FARRAH Wala na akong nagawa ng hilahin ako nito palabas ng sasakyan. Nang makalabas ay nagtatanong ang matang sinulyapan ko si Alfred na nag-iwas agad ng tingin sa akin. "Ilipat na 'yan sa kabilang sasakyan!" Utos ng lalaking manyakis. Hinawakan ako ng dalawang lalaki sa magkabilang braso ngunit nagpupumiglas ako. Hindi ako papayag na maisama ako ng mga ito. "Bitiwan n'yo ako. Kapag nalaman ito ni Zick, malalagot kayo!" pagbabanta ko sa mga ito. Tumawa ang mga kalalakihan maliban kay Alfred na nakita kong bumahid ang pag-aalala sa mukha. "Paano n'ya malalaman eh, hindi n'ya nga alam. Baka kapag dumating s'ya ay pinagpyestahan ka na ng mga langaw." Sabi ng lalaking manyak at tumawa ng malakas. Nilukob ako ng takot. Ano ang ibig nitong sabihin? Papatayin ba nila ako? Dahil sa n

