Chapter three
Seven pm na ng gabi at hanggang ngayon e wala pa ring daloy ng kuryente. Andito ako ngayon sa sala namin nakatitig sa kandilang may sindi. Sabi sa narinig ko sa mga kalapitbahay namin e mga ten pm pa daw mag kaka daloy. Anak ng pusit! Ngalay na kamay ko sa kapapaypay. Tagaktak na rin ang pawis ko sa noo tapos nakakainis pa ang mga lamok na panay ang lapit, tapos bubulong, nagpapaalam yata na sisipsipin ang dugo ko. Lintik na mga lamok yan tuwang-tuwa sa dilim daig pa nag pe-fiesta sa saya.
"Pangit, kumain ka na at hugasan mo na rin yung hugasin dun." - si ate weather na tumabi pa sakin.
"Asan ba si inay?" - tanong ko habang panay ang tapik sa binti dahil sa pesting lamok.
"Na kila aleng minda."-si ate
"Ha! Anong ginagawa ni inay dun?" -paling ko kay ate.
"Baka namamanhikan."-pang aasar ni ate.
"Si ate parang temang!...aray!" -pagkasabi ko mabilis na hinila ni ate ang buhok ko.
"Inaya ni aleng minda, tagay daw sila ng isang bote." -si ate na tumayo na.
"Saan ka punta?"- tanong ko.
"To the Moon."- asar pa ni ate.
Sumimangot ako kay ate.
"Aba! E di tutulog na! Inaantok na ako, ikaw na magsundo kay inay doon, maaga pa ang pasok ko bukas."
Nakatitig ako sa nakasaradong pinto ng kwarto ni ate. Nakalipas na ang ilang segundo buhat ng pumasok si ate doon.
Ikaw na magsundo kay inay doon.
Ikaw na magsundo kay inay doon.
Bakit ako magsusundo? Ate naman e!
Para namang maririnig ni ate yong nasa isip ko.
Nagsuot ako ng pajama at pinatungan ko ng jacket na may hoody ang suot kong sando. Medyo umaambon kasi kaya may kalamigan ang hangin. Bitbit ang folding umbrella bago lumabas ay hinipan ko muna ang sindi ng kandila tapos ay lumabas na ako ng bahay namin, pero bago ako umalis ay marahan kong kinabig pasara ang pinto namin.
Isinaklob ko sa ulo ko ang hoody ng jacket kong suot, tapos ay naglakad na ako papunta sa tapat na bahay.
Kagat ang labi na pumasok ako sa bukas na kawayang gate, lintik! Naka jacket naman ako, pero bakit parang nilalamig ako, ho..dahil yata sa nerbyus. Bukas ang pinto ng bahay at maliwanag ang buong kabahayan nila. Marahan kong tinanggal sa ulo ko ang hoody ng jacket ko, bago nagsalita.
"Tao po." -sabi ko habang nakatayo sa b****a ng pintuan. Napatingin ako sa ilawang de-gasa na nakapatong sa ibabaw ng lamesa sa gitna ng sala, kaya pala maliwanag sa kabahayan nila.
Lumabas ang kuya ni DA sa isang kwarto at sakin sya unang tumingin.
"Zamee..ikaw pala, nasa kusina sila mama. Pasok ka." - nakangiting wika ni Jason kuya ni DA.
"Kuya, punta na po ko kusina." - medyo hiya ko pang paalam.
Tumango lang ito sakin.
Kusina
Pagkapasok ko ng pinto ng kusina ay likod ni DA ang una kong nabungaran.
Naghuhugas yata ito ng pinag kainan.
"Lucia, anjan na maganda mong anak sinusundo ka na."- si aleng minda.
Pinamulahan ako ng pisngi ng sabihin iyon ng mama ni DA.
Nagkatinginan kami ni DA dahil biglang pumaling ito ng tingin sakin, muntikan pa ngang matumba ang maliit na ilawang de-gasa dahil natabig nya ito pag lingon mabuti na lang at mabilis nya itong nahawakan.
"S-Salawahan.."
Nalintikan na! Lasing na si inay.
"Lapit ka dito, nak."-aya ni inay na nakalahad pa sakin ang kamay, habang nakaupo.
Lumapit ako kay inay, tapos ipinulupot ni inay ang braso nya sa bewang ko.
"D-Dito ka m-muna at tatapusin lang namin i-itong kalahating bote." - si inay na namamaluktot na ang dila.
"Oo, ganda uubusin lang namin itong kalahating laman ng bote." -sang ayon pa ni aleng minda.
Tango na lang ang sinabi ko.
Pumasok sa kusina ang kapatid ni DA na bunso.
"Kuya, need ko help dito." -kalabit at pakita ng papel sa kuya nya.
"Flinn..me ginagawa si kuya mo, kay kuya Jason mo ikaw magpaturo." -saway ni aleng minda.
"Mama, ayaw po ako turuan panay ang text." - sagot ni Flinn.
"Maige pa e, ke ate ganda ka magpaturo." -baling sakin ng mama ni Flinn.
Nanlaki mata ko, pero di ako nagpahalata dahil mabilis akong tumungo.
Lumapit sakin si Flinn at hinawakan ang kamay ko.
"Ate ganda, pwede po ba paturo?" - at nag beautiful eyes pa sakin ang batang lalaki na kutob ko'y nasa anim na taon na.
Lumunok ako, nakikita ko kasi sa mukha ni Flinn ang kuya DA nya magkamukha kasi silang dalawa.
"S-Sige na nak, turuan mo na h-habang hinihintay m-mo ako." - taboy ni inay sakin.
Hinila ako ni Flinn papunta sa sala nila, naabutan namin doon si kuya Jason na abala nga sa pag tetext sa keypad cp na hawak nito habang nakaupo. Ng maramdaman siguro nito ang presensya namin ay tumingin ito samin ng kapatid nya at ngumiti bago pumasok sa loob ng isang kwarto.
Umupo kami pasalampak sa sahig malinis naman ito dahil may floor mat na kulay blue with flowers design.
"Ate ganda, ito po di ko po ito maintindihan." -pakita sakin ni Flinn.
Tiningnan ko ang nilahad nitong papel.
"Anong grade mo na ba?"- tanong ko muna at inilapag saglit sa mesa ang papel.
"One po."- sagot ni Flinn.
"A..okay."-tipid kong sagot bago dinampot muli ang papel sa lamesa.
Ayon sa pagkakaintindi ko sa nakasulat sa papel ni Flinn ay dalawang words ang pagpipilian na kailangang isulat sa blank space, after blank space with underline ay may number one to ten and after numbers ay meron words.
(Ganito ang format)
Instructions: Use a and un to the given words.
_____1. Apple _____6. Umbrella
_____2. Table _____7. Flower
_____3. Star _____8. Ball
_____4. Pencil _____9. Igloo
_____5. Ink _____10. Hour
"Flinn ganito, uhm... (sabay turo ko sa mga nakasulat sa papel na hawak ko.)
... Isusulat mo daw yung a o un sa ibabaw ng guhit."-
Ang pagkakaintindi ko dito, uhm..
"Ate ganda panu po?" - kalabit sa pisngi ko ni Flinn, dahil napatulala pala ako pag iisip.
"Ahm.. ganito, kapag start letter ng word ay vowel, write mo ang a, tapos pag start letter ay consonants write mo yung un...
"It's wrong, Flinn."- si DA na nakalapit na pala samin ng kapatid nya, ngayon ay napapagitnaan na namin ng upo si Flinn.
It's wrong daw..? Bakit?
Takang tanong ko sabay kunot noo kay DA na nakatitig pala sakin.
"Flinn baliktad ang sabi ni ate g-ganda." -sabay dampi ng hintuturo ni DA sa ibabang labi nya.
Nakatitig lang ako kay DA at naghihintay ng paliwanag nya pero pinagmamasdan lang din nya ako habang nakahawak sa ibabang labi.
"Kuya, panu pala dapat?"- agaw pansin ni Flinn sa pagkakatitig sakin ng kuya nya.
"Write a if the first letter of the word is consonants and un if it's vowel." - paliwanag ni DA.
So.. baliktad pala sabi ko.
"E, kuya panu itong number ten?" -si Flinn.
Sabay kaming tumungo ni DA sa itinuro ni Flinn, kaya naman nagkadikit ang ulo namin. Sabay kaming bawi at nagtagpo ang mga mata namin.
"Yeee..si kuya cru-.. itinakip ni DA ang palad sa bibig ni Flinn.
Agad naman tinatanggal ni Flinn ang kamay ng kuya nya.
"Kuya.."- tila may ibig sabihin ang tinginan ng magkapatid.
"Ganito yun Flinn, ano bang word yung number ten?"- tanong ni DA.
"Hour, kuya."-basa ni Flinn.
"Hour.. it's start with consonants, but it's pronounced Aur, so it's sounds start with vowel, that's why the answer is un."-
Sorry! Naman, nalito lang.
"Salamat kuya."- si Flinn na sinisimulan ng sagutan ang nasa papel.
"Kumain ka na?" -tanong ni DA.
"Ha!?"- takang tanong ko rin.
"Narinig ko usapan ni mama at inay mo, malimit ka daw di kumain lalo na sa gabi." - si DA.
naku! si inay pag nalalasing, nagiging madaldal. Ano pa kayang pinagsasabi ni nanay? nakakahiya...
"A...ano it's my habit."-ilang kong sagot.
"Why?"-tila takang tanong ni DA.
"Ano,..nasanay kasi akong di kumakain pag gabi."-iwas ko ng tingin dahil ang lapit lang ng mukha namin sa isat-isa, may dalawang dangkal lang yata ang layo ng mukha namin.
"Tsk!"-sagot ni DA.
"Baka, magkasakit ka! kapag di ka kumain, kung ayaw mo ng mga heavy meal, try mo yung mga light lang."
"Wait..-at bigla na lang tumayo si DA, dumiretso sa kusina.
Pagbalik nito may dala itong isang mangkok na medium size. Umupo ito sa tabi ko at ipinatong sa mesa ang dala.
Vegetables salad..
"Bago yan, kagagawa ko lang kanina." -saad pa ni DA ng nakatitig ako sa mangkok.
"Sige na.. kainin mo na yan, kesa naman wala kang kinain, at saka pati healthy yan for you." - dagdag pa ulit nito.
Ano na! Zameerain, pakipot pa! me tinatago din naman landi.
Pesti ka! Manahimik ka sa banga!.
Pag si DA kaharap ko nasisiraan ako ng bait.
"Salamat."-at ng kukunin ko na ang mangkok...
"Oops.. sorry I forgot the spoon."
-tila tarantang tumayo si DA.
Thirty seconds past, nasabi ko yun kasi halos sabay din yun ng heart beat ko. Kanina pa parang tinatambol sa bilis ng pintig.
At exactly thirty seconds, bumalik si DA, di lang kutsara ang dala, meron na rin syang dalang baso na may laman.
"Pinagsalin na rin kita ng kalamansi juice, real extract yan ha! di yan yung nabibili na naka tetra pack."
Napatawa ako sa sinabi ni DA.
"Why?"-kunot noo na tanong ni DA.
"Sorry!.. ngayon ko lang ulit nakita si DA ko... -natigilan ako sa used words ko.
....ang ibig kong sabihin e, si DA na kababata ko, tama..si DA na madaldal na miss ko yun."
Ho!!! Muntik na!
Muli akong tumingin kay DA, malawak ang pagkakangiti nya na para bang me nasabi akong nakapag pasaya sa kanya.
"Na miss mo ko?" - nanunuring tanong ni DA na para bang inaarok ako ng tingin.
"Uhm.. sarap ng vegetables salad mo " -ligaw kong sagot sa tanong ni DA.
Di ako makapag focus sa pagkain ng vegetables salad, nakikita ko kasi sa side view ko na nakatitig sakin si DA habang kagat ang labi na pinipigil ang ngiti.
"Kuya, finished na."- si Flinn na naghikab na pagkatapos sabihin iyon.
"Go to your room na, ako na lang magliligpit ng gamit mo."-utos ni DA.
Muling humikab si Flinn, bago pumasok sa isang kwarto katabi ng pinasukan ng kuya Jason nya kanina.
Kasalukuyan kong iniinom ang kalamansi juice ni DA, na sabi pa nya ay real extract daw. Lihim akong kinilig sa sinabing iyon ni DA.
Nasa ganun akong senaryo ng biglang lumiwanag, sign na me daloy na ng kuryente. Nagtagpo ang tingin namin ni DA tapos sabay na nagkangitian sa isat-isa.
"Me daloy na!" -si DA.
"Oo."- sagot ko.
At muli pa ay sabay ulit kaming nagkatawanan. Pinatay na ni DA ang ilawang de-gasa.
"M-Minda, a-akoy u-uwe na, b-basta y-yung n-napag usapan n-natin ha! s-secret lang..sshh.."(sabay lagay sa labi ni inay ng daliri nya na parang sinasabing tahimik.)
"Inay!"- tawag ko ng makalapit dito.
"Naku! Ganda, pasensya na! nalasing ang inay mo." -paumanhin ni aleng minda.
Tango lang ang naisagot ko, dahil sa hiyang nararamdaman.
"Anak, pasuyo naman pakihatid na lang sina ganda at mareng lucia at akoy medyo hilo na rin." - napaupo pa sa may bangko sa sala si aleng minda. Wari ko'y may tama na rin ito ng alak.
Nakita kong napailing pa si DA habang nakatingin sa mama nya.
Lumabas kami ng bahay nina DA. Mabuti na lang at hindi na umaambon. Nasa kabilang side sya ni inay, pareho kaming umaalalay kay inay dahil talagang lasing na ito.
"S-Sa-lawa-han, pag nag a-sa-wa ka, pi-li-in mong ma-bu-ti..
Si inay asawa agad, hindi pa nga ko nag kaka boyfriend.
"Te-ka..(napatigil kami dahil tumigil si inay)..may, boy-friend ka na ba?"- sinuri pa ako ng tingin ni inay."
"Inay..- hiya kong sabi, dahil naririnig kami ni DA.
"Ku-ng mag bo-boy-friend ka, (tumingin kay DA.)..ito! anak ni mareng minda, masipag to, sa-ka pa-ti me u-sa-pan na kami ni mare."
"Inay,, nakakahiya po."- saway ko.
"Sos!! hi-ya ba-ng, Dra-ve nak..(nakatingin kay DA)..wag mong pa-ii-
"Inay,,tama na po! lasing na kayo e!"
"Di a-ko la-sing...
🎶Paano kung Wala ka na!!!
Paano ba ang mag-isa!!!
Mula ng makilala ka!!!!
Kung paano'y limot ko na!!!🎶
Anak ng pusit! kumanta pa nga!
Kulang na lang magtakip ako ng mukha sa sobrang kahihiyan.
Inabot kami ng kanas-kanas bago makapasok sa kwarto ni inay.
Tinulungan ako ni DA na maihiga ng maayos si inay sa higaan nya.
Kulang na lang wag na akong humarap kay DA sa sobrang kahihiyan, pero kailangan kong mag thank you sa kanya.
Inihatid ko si DA hanggang pinto namin. Tumingin ako sa kanya. Nakatingin pala sya sakin tila ba inaabangan nya ang sasabihin ko.
"Uhm..-panimula ko.
"Thank you sa pagtulong, at pasensya na kay inay...lasing na kasi, kaya madaldal."
"Okay lang yun, kakatuwa nga inay mo e."-sabay ngiti.
"Ha!?"
"Sige! Bukas na lang, sabay tayo pagpasok."
Sabay tayo pagpasok..
Sabay tayo pagpasok..
Sabay tayo pagpasok..
Parang sirang plaka na nagpi play iyon ng paulit-ulit sa isip ko. Hanggang sa makatulugan ko na iyon.
*****************
Hindi ko na alam kung anong oras na ko nakatulog kagabi, pero four am pa lang ay gumising na ako.
Excited! sa pagpasok,me kasabay e.
Kailangan ko kasing hugasan ang pinag kainan kagabi, nakalimutan kong hugasan.
Lumapit ako sa harap ng ref. namin at binuksan iyon, kumuha ako ng limang pirasong itlog, dalawang kamatis at cheese.
Nag salang muna ako ng sinaing. Habang nakasalang at hinihintay na kumulo ay umupo ako sa tapat ng lamesa para igayak ang rekado sa lulutoin ko. Mag sasa ngag ako ng kaning lamig na tira pa namin kagabi, kaya kumuha ako ng bawang at pinitpit iyon bago ginayat. Sinunod kong ginayat ay ang kamatis ng circular cut. Tapos ay ang cheese sa maninipis na cut. Feel ko kasing gumawa ng egg sandwich, Pesti! wala pa pala akong tinapay. Sakto naman na kumulo na ang sinaing ko, kaya pinahinaan ko muna ito ng apoy, para di masunog.
Itinaas ko lang ng puyod ang mahaba kong buhok, tapos lumabas na ako ng bahay para bumili ng tinapay sa bakery.
Tatlong bahay lang ang pagitan mula samin ng bakery nina ate kesha. Sari-sari store ito na meron ding mga tindang tinapay, parang bakery.
"Pabili nga po ng pande monay." - tawag ko dahil walang tindera asa loob yata.
"Ate, pabili po pande monay isang balot." -wika ko ng makita si ate kesha na pumasok sa tindahan.
"Aga, natin ah!"- ngiting bati ni ate.
"Opo."-walang masabi kaya iyon na lang sinagot ko.
Pagka kuha ng tinapay at abot ng bayad ay umalis na rin ako.
Habang naglalakad ay natanawan ko si...DA.
Dyahe! not now! ni hindi pa ko naghihilamos, tapos para pa kong bruha.
Lintik! Asa kabila sya bakit? naman lumipat pa sa tapat ko kung saan magkakasalubong kami.
Anak ng pusit! nakasando lang ako, tapos short na hanggang hita.
Five..four..three.. two..and one step..makakasalubong ko na sya.
Nakahanda na sana akong batiin sya ng good morning, kaya lang....
Deadma. As in wala! Inisnab ako. Para tuloy akong nalugi ng milyones ng makarating sa bahay namin.
Kung kanina ganado akong magluto, ngayon para akong napagod agad, kahit sinaing palang naman ang naluto ko.
Nagluto pa rin naman ako, inuna ko munang mag prito ng itlog, tawag ay isang bagsak. Nagprito din ako ng paborito ni inay na tuyong hawot.
Nag change oil muna ako bago ilagay ang bawang tapos ay ang kaning lamig nilagyan ko rin ito ng pampalasa.
Katatapos ko lang e pre-pare ang babaonin ko, katulad ng sabi ni kc, kanin lang dadalhin ko. Gumawa ako ng egg sandwich, limang piraso nagawa ko, tapos binalot ko ng tissue paper at isinilid sa paper bag kung saan nakalagay rin ang aking baon na kanin.
6:00 am ng pumasok ako ng banyo para maligo.
"Wow! Himala agap natin ah!" - si ate ng makalabas ako ng banyo.
Nakatapis lang ako ng twalya at nakalugay ang tumutulo ko pang buhok.
"Nalasing si inay kagabi."-saad ko kay ate. Kunot-noong parang nagtatanong sakin si ate pero umiling lang ako na para bang sagot na hindi ko alam kung bakit naglasing si inay.
Katulad ni ate, kagabi ko pa rin naisip na bakit nag paka lasing si inay ng ganun, me problema kaya sya?
Pumasok ako sa kwarto ko para magbihis ng uniform.
Habang nakaupo sa bangko paharap sa tokador ko na may salamin. Naka uniform na ako pinunasan ko ng twalya ang basa kong buhok tapos ay sinuklay ko ito, naglagay lang ako ng isang clip kulay black sa right side.
Naglagay ako ng kaunting pulbos sa mukha at dinampot ko ang..
lip gloss..sure ka gagamitin mo yan?
Bigay sakin ni ate, pero di ko ginagamit, Ewan ko ba! Bakit naisipan ko ngayong gamitin. Wala lang trip ko lang!
Bakit ba? Walang basagan ng trip.
"Ate si inay gising na ba?"- bungad ko kay ate na kumakain na ng almusal at naka complete uniform na rin. Nakita kong may kinakain itong hotdog, siguro nagluto ito.
Nakataas ang kilay at may mapanuring tingin na bumaling sakin si ate.
"Tulog pa yata, kinatok ko na nga..
..naka lip gloss ka ano?"- si ate na tumayo na at dumiretso sa lababo para mag toothbrush.
"Katukin mo ulit, aalis na ako at male late na ako, eto baon mo sa ibabaw ng ref." -si ate na parang hinahabol.
Lumapit ako sa tapat ng pintuan ng kwarto ni inay, nakaamba na sana akong kakatok ng marinig ko si inay na..... umiiyak.
Idinikit ko pa ang tainga ko sa pinto para siguraduhin ang narinig ko.
Bigla akong nabahala kaya kumatok na ako.
"Inay..si Zameerain po ito, nay almusal na po.."- nag aalala kong tinig.
Segundo ang lumipas pero walang tugon mula kay inay.
"Inay..-
"Zameerain anak, baka malate ka! pumasok ka na!" - medyo pagalit na sigaw ni inay pero bakas sa boses nya na galing sya sa pag iyak.
"Inay..nagluto po ako ng paborito nyong tuyo, almusal na po kayo." -muli ko pang pilit kay inay.
"Zameerain, sige na! pumasok ka na lalabas din ako mamaya, medyo masakit lang ang ulo ko."
"Inay...sige po, lalagay ko na rin po dito sa ibabaw ng lamesa yung gamot sa sakit ng ulo, pag labas nyo po inumin nyo po agad...
...sige po.. papasok na po ako sa school...labyu nay." -pinahid ko ang pumatak na luha sa pisngi ko.
Kumuha ako ng gamot sa medicine cabinet at ipinatong sa ibabaw ng lamesa katabi ng pagkain ni inay.
Pagkakuha ng baon sa ibabaw ng ref ay isinakbit ko ang bag sa likod ko at binitbit ang paper bag.
Bago lumabas ng bahay ay muli akong
tumingin sa pinto ng kwarto ni inay.
Naglakad ako palabas papunta sa kanto para mag abang ng jeep. Tyempo na may padaan na jeep na luwag pa kaya sumakay na ako.
Ibinayad ko sa konduktor ang baryang pamasahe ko at tumingin na sa labas ng bintana ng jeep, inabala ko ang isip sa pag mamasid ng mga nadadaanan ng umaandar na sinasakyan kong jeep.
Nakarating kami sa terminal bayan kaya bumaba na ako, naglakad ako papunta sa sakayan papunta sa school.
Mabigat ang pakiramdam ko..pero lalo itong nadagdagan ng matanawan ko si DA at Elaine na magkasabay na naglalakad papalapit sa sakayan ng papuntang school.
Sabi nya sabay kaming papasok..
Scammer naman nya...
Lumayo ako at naglakad papunta sa kabilang kanto kung saan naka terminal ang mga tricycle n papuntang school namin.
Lumapit ako sa tricycle driver.
"Kuya, San Vicente highschool po?" -tanong ko sa driver na hindi masyadong nalalayo sa edad ko. Medyo bata pa kasi ito at cute.
Cute, talaga! E kanina lang maka emote ka wagas!
Pesti ka! Manahimik ka sa banga!
"Oo, miss kaya lang may nakasakay na sa loob, dito na lang sa likod ang wala pa."-wika ng driver.
"Okay lang po, dyan na lang po ako sa likod."-sagot ko at sumakay na ako sa likod na upuan ni kuyang driver.
Apat ang kailangan na pasahero, pero tatlo pa lang kami.
"Pinsan, sakto natyempuhan din kita."
-wika ng isang lalaking studyante na sumakay agad sa tabi ko.
"Oy! Classmate."- sabi ng katabi ko.
Napatingin ako dito, kaklase ko daw sya, Hala! di ko sya matandaan. Ngumiti na lang ako dito.
After a minutes ay nakarating na kami sa gilid ng school namin. Iniabot ko lang sa driver ang bayad ko tapos umalis na ako.
Pagkapasok ko sa entrance gate..
hanggang dito ba naman!
Nasa unahan ko naglalakad sina DA at Elaine. Ilang dipa lang ang layo ko mula sa dalawa. Pero yung kirot dito sa dibdib ko milya na yata ang inabot.
Simula kaninang umaga..ng hindi nya ko pansinin..ng sabihin nyang sabay kaming papasok..pero iba pala kasabay nya..at ngayon..
Lintik na kirot sa puso yan! parang puwing sa mata, na kailangan mo talgang idaan sa iyak.
Ang saya ko pa kagabi e, tapos ngayong umaga.?
DA..sakit mo namang magpasaya..
Nasabi ko na lang sa isip ng makita ko syang iba ang kasabay.