FARRAH Muli na naman akong nagising sa ospital. Isa sa mga iniiwasan ko dati na hanggat maaari ay hindi ako tatapak sa ospital. Ngunit ito na naman ako. Muling nakahiga sa puting kama ng ospital. Si papa ang hinahanap ko ngunit ibang mukha ang nais kong makita. "Zick," usal ko sa pangalan nito. Ngunit nadismaya ako ng hindi ko makita ang presensya nito sa loob ng kwarto. Sinubukan kong bumangon ngunit nanghihina ang aking katawan. "Anak," bungad sa akin ni papa ng makita ako nitong bumabangon. Nasa bungad ito ng pinto at agad na lumapit para alalayan ako. "Pa, ayoko na dito. Umalis na tayo dito," pakiusap ko kay papa. "Pero anak, ang sabi ng doktor ay kailangan mong bumawi ng lakas. Nanghihina ka pa. Kailangan mo pa na manatili rito ng ilang araw." Paliwanag sa akin ni papa.

