KINABUKASAN, sinunod ni Chesca ang sinabi ng mga lalaki sa kanya. Ipinagluto niya si Asher ng sinigang ngayong umaga. Maaga siyang pumunta sa palengke upang sariwang baboy at gulay ang makuha niya. "Good morning..." Nakaligo na si Asher nang makababa. Nakabihis na rin ito pampasok sa trabaho ngunit magulo pa ang buhok nitong tagaktak ang tubig. "Maupo ka na. Maghahain na ako ng almusal." Sumunod naman ang lalaki at pinunasan ng towel na nakalagay sa balikat ang buhok na basa. "I passed out." Hinihilot-hilot pa nito ang ulo habang hinihintay ang almusal na ihahain ni Chesca. "Mukha nga. Parang nabigatan pa yata 'yong mga nag-akyat sa 'yo," biro niya habang dinadala ang isang mangkok na may sabaw sa lalaki. "Nagluto ako ng sinigang kasi sabi ni Lucas, pampawala raw ng hangover

