FARRAH
Pasado alas dose na ng gabi. Kanina pa ako hindi mapakali sa higaan. Hindi pa din ako dinadalaw ng antok.
Simula kanina ay hindi ko na din nakita si Zick. Palaisipan din sa akin ang narinig ko kanina. Sino ang tinutukoy nito na layuan ng kausap? Sa hinuha ko ay may pinoprotektahan ito.
Bigla ako nakaramdam ng inggit. Sana nagawa din nito iyon noong panahong kailangan ko ito.
Nailibot na rin ako ni Manang Yolly kanina sa buong bahay dahil inutos iyon ni Zick.
Malaki ang bahay. Napakaganda ng pagkaka-disenyo. Pinag-isipan ng maayos.
Napansin ko rin na may mga nakabantay sa labas. Lalo ako nawalan ng pag-asa. Bago pa man ako makalabas ng bahay na ito ay dadaan muna ako sa mga lalaking iyon.
Nagbuga ako ng hangin. Minabuti kong lumabas muna ng kwarto. Nakaramdam ako ng pagkauhaw.
Bumaba ako at tinungo ko ang kusina. Pagkatapos ko uminom ay lumabas na ako agad ng kusina.
Sinilip ko ang labas ngunit wala yata sa bokabolaryo ng mga nagbabantay sa labas ang matulog. Dilat na dilat ang mga mata ng mga ito. Hindi ko alam kung para saan ang mga lalaking iyon at mahigpit nilang binabantayan ang buong bahay. Kung para sa akin ay kahit isa lang ay sapat na dahil sa laki ng mga pangangatawan ng mga ito ay hinding hindi ako makakawala.
Minabuti kong umakyat na. Pagdating ko sa taas ay napukaw ng pansin ko ang nakaawang na pinto sa bandang dulo ng bahay. May liwanag na nagmumula doon. Katapat lamang niyon ang kwarto ni Zick.
Hindi iyon pinakita sa akin ni Manang kanina ng nilibot niya ako. Hindi ko rin iyon napansin kanina.
Napukaw ang kuryosidad ko kaya tinungo ko iyon. Hindi ako sigurado kung tulog na si Zick. Pero sana ay tulog na ang kumag na iyon.
Marahan akong naglakad at tinungo ang silid. I heard a music playing.
May tao kaya sa loob?
Bahagya ko iyon sinilip at nakita ko ang isang bulto na nakaupo sa swivel chair. Hindi ako maaaring magkamali base sa lapad ng likod nito ay si Zick iyon.
Inilibot ko ang paningin sa loob ng silid. Study room ito base sa mga librong nakikita ko. Then I heard clearly the music playing. Love is Gone by Slander.
Kailan pa nagkaroon ng hilig sa music ang isang Zick Morgan?
Hinayaan ko na lamang siya kung ano man ang ginagawa niya. Paalis na ako ng may marinig akong kalansing ng bote hanggang sa may nabasag sa loob.
Mabilis akong bumalik at pinasok ko na ang silid. Nakita ko kung paano sumubsob ang ulo ni Zick sa study table nito.
Mabilis ko itong nilapitan. Nanuot sa ilong ko ang amoy ng alak. Umiinom ito. Nakita ko din ang basag na bote sa baba ng study table nito. Marahil nabitawan nito iyon.
Tinapik ko ito sa balikat. Nahirapan pa itong i-angat ang ulo dahil sa kalasingan. Sumilay ang ngiti sa mga labi nito ng makita ako. Bumilis na naman ang t***k ng puso ko. Hindi ko siya nakita ngumiti noon dahil masyado itong seryoso pero ngayon wala itong pag-aalinlangan na bumitaw ng ngiti sa harap ko. Napakagwapo nito kahit lasing ito.
"H-hi, y-you're here," sambit nito na hirap magsalita dahil sa kalasingan. Mapungay na din ang mga mata nito.
"May problema ka ba?" tanong ko.
"M-me?" he chuckled. "I-i d-don't have a p-problem," tumawa ito ng mahina.
Pambihira, ganito ba siya malasing?
Hinawakan ko ito sa braso at inalalayan siya makatayo. Ngunit hindi ko yata kaya ang bigat nito kaya naman ay nabitawan ko ito at napaupo ito sa sahig. Mabilis ko itong dinaluhan.
"Tumayo ka nga. Hindi kita kaya. Ang bigat mo," reklamo ko na pilit inaalalayan makatayo.
"I l-like it , F-Far. Concern ka sakin," sinisinok pa ito habang nagsasalita.
Tsk! Napailing na lamang ako.
"Hindi ako concern sayo. Naaawa ako sayo, " sabi ko na lamang. Ngunit salungat naman ang sinasabi ng puso ko.
Tumayo na kami ngunit dahil hindi na nga nito kaya maglakad ay sabay kaming natumba. Napahiga ito sa at ibabaw ko ito napunta. Ang lapit ng mukha nito sa akin.
Tinulak ko ito ngunit idiniin pa nito ang katawan nitong nakadagan sa akin.
"Zick, ang bigat mo," reklamo ko. Mariin ang pagkakabigkas ko niyon ngunit mahina para lang madinig nito.
Narinig ko itong sinasabayan ang musika na pinapakinggan nito.
Kumakanta ba siya? Saka ko lang napansin na pulit-ulit lang ang musika na aking naririnig. Paborito ba nito ang kantang iyon?
Hinaplos nito ang aking mukha habang titig na titig ito sa akin. Ngayon ko lang ulit natitigan ng malapitan ang mukha nito.
Gusto ko hawakan ang mukha nito. Gusto ko pisilin ang matangos nitong ilong. Saka lang din rumihistro sa akin ang nilalaman ng kanta. 'Lets fall in love, one more time?' Anong ibig nitong sabihin doon?
Hinawakan nito ang kamay ko. Nilagay nito iyon sa mukha nito at nilapat nito ang mukha sa aking dibdib.
No! Maririnig nito ang t***k ng puso ko.
Aalisin ko sana ang ulo nito ng muli ko itong marinig kumanta.
Biglang parang may humaplos sa puso ko sa bawat katagang binitawan nito kahit pa galing iyon sa liriko ng kanta.
Wala na akong nagawa kundi ang hayaan ko ito sa ginagawa. Nanatili lang ang kamay ko sa mukha nito.
"I'm sorry, Far. don't leave me… I want you here with me… I know that your love is gone," nangilid ang luha ko. Hanggang sa tuluyan ng naglandas sa aking mukha ang mainit na likido na kumawala sa aking mata.
Ano ba'ng alam nito sa nararamdaman ko? Hindi ko pa iyon nasasabi sa kan'ya. 'Yung panahon na dapat sasabihin ko sa kan'ya ay hindi naman ito sumipot.
Muli na naman bumalik ang kirot sa aking puso. Galit muli ang umiral doon. Sa naisip ay itinulak ko ay inalis ko ito mula sa pagkakadan nito sa aking ibabaw.
Narinig ko ang malakas na pagkakalapat ng ulo nito sa sahig. Nakagat ko ang ibabang labi. Nakatulog na ito. Kahit galit ako rito ay hindi ko naman maaatim na iwan ito dito na ganito ang hitsura at sa sahig pa nakahiga.
Mabilis akong tumayo at tinungo ko ang mga nakabantay sa labas. Dalawa sa kanila ang tinawag ko at pinaakyat ko sa study room ni Zick.
Pinaalalayan ko ito sa dalawa at pinadala ko sa kwarto nito. Gusto ko sana gisingin si Manang ngunit nahiya naman ako at baka tulog na. Ako na lang ang nagpunas sa kan'ya.
Habang pinupunasan ko ang mukha nito ay unti-unting bumalik sa alaala ko kung paano ko iyo nakilala. Kung paano tumatak sa isip ko ang gwapo nitong mukha...
Nine years ago...
Napaubo ako ng makalanghap ako ng amoy ng sigarilyo mula sa aking likuran.
Kasalukuyan ako nagbabasa ng paborito kong pocket book. Iyon lang ang free time ko kaya nagagawa ko iyon. Wala kasi kaming professor sa oras na iyon. May importante daw na ginawa kaya may vacant class kami.
Hindi ako pu-pwede magbasa sa classroom dahil hindi ako makakapag-concentrate doon dahil may mga magugulo akong classmate. Isa pa, tutuksuhin lang nila ako dahil sa edad kong iyon ay nagbabasa pa ako ng ganoon. Eh, ano naman? Mas gusto ko magbasa ng mga love story kaysa ang magpa-cute sa feeling mga gwapo kong classmate.
Nasa paborito akong tambayan. Sa malaking puno iyon malapit sa gymnasium. Wala kasi masyadong nagpupunta doon kaya pinili kong tambayan iyon.
Ngunit tila ayaw talaga ako patapusin sa binabasa ko dahil may kung sinong talipandas ang umistorbo sa akin. Nasa punto na ako na aamin na ang character na bidang lalaki sa bidang babae. Kinikilig na ako ngunit naudlot iyon.
Nanggigigil na tumayo ako para silipin ang naninigarilyo. Dito pa talaga sa tambayan ko napili humithit.
"Hoy! Wala bang ibang lugar para d'yan sa paninigarilyo mo?! Bawal dito 'yan, ah!" sigaw ko sa lalaking printeng nakaupo sa malaking ugat ng puno.
Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakasumbrero ito. Wednesday ngayon kaya wash day at hindi ko mawari kung anong department ito dahil tulad ko ay naka-sibilyan din ito.
May hikaw ito sa kanang tenga. Nakatali pa ang buhok nito dahil may kahabaan iyon. Istrikto ang unibersidad na pinapasukan ko. Bakit may estudyante dito na parang walang pakialam sa rules and regulations ng school.
Hindi ito natinag sa ginawa ko. Bagkos ay humithit pa ito at pagkatapos ay nagbuga ng usok.
Tinakpan ko ang ilong ko. Ayoko talaga ang amoy ng sigarilyo.
Nakita kong inapakan nito ang natitirang upos ng sigarilyo. Hindi nakaligtas sa paningin ko kung gaano kapula ang labi nito. Nangingintab pa iyon sa ginawa nitong pagbasa sa labi nito.
Tumayo ang lalaki. Hindi ko inaasahan na ang tangkad nito. Hanggang balikat lang yata nito ako. Hindi ko pa din makita ang mukha nito. Kalahati kasi ng bahagi ng mukha nito ay natatakpan ng sumbrero nito.
"Hindi mo ba ako narinig? You're doing is against the rules and regulations of the University. How did you get in here without knowing the rules?" dugtong ko pa .
Ngunit nawala yata ako sa huwisyo ng tinaas nito ng bahagya ang sumbrero na nakatabing sa itaas na bahagi ng mukha nito.
His dark eyes, that when stared at will be directed to the depths of your being. As if i was slowly melting at the way he was staring at me. Tila yata umatras ang dila ko.
"I will confirm that to my friend if this is against the rules of this School," lalo akong hindi nakapagsalita ng magsalita ito.
Ang lalim ng boses nito. Bagay sa ganda nitong lalaki. What the hell? What am I thinking? Nayabangan din ako sa sinabi nito. Friend? Ano ba alam ng kaibigan nito sa rules and regulations ng school? Baka nga hindi din alam ng kaibigan nito kuno ang patakaran sa school dahil ito mismo ay hindi marunong sumunod sa rules.
Tumaas ang isang kilay ko.
"Why would you ask your friend? You, yourself must know better because you entered this University," matapang kong wika rito.
Nagkibit-balikat lamang ito at tinalikuran na ako. Nainis ako. Mayabang ang isang ito.
"Sandali! Who is your friend you are proud of?! What you are doing is still forbidden. I will report you to the head of the school!" seryoso ako sa sinabi ko. Hindi lang iyon kaya naiinis ako sa kan'ya. Hindi man lang niya napansin ang beauty ko.
Hinarap niya ako. Wala akong makitang emosyon sa mukha nito. Blangko ang mukha nito. Hindi ako nagpatinag. Ginulo na din naman nito ang pananahimik ko kaya guguluhin ko din siya.
Napaatras ako ng lumapit ito. Dahil sa haba ng mga biyas nito ay inisang hakbang lang nito ang kinatatayuan ko.
Yumukod ito ng bahagya para magpantay kami. Sa tangkad nito ay talagang mapapatingala ka na lang. Matapang kong sinalubong ang titig nito.
"Go ahead. Report me. I'm not afraid," saad nito na tila hindi natatakot.
Bumuka ang bibig ko para sana may sabihin ngunit umatras yata talaga ang dila ko dahil hindi iyon nakisama sa akin.
Bumilis ang t***k ng puso ko ng dumapo ang mata nito sa labi ko.
Nagsalubong ang kilay nito.
"You're brave, huh," sambit nito at tinalikuran na ako.
Naglakad na ito palayo sa akin. Naiwan naman akong tulala. Naiwan pa yata ang amoy nito kung saan ako nakatayo.
Lumipas ang mga araw ay hindi ko na ito nakita sa tambayan ko. Halos araw-araw ako pumupunta doon nagbabakasakali na makita ko itong muli. Ewan ko ba, kahit nayabangan ako sa lalaking iyon ay gusto ko pa din itong makita.
Nalaman ko din na ang tinutukoy nitong kaibigan ay si Haru Stevan. Anak ito ng may-ari ng unibersidad. Hindi na ako magtataka kung bakit malakas ang loob nito na gawin ang bawal.
I know his name already. He is Zick Morgan. Anak ito ng isang business-tycoon at kilala iyon ng papa ko dahil nasa business industry din ang pamilya ko.
Nalaman ko din na apat silang magkakaibigan na tila sinalo yata ang kagwapohan sa mundo. Walang babae ang hindi lilingon kapag dumaan sila.
Silang apat ang pinaka-popular sa University. Sila ang tinaguriang Heartthrob ng School.
"Hey, Far, let's go!" yaya sa akin ni Selina. Base sa hitsura nito ay kinikilig ito.
Nagsalubong ang kilay ko.
"Where?"
"At gymnasium. The Heartthrob is there. Thier practicing basketball for upcoming sports event, come on," napangiti ako.
Yes! Nagdiwang ako dahil makikita ko siyang muli.
Wala pa kami sa loob ng gymnasium ay dinig na ang sigawan mula sa labas ng mga nasa loob o mas tamang sabihin ay tilian.
Hila ako ni Selina papasok. Muntik pa akong mapasubsob ng may tumulak sa akin. Hindi ko na nakita kung sino iyon dahil sunod-sunod ang mga pumasok sa loob ng gymnasium.
Pambihira, ganito ba talaga sila kasikat dito sa School? Halos kababaihan ang nasa loob.
Naghanap kami ng mauupuan ngunit ukopado na iyon lahat.
"Dito na lang tayo, Girl. Wala na tayong mauupuan," sabi ko sa kaibigan.
Sumimangot ito. Wala ng nagawa ang kaibigan ko.
Halos magkanda-haba ang leeg namin pareho sa kasisilip pero hindi talaga namin makita. Nagkakandahaba din kasi ang mga leeg ng nasa unahan namin.
May nakita akong espasyo kaya mabilis kong hinila sa kamay si Selina. Sumingit kami. May narinig pa akong nagreklamo pero hindi ko na pinansin iyon.
Nakita ko na siya. Nagkaroon ako ng pagkakataon na titigan ito. Matangkad nga talaga ito kasama ang mga kaibigan nito.
Sino kaya sa kanila si Haru, Drixx at Syke? Lahat gwapo, bwesit!
Halos mabingi ako ng magtilian ang mga babaeng katabi ko at sa likod namin ng maka-gawa ng puntos si Zick . Pati si Selina tumili din ng pagkalakas-lakas.
Hindi pa naman sports event pero daig pa ang may event na dahil sa dami ng tao sa gymanasium.
Nadala ako sa tilian ng mga kapwa ko babae kaya tumili na din ako. Tuwang tuwa ako sa nakikita ko dahil panay ang puntos nila.
Huminga ako ng malalim.
"Go Zick! Go, go, go, Zick! Talunin mo sila, Go!" at tumili ako ng pagkalakas-lakas.
Tila tumigil yata ang mundo ko ng tumingin ito sa kinaroroonan ko. Tumigil ito sa pagtakbo. Nagtilian naman ang mga katabi ko ng tumingin sa dereksyon namin si Zick.
Ngumiti ako sa kan'ya ngunit nanlaki ang mata ko ng tinamaan ito ng bola sa ulo.
Shocks! Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit ito tinamaan ng bola.
Mabilis kong hinila si Selina palabas ng gymnasium.
"Nanunuod pa ako, Far,"reklamo nito.
"Pwede ka bumalik. Hindi na ako babalik doon. Maiwan na kita." Tinalikuran ko na ang kaibigan.
Dating gawi ay dumiretso ako sa paborito kong lugar. Sa malaking puno. Umupo ako doon. Mamaya pa ang susunod kong subject kaya dito muna ako magpapalipas ng oras. Isa pa, kaunti na lang at matatapos na ako sa binabasa ko.
Nagsimula na akong magbasa. Dati ang mga romance novel na lang ang nagpapakilig sa akin. Ngayon ay may totoong nagpapakilig na sa akin. Sa naisip ay napangiti ako.
Argh! Hindi ako makapag-concentrate.
Tinuon kung muli ang atensyon sa binabasa. Napansin kong dumilim. Uulan ba?
Nag-angat ako ng mukha para sana silipin ang ulap kung makulimlim ngunit gayon na lang ang pagbilis ng t***k ng puso ko ng masilayan ko ang gwapo nitong mukha.
Nandito ba ito para sisihin ako sa pang-iistorbo ko sa laro nito.
Alanganin akong ngumiti. Nagtaka ako ng inilahad nito ang kamay sa harap ko. Hindi man lang ba siya uupo? Nangangalay na ang leeg ko kakatingala sa kan'ya.
"I'm Zick Morgan. How about you?" seryoso nitong wika.
My lips parted. Nagpapakilala siya sa akin.
"Are you deaf?" tanong nito. Saka ako natauhan.
Sinulyapan ko ang kamay nitong nasa harap ko. Namalayan ko na lang ang sarili na inaabot ang kamay nito.
"Farrah, Farrah Suarez," sagot ko.
Tinakasan yata ako ng hininga ng umupo ito sa tabi ko. Bahagya pa akong napapikit ng masamyo ko ang amoy nito. He is too fresh. Walang amoy pawis. Napansin kong nakabihis na din ito.
"Okay lang ba tumambay dito?" tanong nito.
Tumango ako bilang tugon.
"Is this your favorite place?" tanong nitong muli.
Tumango akong muli. Hindi ko ito matitigan.
"Don't worry I won't bite you," doon ko ito nagawang sulyapan.
Nagsalubong ang mga mata namin.
"Hindi ka galit sa akin?" tanong ko.
Nagsalubong ang kilay nito sa sinabi ko.
"Why would I do that?" taka nitong tanong.
"Because of me the ball hit you in the face," pagkasabi ko niyon ay umiwas ako ng tingin sa kan'ya. "Dahil pinagbawalan kita sa ginawa mo." pagpapa-alala ko sa unang pagkikita namin.
"It's nothing. It's not your fault. Anyway, Haru told me that it's forbidden. Matigas lang talaga ang ulo ko." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nito.
Simula ng araw na iyon ay madalas na kami magkita sa punong iyon. Hindi ko alam kung sinasadya nitong pumunta doon o nagkakataon lang. Dahil ako, hindi na lang pagpapalipas ng oras ang pinunta ko doon. Dahil lagi akong nagbabakasakali na magkikita kaming muli.