dalawa. Alam ko na ang lahat dad na hawak na nang lalaking yan ang kumpaya natin. But I'm sorry dad. Kung ang kumpanya ang dahilan para magpakasal ako sa kanya. Hinding hindi ako papayag.!" galit na galit kong sabi sa kanila. " Darling please makinig ka muna please." pagmamakaawa sa akin ni mommy. " Kung ang kumpanya ang problema, kukunin ko yung sa kanya mom dad ng hindi ako magpapakasal." pagmamatigas ko. " Paano mo naman gagawin yun, lugmok na lugmok na tayo sa utang sa kanya." sagot ni dad sa akin na para bang kasal na lang ang tanging paraan para masolusyonan lahat ng problema. " Magkano ba ang utang natin sa kanya dad." " 800 milyon." "800 milyon?! dad paano kayo napunta sa ganitong sitwasyon." " Inimbitahan niya akong pumasok sa casino at natalo ako kaya ako nagkaroon ng utang sa kanya." "Dad naman kasi bakit pa kasi, Di bale na nangyari na ang nangyari, wala na tayong magagawa dun pero may alam akong paraan para masolusyonan ang problema natin." "Ano naman ang plano mo?" " Pumasok po ako bilang secretary niya." pag uumpisa ko ng kwento. " Ano?!" gulat na gulat si daddy ng malaman niya yun. " Relax lang dad dahil nagsuot po ako ng disguise po para di niya ako makilala." " Pero dapat mag ingat ka pa rin. Delikado ang pinasok mo."pag alala ni dad sa akin. " Pero darling baka mahirapan ka lang sa ginagawa mo." pag aalala din ni mommy sa akin. " Pero kung hindi ko to gagawin hindi po ako makakakuha ng ebidensya. Sa katunayan po may nakuha na ako. At ipinacheck ko na ito kay Marc at ang sabi ni Marc ninanakaw niya ang 10% na income ng kumpanya." "Ano?! Talagang wala hiya talaga ang lokong yun ahh!!" galit na galit si dad ng malaman niya na nagnanakaw si Ronie sa kumpaya namin. " At hindi lang yun dad, ang kumpanya naman nila Marc ang next target niya." pagsusumbong ko sa kanila. " Aba at sumosobra na talaga siya honey." galit na galit na sabi ni mommy. " May plano po ako mom dad. Kunyari pumayag akong maging fiance niya hanggat sa makuha ko ang kumpaya at kapag nakuha ko na ang kumpanya saka ko siya tatanggalin sa buhay natin. Kaya fighting tayo, Fighting!!" pangungumbinsi ko sa kanila. Sa totoo lang nawawalan na din ako ng pag asa kung wala lang sakit sa puso ang daddy ko susuko na ako. Bumaba na kaming lahat para sabihin sa kanya na nakumbinsi ako ng mga magulang ko ng maging fiance niya muna ako hanggang sa maging handa ako sa kasal at pumayag naman siya. " Okay sir I think we are done here. Sorry wala kasi yung secretary ko para iayos sana ang schedule ko para naman may oras ako sa anak niyo at magkakilala naman po kami." " Excuse me po ma'am iaakyat ki na po ba itong bag niyo po" tanong sa akin ng driver. Naku lagot ano na ang gagawin ko ngayon baka buking na ako ng dahil dito sa bag. " Te-teka di ba bag ng secretary ko yan.?"pagtataka ni Ronie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD