BAHAGYANG natulala si Asher sa pagpapakilla ni Francois sa kanya. Sa ilang buwan na niyang kilala si Chesca at sa ilang buwan na ring pamamalagi nito sa bahay niya, ni hindi sumagi sa kanyang isipan na may manliligaw pala ito. "Join us. We're having a breakfast," yaya ng lalaki sa kanya matapos makipagkamay. "Hindi ba ako nakakasitorbo?" "Hindi. Don't worry," ngiting sabi sa kanya nito at saka naglakad patungo sa loob ng bahay. "Chesca, you have a visitor," sabi ni Francois. Nagsalubong pa ang kilay ni Chesca dahil wala naman siyang inaasahang bibisita sa kanya sa ganito kaaga. Hindi pa man siya kumukurap ay nakita niya si Asher na papasok na ng bahay nila. "Good morning." Halata ni Chesca ang pilit na pagngiti ni Asher sa kanilang lahat. "Asher!" masaya at sabay na sabi ng m

