FARRAH Napabalikwas ako ng bangon ng maalala ko ang nangyari. Ngunit mariin akong napapikit ng dumaloy ang kirot sa aking ulo. Nag-indian sit ako at tinukod ang aking magkabilang siko sa aking magkabilang hita saka sinapo ang aking ulo. Hinilot ko rin ang aking sintido dahil patuloy ang pagkirot niyon. Pinilit kong alalahanin kung ano ang nangyari sa akin kagabi pero ang huli kong naalala ay umiiyak ako at nakasubsob ang aking mukha sa counter table. Siguro sa sobrang kalasingan ko ay nakatulog ako. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Kumunot ang aking noo dahil pamilyar sa akin ang silid na aking kinaroroonan. Pilit kong inapuhap sa aking isipan kung nasaan ako. Nanlaki ang aking mga mata ng mapagtanto ko kung nasaan ako. Kahit na masakit ang aking ulo ay agad akong tuma

