FARRAH Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Nakakaramdam parin ako ng pagkahilo. Nanghihina pa rin ang aking buong katawan. Sinubukan kong kumilos ngunit hindi ko maigalaw ang aking katawan dahil sa panghihina. Tumingin ako sa aking paligid. Nagising na naman ako sa isang puting kwarto. Naalala ko ang pagdurugo ko kanina. Agad kong kinapa ang aking t'yan ngunit napasinghap ako ng maramdaman ko na hindi na iyon naka-umbok. Nailabas ko ba ang baby ko? Nailabas ko ba ng ligtas ang baby ko? Inisip ko na lamang na nasa nursery room ito ng mga bagong silang na sanggol. O kaya dahil kulang ito sa buwan ay nasa incubator ito. Hindi na ako makapaghintay na makita ang baby ko. Gusto ko masilayan ang mala-anghel niyang mukha. "P-papa…" halos pabulong kong tawag sa natutulog na s

