"FRANCESCA, are you okay?" tanong ni Francois sa babae habang naghihintay ang mga ito ng go signal para makaalis na silang lahat ng sabay-sabay. "Sa totoo lang, hindi. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa pupuntahan natin. Pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda." "Just get ready. Alam kong nilabanan mo 'yong lalaking pumasok sa bahay ni Asher noon." Napatingin bigla sa kanya si Chesca. "P-paano mo nalaman?" "I have my ways para makibalita sa 'yo. Wala lang talaga akong lakas ng loob na kausapin ka nang husto lalo na kapag sa social media." Nang marining nila ang pagbusina ni Six saka naman tumakbo si Landon patungo sa kanila. "Francois, right?" Tumango ito bilang sagot. "I have a favor to ask you, guys. Can you wear these? These are bluetooth earpods. Dito tayo magk

