"IKAW na muna ang bahala sa kanya, Gibson." Pagkatapos ng pangungusap na iyon, kaluskos na lamang mula sa tracker-s***h-wire tapping device na inilagay ni Brandon noon sa may batok ng lalaki. Paniguradong natanggal na 'yon. Mabuti na lamang at na-i-record niya ang lahat bago pa ito masira. Tinanggal niya ang suot na headphones at isinara muna ang laptop. Tiningnan niya rin ang relong nagsasabing alas tres na ng hapon. Napasandal siya sa swivel chair at inilagy ang dalawang kamay sa may batok. Maski siya na isang special agent ay hindi makapaniwala sa tapang at pananakot na ipinapakita ni Mariz sa bawat araw na naikukwento ito ng mga pinsan sa kanya. Paano niya nalaman na pinatay ni Agnes ang papa ni Shanaia? Naroon ba siya no'ng mga panahon na 'yon? Isang palaisipan sa kanya a

