Celestine’s POV Hanggang ngayon paulit-ulit ko pa ring naiisip ang sinabi sa akin ni Xyler noong mga nagdaang gabi... Hindi ko ito magawang ialis sa aking isipan at hindi ko rin maimagine ang sitwasyon niya noon. Xyler told me everything that he knew after the accident. Sobrang tagal namin nakatulog nong gabing ‘yon dahil naguusap kami tungkol sa nakaraan niya. He decided to tell me everything that’s bothering him since day 1, at mas lalo siya nitong binabagabagb sa tuwing magdadaan ang mga araw. Ayaw na raw niyang itago sa aking ang lahat. Ayaw niyang dumating ang araw na malaman ko pa ito sa iba kaya inunahan na niya ang kanyang takot at pangamba. He told me everything he knew and remembered. Everything. And after that, I accept him. I really do. Mahal na mahal ko si Xyler kaya kah

