NAPADAAN si Diane sa stock room nang makita niyang bahagyang bukas ang pinto nito. Papunta na sana siya sa classroom nila ngunit oara bang may bumubulong sa kanya na lumapit siya sa nakaawang na pintong iyon. Nakita niya ang apat na lalaking nag-uusap. Isang nakaupo sa mesa, dalawang nakaupo sa upuang may sandalan at isang nakatayo. "Alam n'yo ba sabi ni Daddy, hinagupit daw si Asher ni Tito Miguel dahil sa pagbanat nilang magpinsan sa atin noong nakaraang araw," ani noong lalaking nakaupo sa mesa na para bang lider ng grupo. "Buti nga sa kanya. Gusto lang naman nating bigyan ng leksyon si Ashley dahil palagi na lang siya ang napapansin sa klase. Hindi porke't kaka-transferang nila, yayabangan na kaagad tayo sa acads," sabi noong nakatayong lalaki. "Magkano ba binili ni Tito Miguel

