FARRAH Simula ng araw na umuwi ako sa bahay ni Zick ay hindi ko pa ito nakikita. Isang beses ko palang naramdaman ang presensya nito pero hindi na iyon naulit pang muli. Hindi rin ako natutulog sa kwarto nito. Bagkus ay sa kwarto ni papa ako namamalagi. Ayon kay Manang Yolly ay umuuwi lamang si Zick sa gabi ngunit sandali lamang itong nanatili sa bahay. Ilang minuto lang ang nilalagi nito sa bahay pagkatapos ay aalis na. Hindi ko na siguro kailangan malaman pa kung kumusta na si Zick. Alam kong naglukuksa din ito sa pagkamatay ng aming anak. Nakapagpasya na rin ako na kapag nadalaw ko na ang aking anak sa puntod nito ay aalis na kami ni papa sa bahay. Hindi na ako mapipigilan pa ni Zick. Buo na ang desisyon ko. Wala ng saysay ang pananatili ko rito sa bahay niya. "Ben, maaari

