TAHIMIK na kumain si Gibson habang si Shanaia ay hindi kayang kumain. Labis niyang dinaramdam ang nangyari sa mga ito. Hindi niya inaasahang lalaki ng ganito ang simpleng pagkainis niya noon kay Diane. "Sige na. Kumain ka na. Alam kong kanina ka pa nagugutom." Nagtuloy-tuloy lang ang lalaki sa pagkain. Tinitingnan lang siya ni Shanaia. "Bakit hindi ka magalit sa akin, Gibson?" tanong niya. Doon ito huminto sa pagkain at pinunasan ng tissue ang bibig. "Sa palagay mo ba, kapag nagalit ako sa 'yo, magiging malaya ako? Kami?" Hindi umimik si Shanaia at napayuko lang. "Gustuhin ko mang magalit sa 'yo, hindi ko kaya. Wala rin namang magagawa 'yon. Nandito na kami. Hindi na kami makakatakas sa kanya. Kapag namatay kami, saka lang kami magiging malaya sa kanya," malungkot na saad nito

