"GEORGE, I have to go. The meeting will start in any minute," malambing na paalala ni Chesca sa nobyong kausap sa kabilang linya. Tumingin pa sina Christine sa kanya habang sinusukbit ang cellphone sa tenga.
Hindi nga sila nagkamali sa iniisip. Nagkaroon ng comeback ang dalawa. Ngunit sa pagkakataong ito, marami ang nagbago base sa nakikita nila at napapansin.
Mas naging kakaiba si George ngayon dahil dumadating sa puntong sinasaktan na nito si Chesca. Walang araw na hindi nila nakikitang may bagong pasa ito sa braso at sa ibang parte ng katawan.
Nagsumbong na ito nang isang beses sa kanila dahil hindi niya na kaya ang p*******t nito kapag gusto nitong gamitin si Chesca.
Pinupwersa nito si Chesca sa mga bagay na ayaw niya—lalo na ang s*x. Kaya kada tanggi niya, sinasaktan siya nito.
"Don't you dare to hang up. Hindi pa tayo tapos mag-usap. Sinasabi ko sa iyo, Chesca. Once na binabaan mo ako, pupunta ako riyan sa opisina ninyo," pananakot nito.
Hindi niya tuloy alam ang gagawin. Tiningnan niya sina Tristan at Christine na hinihintay ang pagtayo niya. Dala na kasi nila ang kopya ng proposal niya para ibigay sa mga kliyente mamaya.
"Please. Mabilis lang ito. 30 minutes lang naman ang presentation ko. Tapos mag-a-undertime na ako," aniya. Napairap si Tristan sa ere dahil si Chesca na lang palagi ang nag-a-adjust sa relasyon ng dalawa.
Kung tutuusin, pwedeng-pwede na ngang hiwalayan ni Chesca ang nobyo sa dami ng kasalanan nito sa kanya. Ngunit dahil marupok at tanga-tanga siya, go with the flow lang ang peg niya kahit masakit na.
"Dont.you.dare."
"Chesca, come inside," tawag sa kanya ng isa sa kanyang mga head na si Giselle.
"I am sorry. Let's talk later." Kahit na alam niyang magagalit sa kanya ang lalaki, mas minabuti niya na munang p*****n ito ng linya.
Importante para sa kanya ang araw ngayon. Pinaghandaan niyang mabuti ang bawat sasabihin, bawat ipapakita, at bawat ipapaliwanag niya sa mga bisita.
Ito kasi ang susi para ma-promote na siya sa mas mataas na ranggo. Kung suswertehin siya, magiging kapantay niya na si Giselle sa pagiging superior at siya na ang hahawak ng buong department kung nasaan siya ngayon.
"Kaya mo iyan, Chesca. Kaya mo iyan. Please, huwag ka munang mag-isip ng kung ano, okay?" Huminga siya nang malalim at kinuha ang mga folders kay Tristan sabay tango lang.
"Mars, huwag kang mag-panic sa loob ha? Act natural. Para ka lang nagre-report sa harap namin, okay?" payo ni Tristan.
"Magdasal ka. It's your time to shine. Alam naming kaya mo iyan." Nginitian siya ni Christine at tinapik sa likod.
Taas-noo siyang lumakad patungo sa glass door kahit na parang lalabas na ang puso niya dahil sa kaba. Inayos niya ang kanyang buhok, ngumiti, at saka hinawakan ang handle papasok ng conference room.
"Good afternoon, ladies and gentlemen," masayang bati niya sa siyam na taong nasa bilu-habang mesa.
"Tristan, nakalimutan yata ni Chesca iyong phone niya." Tinuro ni Christine ang cellphone na kanina pa nagba-vibrate sa mesa ng dalaga. Nang tingnan nila, si George pa rin ang walang kapagurang tumatawag.
"Ang tibay rin talaga ng lalaking iyan, ano?" Tumango lang si Christine.
Apat na taon nang nagtatrabaho si Chesca sa Guillermo Enterprise at ngayon lang nagkaroon ng pagbubukas sa slot ng pagiging bagong head na talaga namang dream come true ito para sa dalaga.
"Okay guys, habang wala si Chesca at wala rin naman tayong gagawin today dahil natapos na natin ang mga papeles na ipapasa, mag-general cleaning na muna tayo sa buong floor. Okay?" masayang pahayag ni Tristan sa mga naroon.
Wala pang trenta minutos, nagulantang ang lahat ng nasa loob nang makita nila si George na nakapasok sa kanilang department.
"Nasaan si Chesca?" tanong nito sa kanila.
Magulo ang buhok nito na para bang bagong gising. Maski ang damit na suot ay gusot at medyo hindi balanse ang kanyang paglalakad.
Nakatingin lang ang mga empleyado sa kanya at walang balak na magsalita kung nasaan ang nobya niya.
"Hindi nyo sasabihin kung nasaan si Chesca?" Tiningnan niya isa-isa ang mga naroon. Nanlilisik ang mga mata nito at talaga namang galit na galit.
Dahil wala talagang nagsalita, hinalughog niya ang mga saradong kwarto roon at tinignan kung doon ba nagtatago ang babae. Narating niya na ang huling kwarto ngunit ni anino ni Chesca ay hindi niya nakita.
"Nasaan sabi si Chesca, eh!" Umalingawngaw sa apat na sulok ng silid ang pagsigaw niyang iyon.
Kinakabahan man, matapang na tumayo si Tristan at kinausap siya.
"She's on a client meeting. Alam ko, nasabi niya na iyon sa iyo over the phone kanina. Please, keep calm and just wait for her," malumanay niyang sabi.
Ngunit parang hindi yata nagustuhan ni George ang pananalita niyang iyon kaya nilapitan niya ang lalaki at hinawakan sa kwelyo.
"Ang dami mong satsat, boss ka ba niya? Ha?" Amoy na amoy ni Tristan ang alak mula sa hininga ng lalaki.
Kaya pala pansin niyang kanina pa nag-aalinlangan si Chesca na ibaba ang tawag. Nakainom pala ang lalaking kausap nito sa kabilang linya.
"Bitawan mo ako o magtatawag ako ng gwardiya para palabasin ka," pananakot nito kay George.
Agad naman siyang binitiwan ng lalaki ngunit hindi maalis sa mga mata nito ang masamang tingin sa kanya.
"Chesca! Nasaan ka? Alam kong pinagtataguan mo lang ako!" sigaw niyang muli at hinalughog ang iba pang mga kwarto.
Sa pagkakataong ito, inutusan na ni Tristan ang isa sa mga katrabaho niya na tumawag na ng guwardiya upang palabasin ang pangahas na lalaking ito.
Ngunit bago pa dumating ang mga inaasahan nilang tutulong, nakita nilang kinakalampag na ni George ang glass door ng conference room.
Lahat silang naroon sa floor ay nagkatinginan at hindi alam ang gagawin. Nang mabuksan ang pinto, agad niyang hinanap ang nobya na nasa harap ng mga kliyente at iba pang naroon upang mag-report.
"Putang ina ka! Kanina pa kita hinahanap. Hindi ka man lang magsalita!" Rinig na rinig nina Tristan mula sa labas kung paano bitawan ng lalaki ang mga salitang iyon sa harap ng mga tao sa loob.
Tila praning ito at walang pakialam sa mundo habang kinakausap si Chesca.
"Ms. Del Rosario, what's happening? Sino itong Pontio Pilato na bigla na lang pumapasok sa conference room? Do you know him?" naguguluhang tanong ng CEO na si Mr. Harry Guillermo na napatayo pa sa kinauupuan.
"S-sir, let me expl—"
"Hindi mo ako kilala? Boyfriend ako ng babaeng iyan. Bakit? Nasaan ba iyong lalaking lumalandi sa kanya? Nandito ba?" biglang sabat ng lalaki saka luminga-linga ito sa paligid.
Nanginginig ang mga kamay ni Chesca habang nakatitig sa kanya ang mga naroon. Ang iba'y nagbubulungan na at masama rin ang timpla ng mga mukha.
"E-excuse me..."
Napapikit siya sa kabastusan nang pagsagot ng lalaki. Lumakad siya patungo kay George upang subukang pakalmahin ito.
"George, nasa client meeting kami. Please, mag-usap na lang tayo mamaya." Sinubukan niyang kontrolin ang mga pangyayari ngunit mukhang hindi ito aayon sa plano niya.
"Bakit mamaya pa kung pwede naman ngayon?" Marahas niyang hinaklit sa braso si Chesca. Naalarma ang mga tao nang makitang hinihila ang babae palabas ng conference room. Ang iba ay napatayo na sa kanilang mga upuan dahil sa gulat.
"T-teka, masakit!" Mas lalong diniinan ng lalaki ang pagkakapisil sa braso niya.
"Bakit ba kasi hindi mo sabihin sa kanilang lahat na hindi ka maasahan sa kama para matuwa naman ako sa iyo," ani George.
Hindi niya inaasahang out of nowhere ay sasabihin ng lalaki iyon. Ni hindi niya alam kung paano ang susunod na gagawin pag natapos ang pangyayaring ito.
Sobra-sobra na ang kahihiyang dinulot ng lalaki ngayong araw. Hindi niya rin alam kung paano niya sisimulang pulutin pabalik ang sarili.
Mariin niyang pinagkatitigan ang lalaki dahil sa mga salitang bigla na lang lumabas sa bibig nito saka niya tiningnan ang paligid. Nakayuko ang mga katrabaho niya at hindi makatingin ng diretso sa kanya.
"T-tumigil ka na!" Buong lakas niyang binawi ang braso sa lalaki.
"Bakit? Ano bang pinagmamalaki mo, ha? Ito ba ang lalaki mo?" Sabay turo nito kay Tristan.
Napaarko tuloy ang kilay ng lalaki at bahagyang nandiri sa paratang na iyon.
"Wala akong ibang lalaki. Pwede ba, George, mamaya na natin pag-usapan ito?" naiinis na sabi ni Chesca sa nobyo.
Dismayado na siya dahil alam niyang rinig ng mga kliyente kung anong nangyayari sa kanila kahit nasa labas silang nag-uusap. Hindi nagpaawat ang nobyo niya at sinugod si Tristan saka sinuntok sa mukha.
"George! Tama na!" Muling awat ni Chesca sa kanya.
Napasighap ang lahat ng naroon saka dumating ang mga gwardiya at kinaladkad palabas ang lalaki.
"Bitawan niyo ako!" Nagpupumiglas pa ito ngunit mas malakas ang mga guwardiyang humatak sa kanya paalis sa firm.
"Tristan." Dahan-dahan niyang tinayo ang kaibigan na mangiyak-ngiyak dahil sa natamong suntok.
"Mamshi! Ang pangit na ng feslak ko," atungal niya saka hinawakan ang kaliwang pisngi.
"S-sorry. Pasensya ka na. Hindi ko alam na pupunta siya."
"Alam ko naman iyon. Ang hindi ko lang matanggap, ako pa, of all people, ang pinagselosan ng jowa mong may sapak." Sabay palahaw niyang muli.
"Chesca, ako na rito. May problema ka pang kailangang ayusin sa conference room." Tinapik siya ni Christine sa likod.
Panibagong problema ang haharapin niya. Mamaya niya na iisipin kung anong sasabihin kay George dahil mas importante ito ngayon. Sana lang tanggapin ng mga kliyente ang paliwanag niya.
Huminga siya nang malalim at kabado niyang tinulak ang pinto ng conference room. Bumungad sa kanya ang dalawang taong magkatabing nakaupo at pabulong na nag-uusap. Bukod doon, wala na ang mga taong inaasahan niyang naroon pa.
"Giselle, Jay, nasaan na sila?" Napakalaki ng conference room para hindi niya makitang nilayasan na sila ng mga amerikanong kliyente pero nagtanong pa rin siya.
"They just left, Chesca," maikling sagot ni Giselle sa kanya. Hinilot-hilot pa nito ang sintido dahil pare-pareho silang may napakalaking problema.
"A-ano? Kanina pa ba? Baka pwede ko pang habulin. Nasa CEO's office ba sila?" sunod-sunod na tanong niya sa dalawa.
Hindi alam ng mga ito kung anong isasagot sa kanya. Nagkatinginan lang silang tatlo.
"You are fired, Ms. Del Rosario!" Dumagundong ang boses na iyon mula sa lalaking nagbukas ng pinto. Napalingon sila sa lalaking nagsalita. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig habang nag-e-echo ito sa kanyang tainga.
Pabagsak nitong inilapag ang iilang mga papeles na nalalagay sa envelope at tiningnan siya.
"S-sir..." Nanginginig ang mga tuhod niyang nakatingin sa lalaki.