"FRANCOIS, salamat sa paghatid." Tinanggal ni Chesca ang pagkaka-lock ng seat belt niya nang makahinto sila sa tapat ng bahay ni Asher. "No problem. By the way, are you invited on Asher's birthday?" tanong nito. Napakunot-noo siya. "Hindi ko alam. Pero baka siguro hindi. Hindi rin kasi ako interesado sa mga parties, alam mo naman," aniya. "Yeah, I know. I think there's something strange on the invitation that I have received from him..." Tumango-tango pa ito habang tinitingnan ang view ng mga building sa kanyang kaliwa. "Invitation? Para saan?" "Sa birthday ni Asher. Kaso, naalala mo na nagpunta ako rito noon?" "Oo. Nagpunta ka pero hindi dahil sa akin," may himig pagtatampo na sabi ni Chesca. "Dahil sa invitation kaya ako nagpunta no'n. Someone has sent me the invitation

