SIMULA
Simula
(SVNHS)
San Vicente National High School
First day of school
Main Entrance
6:50 am
First day of school sa sobrang excited ko, dito na ako nagsuklay sa labas ng main entrance ng school namin, sa kamamadali ko kasi hindi ko na namalayan na umalis pala ako sa bahay namin ng hindi pa nagsusuklay.
Kung hindi pa ako nakarinig sa katabi ko sa Jeep kanina na baka habulin daw ako ng suklay.
At eto nga, katulad ng mga nakaraang taon wala pa ring pagbabago itong school na pinapasukan ko. Tuwing first day of school laging ganito ang scenario. Sa sobrang dami ng mga studyante e naiipon lahat sa labas ng gate bago makapasok sa loob.
Bagong ligo ako ha! Pero pakiramdam ko bago ako makapasok sa first subject namin, amoy dugyot na ako.
Dyahe! Imagine first day of school tapos mag aamoy dugyot na ako agad. E panu! kung bigla kong makasalubong ang crush ko? E di turn off na agad sakin. Naku po! Wag naman.
After hundred years, ito umusad na din kami papasok sa loob ng school.
Sumulyap ako saglit sa suot kong relo nanlaki ang mata ko ng makitang seven ten na, tapos andito pa ako naglalakad sa may harapan ng main building, dadaan pa ako sa alumni hall bago ako makarating sa small grandstand kung saan andoon ang una kong klase, naku po! first day of school tapos malelate agad ako.
Hmp! Sabagay wala naman pagbabago, simula first year pa lang kasi ay lagi na akong nahuhuli sa unang klase, sa tuwing dadating kasi ako sa silid ng first subject ko ay andoon na halos lahat ng classmates ko. Kaya wala ng bago ngayong nasa Ika-apat na taon na ako sa high school.
7:20am ito ang oras na nakita ko ng muli akong tumingin sa relo ko. Andito na ako ngayon sa pintuan ng classroom namin, katulad ng dati marami na akong classmates na mga nakaupo na. Wow! nice ang babait.
Alam ko yan ganyan din kasi ako, syempre! first day kailangan pa good student muna. Bukod kasi sa hindi mo pa ka close ang iba mong classmates e kailangan behave talaga.
Dumako ang tingin ko sa unahang lamesa. Thanks! Wala pa ang teacher namin. For the first time now lang ako nakapasok ng late na wala pa ang teacher.
Napili kong umupo sa ikalawang bangko sa hulihan isa kasi iyon sa bakante pa. Isa syang upuan na two sitter na. Kinuha ko sa bag ang schedule ko this school year.
Marahan kong binaybay ng tingin ang likod ng notebook ko, kung saan ko isinulat ang schedule.
Ay, tange! mahina kong nasabi ng makita ang kabuoan ng sched ko. Hindi naman pala ako late talaga kasi seven thirty pa ang start ng unang klase ko. E di meaning, excited lang ang peg ko! at pati itong mga classmates ko.
"Good morning! Class." -boses ng isang lalaki ang narinig ko, kaya agad na napatuon ang tingin ko sa unahan ng silid. Napakunot ang noo ko na muling tumunghay sa sched ko.
Teka'! Basi sa sinulat ko dito sa sched ko e, Miss Felicity Reyes ang first teacher ko. Pero bakit lalaki itong guro na nasa unahan ko?
"Class, I'm going to be your teacher this school year for the subject of Social studies." saad pa nito.
Napakamot ako sa ulo ko na tumingin ulit sa hawak kong notebook, bakit? Pakiramdam ko nahihilo ako. Ang tange! tange! ko talaga!. Filipino ang first subject kong nakalagay dito sa sched ko.
Hindi ko alam kung ano gagawin ko? Nahihiya naman akong basta na lang tumayo, lalo pa't kasalukuyang nag ro roll call ng list of student names ang teacher sa unahan.
Hindi ko rin maiwasang pagpawisan sa tindi ng hiyang mararamdaman ko kapag tumayo ako, imagine nagkamali pala ako ng room na pinasukan. Tapos na magroll call ang guro na hindi ko na napag tuonan alamin ang pangalan, dahil sa hiya kong nararamdaman.
Itinaas ko ang kanang kamay ko at sinabing,"Sir, may I go out?" Ayan na nga! lahat sila tumingin sakin, pamilyar sakin ang ibang mukha, marahil naging classmates ko ang iba sa mga students na nakatingin sakin ngayon.
Napakunot ang noo sakin ng guro pero, saglit lang ay pumayag din ito. Hinintay kong tumalikod ito at may isinulat sa blockboard bago ako mabilis na tumayo at dinala ang bag, gayundin ang notebook kong hawak.
Room F-6 pala ang room ng first subject ko. Pero Room F-1 ang napasukan ko kanina.
Naglakad ako papunta sa room ko, nadaanan ko na ang room F-2 hanggang room F-4. Tanaw ko na mula sa paglalakad ko ang entrance door ng room F-6, kaya binilisan ko na hakbang ko para kahit papaano e umabot pa ako sa unang klase ko.
Isang hakbang na lang at nasa harap na ako mismo ng entrance door.
Kita ko mula sa kinatatayuan ko ang mga magiging classmates ko. Lalo akong nakaramdam ng kaba, dahil wala akong makilalang naging kaklse ko noong last year.
"Good morning! po ma'am." -pauna kong bati pagtapat sa pinto habang na kay Ma'am Reyes ang tingin.
"Agap mo ah-." -sagot nito sakin na parang nagpipigil ng ngiti.
"Po!?" -takang sagot ko.
"Ang agap mo, para sa susunod na klase nyo." -dugtong muli ni ma'am na napangiti na.
" Sorry po!" -sagot ko muli.
"Ok, unang araw pa lang naman ngayon, kaya siguro medyo naliligaw pa kayo sa mga room." -nakangiting wika ni ma'am na syang nakapag paalis ng nararamdaman kong kaba.
" Salamat po!" -tipid kong sagot muli, tapos ay pinaupo na ako ni ma'am.
" Ikaw siguro si Zameerain Menbosa?" -wika ni ma'am na parang nagtatanong pa rin sakin ng ganap na akong makaupo sa bakanteng two sitter.
"Opo." -sagot ko muli.
"Isa lang pala ang kulang sa inyong klase, very good ang girls complete attendance, while sa boys ay may isang absent." wika ni ma'am pagkatapos e check ang attendance.
Ako lang ang walang katabi dito sa two sitter na inuupuan ko, marahil iyon ang tinutukoy ni ma'am na absent.
Nakaramdam ako bigla ng lungkot pagkatapos ko kasing suriin ang mga nasa loob ng classroom namin ay nalaman kong wala pala akong kaklase noong last year. Nahagip ng tingin ko ang isang girl classmate ko na nakangiti at nagwave pa sakin, ginantihan ko ito ng ngiti. Dahil doon ay nakaramdam na ako ng tuwa.
"Iyan na ang magiging upuan niyo sa buong school year, dahil alphabetical iyan at naka arrange na rin na girl and boy ang magkatabi." -ma'am Reyes.
Kaya pala pagpasok ko kanina nagtataka ako na bakit lalaki't babae ang magkatabi. Tapos mga tila hiyang-hiya ang bawat isa sa kani-kanilang katabi.
Napaisip ako bigla sino kaya itong absent kong kaklase? tanong ko sa isip, habang nakatingin sa bakanteng tabi ko.
**********
Ito ako ngayon naglalakad habang hawak sa kanang kamay ang notebook kung saan nakasulat ang schedule ko. Papunta na ako sa main building kung saan ang second subject namin na math.
Tseneck kong maige ang room para hindi ako maligaw at mapasuot na naman sa ibang room. Room E-3a ang nakasulat sa sched ko.
Sa tingin ko naman ay hindi na ako maliligaw dahil marami akong kasabay na classmates sa paglalakad.
"Zameerain!" -tawag sakin mula sa likod ko, kaya napalingon ako.
"Sabay na tayo."- sabi ng babaeng classmates ko, ito pala ang nakangiti sakin kanina na nagwave pa sakin.
"Ako nga pala si Kazandra clarisse, Kc na lang para short hehe!" kwela nitong wika.
"Kc! Intay!"
Sabay kaming napalingon ni kc sa sumigaw, nakita ko ang isang babaeng classmate din yata namin, medyo chubby ito at may curly hair na hangang balikat nito.
"Daya nito!, sabi ko intayin ako e!" -may himig hinampong saad pa nito.
"Bagal mo kasi!"- reklamo ni kc.
"Syempre! hirap kayang kumilos ng mabilis kapag ganito." - sabay ibinalandra samin ang katawan nya.
"Mag diet ka kasi!" - suhestiyon ni kc habang naglalakad.
" Sige! bukas." - parang seryosong hayag pa nito na nakasunod samin sa paglalakad.
"Bukas!? lumang tugtugin na yan!" -kc habang naiiling at tumatawa.
"Ito naman napaka okray! pag ako talaga! sumeksi, hmp! Hu u ka sakin."
"Sige, sumeksi ka lang sasabihin ko kay mader, na kunin kang indorser ng
business namin." -kc
"Business!? Alin? Yung turo-turo nyo, wag na oy! e di tumaba ulit ako."
"Wow! Monica, tumaba ulit? Advance mag isip a! seksi ka na ba?" - nang aasar na wika ni kc.
Pabirong hinila ni Monica ang mahabang buhok ni kc. Naiiling ako na natatawa sa dalawa kong bagong kaklase, tingin ko hindi ako maboboring kapag kasama ko ang mga ito.
Room E-3a
Math subject
Nakaupo na kami sa mga two sitter na upuan tumabi sakin si kc, nasa likod namin si Monica may tumabi dito na isang matangkad na babaeng classmate namin, medyo slim ang body nito.
"Kayong dalawa"- sabay turo kina kc at Monica. "Sabi ko, intayin nyo ako at c-cr lang ako, paglabas ko waley na kayong dalawa."- halata ang inis sa boses ng babaeng tumabi kay Monica.
"Sorry, naman!" - panabay na wika nina kc at monica.
"Apologize accepted, but the damage has been done." -maarteng wika pa nito.
"Ikaw! Chillet, wag mo kaming ma done-done diyan ha! Baka gusto mong gawin kitang chicklet at nguyain." - iritang hayag ni Monica.
(Chicklet ay isang uri ng bubble gum)
"Ito na nga, behave na!" - nakangusong saad ni chillet.
Nalaman kong classmates pala ang tatlo noong last year. Kaya pala ganun sila ka close mag biruan. Mabuti pa sila magkakaklase ulit.
Si Mr Ronald Hutalla ang teacher namin sa math subject. Sinabi nito na introduce yourself na lang muna dahil first day pa lang.
Pinasulat nya muna kami sa one eight sheet of paper ng mga pangalan namin tapos ay pinasa namin pauna papunta kay sir, at doon ito pumili ng mga mag e introduce yourself.
"Dahil walang nagbo-volunteer para maunang magpakilala ay pipili na lang ako dito sa papel na hawak ko."
-wika ni sir Hutalla.
Hindi naman first time para samin lahat ang ganung set-up, syempre mga fourth year High School na kami at sa unang taon pa lang namin dito sa paaralan ay siguradong ganito na din ang ginagawa sa unang araw pa lang ng pasok.
Hindi na bago para sakin ito, pero hindi ko talaga maiwasang kabahan, at makaramdam ng hiya.
"Zameerain Menbosa-" tawag ni sir sa pangalan ko na lalong nagpatindi ng kaba ko.
Ang swerte ko naman talaga! Ako pa nga ang bwena mano.
Kahit nahihiya tumayo ako at pumunta sa unahang bahagi ng room namin.
" Hello! Classmates, ako nga pala si Zameerain Menbosa, nag sixteen ako last summer, favorite color ko ay black at White, and I'm also a boyband fanatic, I hope na maging Masaya at maging ka close ko ang bawat isa sa inyo, yun lang at salamat."
"Hey! Wassup! Jerome Rullesa here! But you can call me JR for short, bulabog daw ako sabi ng ermat ko, pero ang totoo talaga e! Gwapo ako at masarap- (biglang naghiyawan ang mga classmates ko)- masarap akong magmahal, kayo ha! Anong nasa isip niyo? hiling ko rin na maging Masaya at maging masarap ang pagsasama nating lahat sa boung school year natin."
"Helow, every classmates!( Sabay-sabay ulit na nagtawanan ang mga studyante) Chillet che Lat nga pala, ang nag-iisang magandang dilag in front of you, oopps! Walang kokontra! (sabay turo sa lahat ng classmates sa loob ng room) pagbigyan nyo na ako, dahil pretty naman talaga ako, hehe! Yun na lang mga classmates ko, it's all of you na lang to find more info about me."
"Good morning! Everyone, Rustan Sanchez, sixteen years old, thanks."
Yun lang? tanong ko sa isip. igsi naman ng info nya.
Napatingin naman si sir Hutalla sa umupo ng si Rustan. Pero nagsimula na ulit tumawag ng pangalan.
"Hi! I'm Kazandra clarisse Lopez, but Kc is enough, sixteen years old this coming month of August, like Zameerain I'm also a boyband fanatic,
Ben Adams is my favorite singer, I also like reading books specially those romance novel, My greatest fear is to be being alone and left by someone I love."
"Meow! Everybody, oopps mali pala! Oink! Everyone, hehe! (Muling nagtawanan ang lahat) Monica Santos nga pala, korek! kayo mga classmates sa mga iniisip nyo! True! Napabayaan talaga ako sa kusina since baby pa lang ako hehe! I'm only sixteen, NDSB meaning No Diet Since Birth, kaya lumaki ako ng ganito, Kaya kung sasabihan nyo ako na mag diet, ok fine, tomorrow is my answer."
" G-Good morning! C-classmates, Raynier Hemosa, fifteen years old, I'm a transferred student here, others called me nerdman because of my thick glasses I'm wearing, I hope I can be friends with all of you?( At tumingin sa bawat isa samin si Raynier, sakin sya huminto dahil ngumiti ako sa kanya at ngumiti na rin sya) thank you." pagtatapos nito na para bang sakin nya sinasabi iyon.
***After a minutes***
I think mga nasa forty students kami lahat dito sa loob ng classroom. Katatapos lang ng introduce yourself ng bawat isa samin. Sabi ni sir Hutalla okay lang daw kahit saan kami umupo, hindi na daw kailangan ang alphabetical sit order dahil maaaring magkaroon lang ng ilang factor ang bawat isa samin, kaya salamat naman at napi-feel pala din iyon ni sir.
Vacant period
10:00 am
Acacia Tree
Sa lilim ng malaking acacia tree namin naisipang tumambay muna at napagpasyahan na ring gugulin ang bakanteng oras namin na nasa twenty minutes. Kasama kong nakaupo sa isang mahabang upuang bato sina kc, Monica at chillet. Sa harap namin ay may lamesang bato rin.
Nakita kong naglabas ng malaking chippy chips si Monica at binuksan iyon gamit ang ngipin.
"Penge!"- sabay dukot sa loob ng chips si chillet.
"Wow! PG lang! Nauna pa sa owner?"-nakataas ang kilay na sabi ni Monica sa ngumunguya ng si chillet.
"Ako rin pahinge." -at dumukot na rin si kc at ngumuya.
Napakamot na lang sa ulo si Monica dahil naunahan din sya ni kc sa pagkuha ng chips.
"Oy! Chippy, favorite ko yan! penge!"-biglang wika ng bagong dating sa likod namin at bigla na lang din itong dumukot.
"Ulo! ikaw basta pagkain, ang lakas ng pang amoy mo."- wika ni chillet sa lalaking tinawag na ulo.
"Hoy! Chillelat! K-kung m-makatawag ka ng ulo s-sakin, palibhasa hindi pa kita s-sinasago-(isang malakas na hampas sa braso ang natanggap ng lalaki)-aray! napaka brutal mo talaga! Buti na lang di na tayo classmates." sabi pa ng lalaki pagkalunok ng kinakain, at habang hinihimas din ang mapulang braso na hinampas ni chillet.
"Hoy! Ranniel, magtigil ka nga! Yuck! Sino may sabing type kita?" inis na wika ni chillet.
"Ikaw! kasasabi mo lang ah!"-nangingiting asar pa nito na muli ulit dumukot sa kinakain ni Monica.
"Nice, close ba tayo?"- biglang hampas ni Monica sa kamay ni ranniel.
"Magkaibigan nga kayo nitong si chillelat! pareho kayong brutal, mahilig manakit!" -si ranniel.
"Sya nga pala! anong section mo?"-agaw pansin ni kc na kay ranniel ang tingin.
"COC-20"-tipid na sagot ni ranniel at tumabi ng upo kay chillet na ayaw pa sanang umisod kungdi pa pinagpilitan ni ranniel na paisudin ito.
Napansin kong namula ang pisngi ni chillet pero agad itong tumungo na parang may dinudukot sa bag pero wala naman itong inilalabas.
"Kayo ba?" - tila wala lang dito na umakbay pa ito ng braso sa balikat ni chillet.
"Upo lang! Walang PDA."- saway ni Monica, na sa braso ni ranniel nakatingin.
"Anong PDA? sinasabi mo dyan?- kumakapit lang ako kay chillelat, kalahati lang ng pang upo ko ang nakalapat, malalaglag ako." -katwiran ni ranniel sabay tayo na.
"Naku! Diskarte mo bulok!" -pangbubuska ni Monica.
"Ewan ko sayo! Monica. Dyan na nga kayo! - teka! Chillelat sabay tayo mayang uwian." -at aalis na sana ito pero kumindat pa ito kay chillet.
Nakahayang babatuhin ni chillet ng notebook si ranniel pero tumalilis na ito ng alis na nakangiti.
"Oy! Kelan pa kayo?"- nakangiti pero parang may kakaiba sa tanong ni kc.
"Ha!?"- kunot noong tanong ni chillet na ibinalik sa bag ang notebook.
"Naku! Yung ulong yun! Di pa ba kayo sanay doon? Since first year natin hanggang third year classmates natin iyon ay maloko na yun!"
"Buti na lang at hindi na natin classmates ngayon ang bolerong yun!" -naiiling na wika ni chillet.
Nagkatinginan lang sina Kc at Monica.
"Ikaw, Zameerain? Ano kaba namin dito? Watcher lang?"- biglang baling sakin ni Monica na nangingiti.
Nagulat ako sa sinabi nito.
"Monica, grabe ka! Syempre, nahihiya pa sya, di kaya natin sya classmates last year kaya siguro, hindi sya makasabay satin." -saway at pagtatanggol sakin ni kc.
"Hm, sabagay may point ka, pero sorry sa mga attitude namin ha! Promise masasanay ka rin, hehe!" - sabay alok sakin ni Monica ng chips.
Ngumiti lang ako dito pero napatanga ako ng pagdukot ko e wala na palang laman ang iniaalok nito.
"Aray! naman!" -sigaw ni Monica ng hilahin ni chillet ang buhok nya.
"Saka mo inalok si Zameerain, ubos na!"
"Ito Zameerain meron akong malaking tortillios dito." -sabay dukot sa bag ng sinasabi nito at inialok sakin pagkabukas.
Nahihiya man ay kumuha na rin ako.
Dumukot din si kc tapos akmang dudukot si Monica pero agad na kinabig ni chillet ang pagkain.
"PG pala ha!" - nang aasar na wika ni chillet.
"Wag ka madamot! binigyan kita kanina." - sagot ni Monica.
"O eto!" -lahad ni chillet ng pagkain.
"Yan! Dapat lang." -sabay dakot sa loob ng lalagyan.
"Wag mo naman! tangkasin!" -saway ni chillet na inilayo agad ang pagkain at napasimangot ng masilip ang lalagyan na maunti na ang laman.
"Zameerain, tara sa canteen bili tayo drinks." - aya sakin ni kc.
Tumingin muna ako sa suot kong relo at ng makitang meron pa kaming nasa five minutes pa e umoo ako. Aabot pa naman siguro bago ang next subject.
Nagpabili din sina Monica at chillet ng maiinom. Tubig ang kay chillet pero coke ang kay Monica.
Turo Food
Dito kami sa turo food ni kc bumili dahil ilang step lang ito mula sa acacia Tree.
Marami ditong nagtitinda, ibat-ibang pagkain ang mabubungaran mo kapag nagawi ka sa b****a ng pinto ng Turo Food hanggang sa paloob ng style mini canteen na ito. Paborito ko dito ang burger na seven pesos lang pero imbes na Patty ang palaman e balat ng saging na may kaunting lahok ng karneng giniling ang palaman at nilagyan lang ng ketchup pampalasa.
Ibinili namin si Monica ng coke lasaw. Tinawag namin itong coke lasaw dahil nakalagay ito sa isang mini pail na puno ng yelo at may lahok na coke, na sa katagalan ay nawawalan na ng lasang coke dahil sa pagkatunaw ng yelo. Di na kami mag iinarte, helow! limang piso lang kasi kada takal sa plastic ng yelo, ang katumbas noon ay two cups ng six oz ang sukat. Bottled water ang ibinili namin kay chillet katulad ng sinabi nito.
Pareho kaming bumili ni kc ng coke lasaw at sabay pag nagkatinginan habang nangingiti dahil sa pagsipsip namin sa coke na hindi ko maintindihan kong coke ba o tubig na lang.
******Fast forward******
4:00 pm
Halos mapasubsob ako sa malapad na upuang kahoy namin dahil sa pagmamadali kong makauwi mula sa school. Agad kong hinagilap ang remote control ng tv naming 12inc at ini-on ito, sabay salampak ng upo. Lumarawan ang malawak na ngiti sakin ng makita kong magsisimula pa lang ang inaabangan kong palabas tuwing alas kwatro ng hapon. Kahit hindi maganda ang boses ko ay sinasabayan ko ang introduction song ng palabas sa tv. "Aray.!" bigla kasing may tumamang unan sa mukha ko.
Naningkit ang mata ko at tikom ang mga labing tumingin sa nagbato ng unan sakin na walang iba kundi ang kontrabidang kapatid ko.
"Pangit! Maghugas ka daw muna ng mga pinagkainan sa kusina." -tapos ay pasalampak din itong umupo sa tabi ko at inagaw ang remote ng tv sakin.
"Ha!?..ate, bakit ako? kadarating ko lang." -reklamo ko sabay agaw dito ng remote.
"Hm.. ayaw mo?" -tanong sabay taas ng kilay sakin.
"Ayaw!" -tigas kong tanggi na muling itinuon ang tingin sa tv.
"Ayaw mo ha! sige, sabihin ko na lang kay DA na crush mo sya."
Mabilis pa sa alas kwatro na tumingin ako kay ate Weather at nginisihan ito.
"Hala! Pano? Magte teleport ka sa cavite?" -sinabayan ko pa ito ng nakakalokong tawa.
"Hindi! lalabas lang ako at manga ngapit-bahay."
Napakunot ang noo ko sabay habol ang tingin kay ate ng tumayo ito at lumabas ng pinto. Pero binalewala ko na lang iyon, bagkus ay muli ko na lang ulit itinuon ang pansin sa panunuod ng tv.
Ilang minuto pa ang lumipas ay para na akong baliw na tumatawang mag isa dahil sa pinapanuod ko. Natigil ang tangka kong pag halagapak muli ng tawa ng...pumasok si ate at may kasama...
"Nay..may pasalubong po si aleng minda sa inyo.." - tawag ni ate kay inay, pero sakin nakatingin na may kasamang nakakaaliw na ngiti na para bang binubuska ako.
Lumabas si inay buhat sa kwarto.
"Naku! nag abala pa si minda, pakisabi sa mama mo, salamat." -naka ngiting tanggap ni nanay sa inabot sa kanya ng anak ni aleng minda, na walang iba kundi si DA.
Hala! Totoo ba itong nakikita ko? hindi ba ako nama-malikmata, bumalik na sila.. bumalik na sya..
"Pangit!"(tawag ni ate sakin with matching bato uli ng unan sa mukha ko) sinimangutan ko ito sa pagtawag sakin ng pangit.
"Tulaley.. ka na naman nakita mo lang ang cru-
"Ate..!" -mabilis kong tawag kay ate.
"Ano!? yong laway mo tumutulo na! yuck!..." -pang aasar ni ate sakin.
Mabilis kong kinapa ang gilid ng labi ko.
Susmaryusep! Anak ng pusit! Basa nga ang gilid ng bibig ko. Putcha, naman o! Nakakahiya.
"Panahon, Salawahan! Magtigil nga kayong dalawa! Pag-uumpogin ko kayo." -sita ni inay samin ni ate.
Lalo tuloy akong nahiya sa tinawag samin ni inay. Itong si inay minsan talaga! basag trip din. Alam na ngang may ibang tao, nakuha pang tawagin kami sa palayaw namin ni ate. Dyahe tuloy. Hindi ko tuloy malaman kung saan ipapaling ang mukha sa pagkapa hiya.
"A, sige po. Alis na po ako." -paalam ni DA na parang nahihiya o naiilang dahil napahawak pa sa batok at mailap ang mata.
"Sige Drave, pakisabi ulit salamat dito." - si inay na ngiting-ngiti pa tapos biglang pumaling sakin at tiningnan ako na parang may ibig sabihin.
Hinabol ko pa ng tingin si DA palabas ng bahay namin. Hmp! Deadma na naman feslack ko! Kelan, nya kaya ko ma no-notice?
"Salawahan...(nagulat ako sa tawag ni inay sakin)....aral muna ha! Okay lang mag ka crush, pero dapat may limitasyon."- pangaral ni inay sakin tapos ay pumasok sa kusina. Ngunit segundo lang ay sumilip muli ito samin ni ate.
"Panahon.. yung hugasin dito! Ano ito ibabaon ko na lang ba?" -silip ni nanay samin mula sa pinto ng kusina dahil kalahati lang ng katawan nito ang nakatunghay samin.
Nakita kong sumimangot ang mukha ni ate, tapos umirap pa sakin bago pumasok sa kusina.
Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko, ramdam ko ang pag iinit nito. Mariin din akong pumikit at pilit pinakalma ang mabilis na t***k ng puso.
Drave Anthony..mahinang usal ko sa pangalan ni DA ang long time crush ko since elementary.
Dalawang taon din silang nawala dahil lumipat sila sa cavite at ngayon nga ay bumalik na sila,,sya..
Saan kaya syang school naka enroll?
Sana sa school na pinapasukan ko..
Lihim din akong umasam na sana classmates kami.
Sana.....