Chapter 52

2402 Words

FARRAH Dinig ko ang bawat pagdapo ng kamao ni Gregg sa mukha at sikmura ni Zick. Simula ng dumating ito ay nagsimula na si Gregg ng pagpapahirap dito habang hawak ng dalawang lalaki sa magkabilang braso si Zick. Hilam na rin ng luha ang buong mukha ko. Hindi ko kaya ang ginagawa niya kay Zick kaya nag-iwas ako ng tingin. Ito lang ang kaya kong gawin dahil kahit magmakaawa ako kay Gregg ay hindi ako nito pakikinggan. Kinain na ito ng galit nito. Ngunit sadyang wala na nga itong konsensya. Pinalapit nito ang isang lalaki at pilit na pinaharap ang aking mukha sa gawi kung saan pinapahirapan si Zick. Gusto nitong makita ko ang paghihirap ni Zick. "G-Gregg, please. Maawa ka. N-nagmamakaawa ako sa'yo. Tama na, please. Tama na pagpapahirap mo kay Zick. Maawa ka sa kan'ya, p-please…" paul

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD