KABANATA 5

1704 Words
THREE YEARS AGO... From: George Message: Happy 1st monthsary love. See you soonest! I love you. Napangiti si Chesca sa mensaheng iyon habang naglalakad sa lobby ng office. Dahil wala pa ang mga kasamang bumaba, naupo muna siya sa sofa at nag-reply sa mensahe ng lalaki. "Bakit 'see you soonest' pa, kung pwede naman ngayon?" nakangiting sabi niya sa sarili. To: George Message: I love you too and happy monthsary! Ito na yata ang simula ng dream come true niyang lovelife. Dahil sa wakas, may lalaking tumagal sa kanya ng isang buwan. Actually, world record talaga iyon kung kanyang ituring dahil super crush niya noon pa si George nang makita niya itong nagfe-flaring sa bar kung saan sila nag-Christmas Party. Isang buwan siyang nagpa-bebe sa lalaki. First time niyang susubukan noon na magpaligaw dahil hindi talaga siya nililigawan ng mga naging boyfriend niya. Kaya rin siguro walang tumatagal sa kanya dahil napakabilis niyang pumayag na maging nobyo ang mga ito. "Aba! Naka naman oh. Tatatawa-tawang mag-isa. Porket weekend ngayon at payday, abot-tenga ang ngiti mo, Ms. Supervisor?" pagbibiro sa kanya ni Tristan kasama ang mga katrabaho niya sa likod nito. "Napaka-pakialamero mo talaga kahit kailan. May lovelife iyan kaya asahan mong bigla na lang ngingiti, tatawa, minsan nga bigla na lang akong hinahampas niyan, eh," sabat ni Christine. "Gaga, hindi ba pwedeng kinilig lang ako ng mga panahong iyon?" ngingiti-ngiting tanong niya sabay tayo. "Tara, mag-Rue Bourbon tayo," yaya ni Tristan sa kanila. Nagsipagtanguan na silang lahat liban kay Chesca na nakatingin sa phone niya habang naglalakad patungo sa elevator. "Pass ako." Sumimangot siya sa mga kasama habang papasok sa loob. "Wow. Napaka-first naman sa first time na tumanggi ka sa inuman. Bakit? Anong meron? Hindi ka pinayagan?" alaska sa kanya ng lalaki. Inirapan niya ito saka ngumiti sabay sabing, "I have a DATE." Talagang pinagdiinan niya ang huling salita dahil lost in love ang kaibigan niyang gay. "Aww. Sweet naman. Sana all." Hindi niya alam kung sinong nagsalita sa likod pero natawa siya na kinikilig kapag may naiinggit sa lovelife niya. Walang araw na hindi niya fini-flex si George sa mga katrabaho. Minsan nga, ramdam niyang umay na ang mga ito kaya naghihinay-hinay na siyang magkwento tungkol sa mala-fairytale niyang lovelife. "Kaya ba kanina mo pa tinitingnan iyang cellphone mo na parang baliw?" usyoso ulit ni Tristan nang makalabas sila ng elevator. "Monthsary kasi namin ngayon. Pagbigyan nyo na ako." Ngumuso siya rito. Huminto sila nang marating ang entrance ng Rue Bourbon. May mga nakalagay nang mga upuan sa labas nito kaya nagsipag-unahan na ang mga katrabaho niya kung saan uupo. Ang iba'y pumasok sa loob para um-order ng pulutan at inumin. "Mag-enjoy kayo ha?" ani Chesca kina Tristan at Christine. "Mag-ingat ka ha? Kung may mangyaring hindi maganda, mag-chat ka kaagad. Malapit lang naman dito iyong pupuntahan mo," paalala sa kanya ni Christine. Hindi na siya magtataka kung alam ng mga ito na susurpresahin niya si George dahil matagal niya na itong balak at paulit-uit niya na rin itong sinasabi sa kanila. "Ano ba kayo? Okay lang ako. Walang mangyayaring hindi maganda, 'no? Nakakaloka kayo. Oh basta, mag-chat din kayo kapag nakauwi na kayo. Ingat." Kumaway siya bago nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Bago pumunta sa Marmalade Bar, dumaan muna siya sa isang bakeshop upang bumili ng maliit na tiramisu cake. Syempre, espesyal itong gabi na ito kaya susulitin niya na. Alas siete y media na nang marating niya ang bar kung saan nagtatrabaho si George. Katulad ng mga bar sa hindi kalayuan, unti-unti nang nagsisipagdatingan ang mga tao—mapa-middle class man ng mga ito, first class o V.I.P. Nakakapanliit ang suot niya sa mga naggagandahan at nagkikinisang babae na nasa loob ng bar. Ang gaganda ng mga ito, mapuputi at halata mong mayayaman. May kaiklian ang suot ng ibang nasa dancefloor ngunit bagay sa kanila dahil halatang branded ang mga branded na damit. Agad siyang pumunta sa bar counter kung saan nagse-serve ng drinks at nag-e-exhibition si George ngunit si Cleo lang ang nakita niyang naroon. Umupo siyang saglit sa bilog na upuan at kinausap ito. "Cleo, pumasok ngayon si George, 'di ba?" pasigaw na tanong niya dahil malapit sila sa DJ Station. "Oo, nandoon sa V.I.P malapit sa C.R. Pinatawag na naman. Alam mo naman iyon, masyadong in-demand," malakas na sabi nito. Tumango lang siya at luminga-linga sa paligid. "Puntahan mo na. Kanina pa tapos mag-serve iyon doon." Ngumiti siya at lumabi ng salamat bago naglakad sa hallway na sinasabi ni Cleo. George is one of the prettiest faces in Marmalade Bar. Hindi na siya nagtaka kung bakit ganoon ang set-up dahil madalas nang pinapatawag si George kapag mga VIP or mayayaman ang nasa lounge. Unti-unting natanggal ang malapad na pagkakangiti niya at muntik niya nang mabitawan ang kahon na hawak nang makita si George sa gilid ng Women's Comfort Room. George is passionately kissing a girl and aggressively pinning her against the wall. He is also carressing her body like it's the end of the world. Sumasabay ang pagpatay-sindi ng ilaw sa galaw ng dalawa na para bang sila lang ang naroon. Para siyang nanonood ng isang pelikulang nasa R-18 na ang scene. Hindi niya kaagad alam kung ano ang gagawin. Napatameme na lamang siya habang hinahayaan ang dalawa sa patuloy nilang ginagawa. Ni ang mga tao sa paligid ay para bang walang nakikitang gumagawa ng kababalaghan sa gawing iyon dahil mayroon silang sari-sariling mundo. Unti-unting nag-init ang gilid ng kanyang mga mata nang malamang ito ang katotohanan. Ramdam na ramdam niya ang hirap sa paglunok habang pinagmamasdan ang dalawa. Ni hindi niya kayang sumigaw o tawagin man lang si George dahil kahit hangin ay hindi niya maramdamang lumalabas sa bibig niya. Nanginginig lang ang mga labi niya habang nakaawang. Sinabayan ito nang pagtulo ng mga luha niya at hanggang ngayo'y para bang na-estatwa ang kanyang mga paa. "George!" Napalingon si George sa pagtawag ni Cleo na naroon pala at humabol. "Oh my, God!" bulalas ni Cleo. Nahinto ito sa likod ni Chesca nang makita ang kaganapan. Si Chesca naman ay naipako na ang pagkakatitig kay George na animo'y nakakita ng multo. "C-Chesca..." Agad naitulak ni George ang babaeng kasama at inayos ang suot. Naglakad ito patungo sa kung saan nakatayo ang nobya. Hahawakan dapat nito ang magkabilang balikat ng nobya ngunit umatras si Chesca nang dalawang beses. Mukhang ito ang ganti sa kanya ng lalaki dahil hindi pa siya handang iangat ang level ng relasyon nila sa mas intimate na parte nito. Siya kasi iyong tipo ng babaeng pinanganak sa isang konserbatibong pamilya. Hindi pa siya handa sa mga "matured" na bagay. "Akala ko masusurpresa kita sa pagdating ko..." Pinunasan niya ang luhang patuloy na tumutulo patungo sa kanyang pisngi. "Iyon pala, ako ang masusurpresa sa nakita ko." Nakuha niya pang mangiti sa harap nito. "N-no, love. It's not what you think about it," giit ng lalaki sa kanya. Oo, gwapo si George. Hindi niya maitatanggi iyon. Mayaman rin. Maraming nag-aasam na makarelasyon ang lalaki. Alam niya iyon dahil napakaraming babae ang tumatawag, nagte-text at nagcha-chat rito na nakikita niya sa cellphone. Maling isinawalang-bahala niya lang ang isang chat sa Messenger ni George na agad nitong binura. Kinutuban na siya noon ngunit hindi niya lamang ito pinansin dahil alam njyang hindi iyon magagawa sa kanya ng lalaki. "George, ilang minuto na akong nakatayo rito. Kung hindi mo gusto ang nangyaring iyon, dapat ikaw ang unang bumitaw. Ikaw dapat iyong lumayo. Pero, ikaw pa 'tong parang tigreng...napakaagresibo." Iiling-iling siya. "Let me first explain, okay?" Akmang hahawakan siya ni George sa braso ngunit umiwas siya. "H-huwag mong mahawak-hawak sa akin iyang kamay mo na kung saan-saang parte na naglakbay. Nakakadiri ka!" gigil na sabi niya sa lalaki. "Chesca, please. Kailangan ko lang gawin iyon para mas lumaki ang tip ko," pagdadahilan nito. "What a lame excuse. Mayaman ka, George. Hindi mo kailangang gawin iyon para magka-tip ka ng malaki," mahinahon niyang sabi. Hindi niya inaasahang sasabihin niya na naman ang mga katagang ayaw na niyang lumabas pa sa bibig niya.p "M-maghiwalay na tayo. Hindi ko kayang niloloko mo ako nang ganito." Kinuha niya ang kamay ng lalaki at binigay ang box na kanina niya pa hawak-hawak. "Chesca, please..." Mahigpit pang hinawakan ng lalaki ang kanyang palapulsuhan ngunit tinanggal niya iyon. Nang tumalikod, nakita niyang naroon pa si Cleo. "I am sorry, Chesca. Hindi ko rin alam," wika nito. "O-okay lang. Aalis na ako." Patuloy siyang naglakad palabas ng bar. Nagtagal pa nga siya sa labas dahil sa pag-aakalang hahabulin siya ng lalaki ngunit ni anino ni George ay hindi niya nakita sa huling pagkakataon. Hindi tumawag, nag-text o nag-chat man lamang ang lalaki matapos ang pangyayaring iyon. "Alam mo, sorry ha? Pero hindi talaga palagay ang loob ko sa kanya," payahag ni Tristan sa kanya habang nagpupunas siya ng luha. Nagkumpulan silang magkakaibigan sa cubicle ni Chesca upang makasagap ng tsimis dahil break time naman. "Hayaan mo na. Tandaan mo, hindi lang ito ang unang beses na niloko ka niya," saad ni Christine. Totoo naman iyon. Hindi ito ang unang beses na niloko siya ng lalaki. Pero sa text lang iyong unang beses na sinasabi ng kaibigan. Iba ito, personal niya pang nakita. "Ano ka ba? Napalaki ng pagkakaiba ng sa text niya lang nahuli kaysa sa personal niyang nakita na umaksyon." Siniko ni Christine si Tristan dahil sa kadaldalan nito. "Delivery for Ms. Francesca Del Rosario..." Napatingin sila sa security guard na may dalang isang malaking bouquet ng red roses. "Hmm..." Isa-isang nagsipag-alisan sina Christine, Tristan at iba pang mga katrabaho nito. As in para silang mga ipis na na-disperse ng Baygon. Alam na nila syempre kung ano ang susunod na mangyayari rito. Kabisado na nila si Chesca sa apat na taon nilang kasama sa trabaho. Ilang lalaki na rin ang nakita nilang dumaan sa dalaga. Hindi maiiwasang matawag nila itong "marupok to the nth power" dahil ganoon naman talaga siya kapag nasusuyo. Kaya hindi na sila magtataka kung magkaroon ng second or third chance pa sila ni George. "K-kanino galing?" tanong ni Chesca nang ibigay sa kanya ang bouquet. "George...George Valderama." Bumugtong hininga siya nang mabanggit ang pangalan ng lalaki. "S-salamat." Nilagay niya sa gilid ang bulaklak at nagpatuloy sa pagtatrabaho. Napaismid sina Tristan bago bumalik sa kanya-kanyang pwesto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD