FARRAH Simula ng mangyari sa akin ang bangungot na iyon ay hindi na ako natutulog na hindi katabi si Zick. Natatakot ako na pagpikit ng mga mata ko ay muling akong dalawin ng masamang panaginip. Baka pag-gising ko ay wala na ang baby ko. Kaya kahit wala pa si Zick sa bahay ay hinihintay ko ito na dumating saka ako matutulog. Kapag inaantok na ako ay nililibang ko ang aking sarili o kaya ay pupuntahan ko si papa para makipag-kwentuhan. Naikwento ko rin kay papa ang nangyari sa akin. Pero ang sabi ni papa ay panaginip lamang daw iyon, walang Ibang ibig sabihin. Nangyayari din daw iyon sa kan'ya pero wala naman nangyaring masama maliban lamang sa na-stroke siya. Pero walang kinalaman doon ang panaginip niya. Alam kong pampalubag loob lamang ni papa ang sinabi niyang iyon sa akin pero nan

