"GIBSON! GIBSON!" Narinig ni Shanaia ang paglangitngit ng secret door kaya agad niyang tinawag ang pangalan ni Gibson. Kinalampag niya pa ang pinto upang dahil kanina pa siya nakakaramdam ng gutom. Nang marinig niyang binubuksan na ang kandado ng pinto ay umatras siya at hinintay ang pagbubukas nito. Ang kaninang nakangiting mukha niya ay napalitan ng pagkainis nang makitang hindi si Gibson ang nagbukas ng pinto. "B-bakit ka nandito? Nasaan si Gibson?" Napaupo sa silya si Shanaia dahil sa panginginig ng tuhod. Ngumisi ang lalaki bago nagsalita, "Si Gibson lang ba ang may karapatang magbantay sa 'yo? Tandaan mong ako ang nakahuli sa iyo kaya ako dapat ang may karapatang bantayan ka ng bente kwatro oras." "Umalis ka na. Ayoko nang makita ka. Kinikilabutan ako kapag nakikita kita."

