Celestine’s POV Nasa himpapawid na kami ni Xyler atsaka magkahawak-kamay na pinagmamasdan ang ibaba. Sobrang ganda ng tanawin dito, kitang-kita mo talaga ang siyudad. Maingay ang elisi ng chopper kaya nakasuot kami ng communication piece sa ulo para makapag-usap pa rin kami. “Do you like it?” Tanong ni Xyler sa akin. “Oo! Sobrang ganda! Ngayon lang ako nakasakay ne’to ng gabi eh.” Ngumiti si Xyler sa akin atsaka hinalikan ang aking kamay na hawak-hawak niya. “Ang ganda ng view noh? Tignan mo,” wika ko sa kanya atsaka may itinuro sa may bintana. Nilingon ko siya dahil hindi siya umimik. Don ko lang napansin na kanina niya pala ako tinititigan. “You’re my best view,” aniya atsaka ngumiti sa akin. Lumundag ang puso ko dahil don. Peste! Kinilig ako! Sobrang ganda kasi ng boses niya. Lu

