NAGTINGINAN ang mag-asawa nang malamang si Keith ang nasa kanilang harapan. Napakalki ng pagbabago nito dahil sa tagal nang panahon. Mula noong namatay si Diane ay wala na silang balita mula sa lalaki. Ni hindi rin nila ito nakita noong binurol at inilibing ang kanilang anak. Tanging sina Grace at Zacharia lamang ang naroon at silang mag-asawa. "P-pumasok ka," paanyaya ni Ricky. Ngumiti at sumunod naman si Brandon papasok sa bahay. "Kaya po pala ako nandito kasi may ipinapabigay po si Asher. Sana po ay magustuhan ninyo." Iniabot niya ang dalawang plastik na may lamang prutas at gulay kay Susan saka naupo sa sofa. "Ikaw nga ba talaga si Keith? Iyong panganay na anak nina Grace at Zacharia?" pag-uulit ni Ricky. Kulang na lamang ay lapitan niya nang husto ang lalaki ay haplusi

