"ANONG kabihabangan ang sinasabi mo sa akin ngayon, Susan?" Binigyan ni Ricky ang asawa ng isang makahulugang tingin. Alam ni Susan na sa mga tinging iyon ay hindi pumapayag ang asawa sa plano niya. Masyado nang nagiging gipit ang buhay nila mula noong mailabas si Diane sa ospital. Matumal pa rin ang paghahanap ni Ricky ng trabaho lalo na't nagtanggalan sa kumpanya kung saan siya nagtatrabaho. Kaninang pag-uwi niya ay narinig niyang pumapalahaw ng iyak ang anak samantalang si Susan ay nakatingin lamang rito. Mula noong ma-confine si Diane at makalabas ay hindi na gaano nag-uusap ang mag-asawa tungkol sa mga bagay-bagay. Kaya sinubukan niyang kausapin ito upang mabawasan ang mga isipin nito habang karga niya ang anak. Ngunit nagulat siya sa sinabi nito kaya naging ganoon ang reak

