FARRAH A few months later... "Zick!" tawag ko kay Zick na hindi ko nakita sa loob ng kwarto. Hindi naman ito aalis na hindi nagpapaalam sa akin. Nitong mga nakalipas na araw ay kapag hindi ko lang makita ang mukha nito sa umaga paggising ko ay hinahanap ko ito agad at mainit na ang ulo ko. Kapag narinig naman nito ang boses ko ay natataranta na itong magpakita sa akin. "Nasaan na ba ang lalaking 'yon? Sinabi ng h'wag aalis na hindi ako sinasabihan." Reklamo ko at lumabas ng aming kwarto. Tinungo ko ang silid ng aming anak pero hindi ko ito nakita doon. "Good morning, baby. Iniwan na naman ako ng daddy mo sa kwarto ng walang paalam. Naiinis si mommy." Pagmamaktol ko sa picture ng aking anak. Gawain na namin ni Zick iyon tuwing umaga, ang kausapin ito. Kahit sa gabi bago matulo

