MAAGANG nagising si Chesca upang ayusin ang lahat ng mga damit niyang ginamit sa ilang araw niyang namalagi sa ospital. Inilagay niya ito sa malaking bag at naupo sa gilid ng kama. Huminga siya nang malalim saka ngumiti. Excited na talaga siyang umuwi. Nakapagpalit na rin siya ng damit pang-alis at hindi na hospital gown ang suot. “Ano ba iyan, Chekay. Ang aga-aga mong mag-alsabaluta,” reklamo ni Maylori nang makabangon ito. “Ma-mi-miss ko iyong lamig ng air con sa madaling araw,” dagdag niya. “Alam mo namang kahit noon pa, hindi ko talaga gusto ang amoy ng ospital. Kinikilabutan ako,” aniya. Kahit pa man hindi pa masyadong maayos ang pakiramdam niya, pinilit niya talagang makabangon para makauwi na. “At saka, nahihiya na ako kay Asher. Ilang araw na akong naka-confine dito tapos

