Chapter 3

2716 Words
ZICK I am currently at Syke's condo. Tinawagan niya ako kanina. We've been friends since High School. Nandoon din si Drixx. Si Haru lang ang wala dahil nasa probinsya ito ng Catanduanes kung saan nandoon ang babaing matagal ng hinahanap. Which is good for him. Dahil sa tagal na naming hinahanap ay sa Isla lang pala na 'yun matatagpuan. Hindi kasi ganoon ka-popular ang Isla. Nang malaman ng kaibigan na nandoon si Luisee ay agad nitong pinuntahan ang Isla. Ngunit nakatakda ng ikasal ang babae na tinatangi ng kaibigan. Kahit hindi nito sabihin sa amin na mahal nito si Luisee ay ramdam namin iyon. Matagal na kaming magkakaibigan ngunit pagdating sa pagtatago ng nararamdaman ay doon kami magkakatulad. Hindi kami ang tipo ng lalaki na ipaparamdam sa taong mahal namin na gusto namin sila. May kasabihan nga na 'Actions speaks louder than words'. We are good at hiding our feelings. Isa pa na magkakatulad kami na kapag interesado kami sa isang babae ay hindi kami tumitigil na hanapin kahit ilang taon pa namin na hanapin. That's why i am thankful because I have friends who helped and keep searching Farrah and also Luisee. Hindi ko lang alam kung anong ginawa ni Syke kay George, kaibigan ni Luisee para mapaamin niya ito kung nasaan si Luisee. Ang mga kaibigan ko din ang tumulong sa akin para mahanap ko si Farrah. Alam ko may kanya kanya din silang priority sa buhay ngunit hindi sila nagdalawang isip na tulungan ako. Pagkatapos nilang malaman kung nasaan si Luisee ay binalita naman agad nila sa akin kinabukasan na nakita na din nila si Farrah. Hindi ko na pinalagpas na nahanap ko siya kahit alam kong galit siya sa akin. Hindi ko siya masisisi na puno ng galit ang puso niya sa akin. Balang araw ay maiintindihan din niya na ang lahat ng ginagawa kong ito ay para sa kaligtasan niya. Halos araw-araw ko siya panapasundan para alam ko na ligtas siya. "Dude, I'm sorry if I call you. I know you want to be with her but I think you need to know that Farrah is in danger. He was still looking for her." Pagpapaalala sa akin ni Syke. Si Gregg ang tinutukoy nito. I clenched my fist. Hindi talaga niya ako titigilan hanggat hindi niya nakukuha ang kahinaan ko. Hindi ko din alam kung paano siya nakapasok sa bar ko ng nagdaang gabi. Nang makita ko sa CCTV si Farrah ay lalo akong nabahala. Kaya pinanuod ko muna ang bawat galaw ni Gregg sa monitor. Hindi ko alam kung nalingat lang ba ako dahil palagay ko may pampatulog ang inumin ni Farrah kaya nakita ko kung paano ito nawalan ng balanse habang nagsasayaw. Hanggang sa tinungo nito ang ladies room. Napansin ko na may kahina-hinalang dalawang lalaki doon na naghihintay. Hindi ako sigurado kung si Farrah nga ang puntirya nila. And it happened. Si Farrah nga ang inaabangan nila. Hindi ako nagdalawang isip na puntahan ang mga ito lalo pa at nakita ko kung paano hawakan ng lalaking iyon si Farrah. Muntik ko na mapatay ang isa sa mga lalaki kung hindi lang ako pinigilan ng isa sa mga bouncer ko ng marating ko ang kinaroroonan nila. "He can no longer take Farrah from me. She's safe now." May determinasyon sa boses ko. Sinulyapan ko si Drixx. Kanina pa ito tahimik. Nilapit ni Syke ang bibig sa tenga ko. "He's still searching," bulong nito. Tulad namin ni Haru ay may hinahanap din ito. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi pa nito nakikita. Tinapik ko sa balikat si Drixx. Sinulyapan ako nito. Masayahing tao ang kaibigan ko ngunit sa kabila ng mga ngiti nito ay ang pangungulila sa babaing bigla na lang naglaho na parang bula. Ewan ko ba at magkakapareho ang sitwasyon namin tatlo nila Haru. Ang pinagkaiba lang namin ay ako ang nang-iwan ngunit hindi ko naman iyon kagustuhan. "Just keep searching, Dude." Pagpapalakas ko ng loob sa kaibigan. "Tutulong pa din kami." Ngumiti lang ito. "Mabuti na lang hindi ako katulad ninyo. I'm happy with my life without thingking girls. Because thier are thingking of me." Sabi ni Syke. Tila natutuwa pa ito na siya ang iniisip ng mga babae. Natawa na lang ako sa sinabi nito. "Really, Dude?" tanong ni Drixx. Tila hindi ito sang-ayon sa sinabi ng kaibigan. Natigilan si Syke. I know there is something he's not telling us. Whatever that is we will also know when the time comes. Nagring ang cellphone ko. Agad ko iyon kinuha sa aking bulsa . Si Manang Yolly tumatawag. I press the answered button. "Yes, Manang?" "S-Sir, si Ma'am Farrah," garalgal ang boses nito. Nabahala ako lalo ng binanggit nito ang pangalan ni Farrah. "What happened to her?" May bakas ng pag-aalala sa boses ko. "K-kanina pa kasi niya kinakalabog 'yung pinto tapos biglang tumigil. Baka po may nangyaring masama sa kanya sa kwarto. Binubuksan namin 'yung pinto pero may nakaharang." Sa huling sinabi nito ay bigla akong kinabahan. Tumayo ako. "Sige Manang uuwi na ako. Pilitin ninyong buksan ang pinto." Pinatay ko na ang tawag. "Dude, I'm sorry but I need to go. Farrah needs me." Baling ko sa mga kaibigan. Tumango lang ang dalawa. Madali kong tinungo ang sasakyan. Binuhay ko ang makina at pinaharurot ko na iyon paalis ng condo ni Syke. Mabilis naman ako nakarating ng bahay. Pagdating ko ng bahay ay agad ko tinungo ang taas. Dumiretso ako sa kwarto kung nasaan si Farrah. Bukas na ang pinto pagdating ko. Nasa labas ng kwarto ang dalawa sa mga ni-hire kong tao para magbantay sa buong bahay. "What happened?" tanong ko ng mapansin nila ang prisensya ko. Hindi nagsalita ang mga ito bagkos ay binigyan nila ako ng daan. Nakita ko si Manang Yolly na umiiyak. Napuno ako ng paga-alala. "Manang?" tawag ko sa kanya. Binalingan niya ako. "Mabuti naman at dumating na kayo, Sir. Nasa banyo si Ma'am Farrah. Ayaw po niyang lumabas. Iyak po siya ng iyak sa loob ng banyo." Paliwanag nito. Napansin ko din na magulo ang kwarto. Nakakalat ang mga gamit. Ang kama naman ay malapit sa pintuan. Paano nakarating iyon doon? Nagtatanong ang mata na binalingan kong muli si Manang Yolly. "Iyon pong kama ang pinangharang niya sa pintuan para hindi kami makapasok. Tapos..." Hinintay ko siyang magsalita muli. Ngunit alam ko na kung ano sasabihin niya dahil napansin ko na may pinagdugtong-dugtong doon na mga bed sheets. Sinusubukan tumakas ni Farrah. Hindi ako makapaniwala na nagawa niyang hilahin ang kama sa pintuan. Ganoon siya kadesperada na makaalis ng bahay ko. Ngunit kahit gawin niya iyon ay hindi naman siya makakaalis sa bahay na ito. Sa labas pa lang ng bahay ay mga nakabantay na doon. Sinadya ko talagang mag hired ng mga magbabantay dahil alam ko dadating ang panahon na susugurin o papasukin ni Gregg ang tahanan ko. Tuso si Gregg. Gagawa at gagawa siya ng paraan para mahanap kung nasaan ako. Alam ko hindi ako ang puntirya niya. Ang kahinaan ko ang kukunin niya at iyon ay si Farrah. Pero bago mangyari na makuha niya si Farrah ay dadaan muna siya sa ibabaw ng aking bangkay. "Ako na po bahala, Manang. Iwan nyo na kami," utos ko. Lumabas naman ito kaagad kasama ang dalawa sa tauhan ko. Hindi na nito sinara ang pinto dahil nasira na iyon. Marahil sa ginawang pagpwersa sa pinto para mabuksan iyon. Tinungo ko ang banyo. Sinubukan kong buksan ngunit naka-lock iyon. Kinatok ko ang pinto. Wala akong narinig na ingay. Kumatok akong muli. Ngunit wala pa din akong narinig mula sa loob. f**k! Hindi ko gusto na ikulong siya dito sa kwarto pero ito lang ang tanging paraan para hindi siya galawin ni Gregg. Kumatok akong muli sa pagkakataong iyon ay nilakasan ko na. "Far, open the door. Let's talk!" Pakiusap ko sa kanya. Ngunit wala ako narinig. Ano ba gagawin ko para lumabas siya. I took a deep breath. "Okay, pwede ka na lumabas ng kwarto pero iyon lang tanging maipapangako ko sayo. Your not safe outside the house. Please, open the door!" Wala na akong choice kundi ang palabasin siya ng kwarto sana tumalab ang sinabi ko. "I'll call Tito Fernan. I will bring him here, just come out. Please." Pakiusap ko. Nakahinga ako ng maluwag ng bumukas iyon ngunit naawa ako sa hitsura nito. Mugtong-mugto ang mata nito. Basang basa at nanginginig ang buong katawan nito. f**k! I hate seeing her like this. Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit siya nagkakaganito. Pero kapakananan lang niya ang iniisip ko. Mabilis kong kinuha ang nakasampay na tuwalya sa loob ng banyo. Binalot ko iyon sa kanya. "Stay here," tinungo ko ang closet at kumuha ako ng pamalit niya doon. Kasama na doon ang mga panloob niya. Pagkakuha ko niyon ay binalikan ko siya. Inabot ko sa kanya ang damit na kinuha ko. "Change your clothes." Pinapasok ko siyang muli sa banyo. Hinintay ko siyang lumabas. Nang bumukas muli ang pintuan ng banyo ay mabilis ko siyang hinarap. Kinuha ko ang tuwalya na hawak niya at nilagay ko iyon sa ulo niya. Pinunasan ko ang buhok niya na tumutulo. Iginiya ko siya sa couch. Tahimik naman itong sumusunod sa kanya. Mabuti na lang at nakikisama siya ngayon hindi tulad kanina na binubugbog na niya ako. Ayos lang sa akin iyon. Alam ko galit siya sa akin kaya tatanggapin ko kung ano man ang gawin niya sa akin. Umupo kami sa couch. Pinupunasan ko pa din ang buhok niya gamit ang tuwalya. Muli ko na naman nakita ang paglandas ng luha niya mula sa kanyang mata. Ako ang mas nasasaktan kapag nakikita ko siyang ganito. Hindi ko napigilan ang sariling yakapin siya. Nagbabakasakali ako na maibsan ang sakit na nararamdaman niya. This is all I can do for now. Ang yakapin siya at iparamdam sa kanya na nandito na ako. Na hindi na ako aalis sa tabi niya. Alam kong mas kailangan niya ako noon pero wala ako. Gusto ko bumawi sa kanya sa mga panahon na wala ako sa tabi niya. Lalo itong umiyak sa ginawa ko. "I'm sorry, Far," tanging nasambit ko. Iyon lang ang tangi kong masasabi sa kanya. Dahil alam ko ang paghingi ng tawad ang una kong dapat gawin. Humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. Hinagod ko ang likod niya. Naramdaman kong tumigil na siya sa pag-iyak. Nadismaya ako ng kumawala siya sa pagkakayakap ko. Lumayo siya sa akin. Here we are again. She's pushing me away which is hurting me badly. "Ang sabi mo tatawagan mo si Papa at dadalhin mo sya dito, Tama ba ako?" tanong nito ng hindi ako sinusulyapan. "Yes," tumingin siya sa akin. Nangangamatis na din ang ilong niya. "I'll take him here when you don't look like that anymore. Your dad might hate me when he sees you look like that. Promise, i take him here but for now we will call him first. Is that ok with you?" Mahaba kong litanya. She bit her lower lip. I swallowed. I love her lips. What the hell! Ngayon pa talaga ako nag-isip ng ganoon. Tumango lang ito. "Hindi ka na pwede matulog dito. Ipapaayos ko pa ang pintuan. Come with me," tumayo ako. Sumunod naman siya sa akin. Dinala ko siya sa kwarto ko. I dont have a choice but to take her at my room. Doon ko siya patutulugin. Sa guest room na lang ako matutulog. Napansin ko na iginala niya ang paningin habang naglalakad kami. Siguro ay ililibot ko na lang siya sa buong bahay kapag sanay na siya sa presensya ko. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko. "Kaninong kwarto ito," tanong nito habang papasok ng kwarto ko. "It's my room," sagot ko. Sa sinabi kong iyon ay nagsalubong ang kilay nito ng sulyapan ako. Nagtatanong ang mga mata nito. "Don't worry, sa guest room ako matutulog." Maagap kong sagot. Alam ko kung ano iniisip niya. Gustuhin ko man ngunit hindi maaari. Tumango tango siya. Tinungo nito ang bintana. Slide window din iyon tulad ng kwarto na pinagdalhan ko sa kanya. Binuksan niya iyon. Pumikit siya. Sumilay sa mga labi nito ang isang ngiti habang sinasamyo ang simoy ng hangin. Ang sarap nito pagmasdan. Napakaganda ng mukha nito. Iyon ang hindi nagbago sa kanya. Ang mukha nito na paborito kung titigan noon. Sa tagal ng panahon na hindi ko siya nakita ay pakiramdam ko madami ang nagbago sa kanya. Kung dati ay masyado itong maarte sa katawan ay ibang-iba na ngayon. Dahil hindi na mababakasan ng kaartehan ang katawan nito. Napakasimple na nito. Ibang-iba sa Farrah na nakilala ko noon. "Why me, Zick?" tanong nito habang nakatanaw sa bintana. Hindi ako nakagalaw. Hindi ako handa sa tanong niya. Hindi ako nakasagot. Nanatili lang na nakatitig sa maganda niyang mukha. "Why did you choose me to be your wife?" Humarap siya sa akin. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Do I have to answer her question? Ngayon biglang hindi gumana ang utak ko. Anong isasagot ko? f**k! "I-i just want to protect you," nagsalubong ang kilay nito. Pilit kong sinasalubong ang nagtatanong niyang mga mata. Hindi ko alam kung tama ba ang sagot ko sa tanong niya. "Protect me? from who?" Damn it! Pakiramdam ko nalagay ako sa hot seat. Nakalimutan ko na matanong pala siya. Hindi siya tumitigil hanggat hindi niya nakukuha ang sagot. Hindi din ito nagpapatalo. Iyon ang pagkakakilala ko sa kanya noon pa man. Hindi pa din pala iyon nawala sa katangian nito. I was about to confess when my phone rang. Save by the Bell. Salamat sa tumawag. It was Aljon. Isa sa mga bouncer ko sa bar. Sinulyapan ko si Farrah. Muli itong tumanaw sa bintana. Sinagot ko ang tawag ni Aljon. "What is it, Aljon?"tanong ko. "Boss, nasaan kayo?" tila may kung anong nakabara sa paraan ng pagkakatanong nito. Tila hirap ito mag-salita. Nagsalubong ang kilay ko. Kinutuban ako. "I'll talk to him." Narinig ko ang malakas na tawa sa kabilang linya. f**k! Sinasabi ko na nga ba. "That's why I like you, Zick. Your smart," anas nito. Kahit hindi ko kita ang mukha nito ay alam kong nakangisi ito. "Don't worry about your man. I just want to know where the hell are you?!" Bakas na sa boses nito ang iritasyon. "Why should I tell you where I am now. Just mind your own business," sagot ko. Lumakas ng bahagya ang boses ko. Muli kong sinulyapan si Farrah. Nakaharap na siya sa akin at salubong ang kilay. Minabuti kong lumabas na lang ng kwarto. Baka kung ano pa ang marinig niya. Sinara ko ang pinto ngunit hindi ko iyon ni-lock. Gusto ko tuparin ang pangako ko sa kanya. Muli ko narinig ang mala-demonyo nitong tawa. "Oh, I guess your with her, right?" he chuckled. "She's beautiful. Sayang nga lang at naunahan mo ako. But don't worry, next time will be my victory."t Tumawa itong muli. "You bastard! Stay away from her or your f*****g business will drag you down! I know your dirty secrets, Gregg. Don't try me, you f*****g asshole!" sigaw ko sa kanya sa kabilang linya. Tumawa lang ito sa sinabi ko. "f**k you, Zick! Until now you are still the dominant at the business. But I have figured out a way to get rid of all that. To take your weakness and I will not stop taking that to you Mister Zick Morgan. Always rember that. Alam mo kung ano ang kaya kong gawin." May determinasyon sa boses nito. I know what he can do. Pero hindi ako papayag na makuha niya ang kahinaan ko. "Try me Mister Gregg Benedicto. You will pass over my corpse first, you f*****g moron!" I press the end button. Hindi niya ako matatakot. "Zick?" napalingon ako sa nagsalita. s**t! Narinig kaya niya ang pag-uusap namin ni Gregg? "May kaaway ka?" tanong nito. "Business matters only," tipid kong sagot. Nakahinga ako ng maluwag. Umiling-iling ito. "Wala naman nagbago doon. Mahilig ka talaga sa away noon pa man." Tinalikuran na siya nito. Pumasok itong muli sa kwarto. Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Masakit man ngunit tinanggap ko na lang. Ganoong katauhan niya ako nakilala noon. Si Zick Morgan na tinaguriang Bad boy sa Unibersidad. I heaved out a deep sigh. Lahat ng tao nagbabago. At isa ako doon. Farrah help me to be a good man and I thank her for that.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD