NAKATAGO si Shanaia sa likod ng pinto ng isang bakanteng classroom katabi ang opisina ni Mrs. Mendez na siyang sasama bukas kay Diane para sa quiz bee na mangyayari sa St. Jude Academy. Hinihintay niya lang na maiwan itong mag-isa sa loob dahil kailangan niyang kausapin nang masinsinan ang guro. Dala nito sa dibdib ang kaba na baka may ibang taong makakita sa kanya na kausap ito. "Kung hindi mo maipipilit na ikaw ang lumaban sa quiz bee bukas, siguraduhin mong matataasan mo sa mid terms iyang Diane na 'yan. Natotorete na ako sa kakabanggit ng papa mo sa pangalan niyan." Mariing napapikit si Shanaia sa turan ng ina. Hindi siya dapat magkamali ngayon. Kabisado niya naman si Mrs. Mendez. Paniguradong katulad lang din ito ng iba nilang professor na kaya niyang suhulan ng pera. Hind

