"MAHAL ko si Chesca..." Napatingin ang lahat kay Asher nang umamin ito sa kanila habang umiinom ng alak. Walang nagawa si Six kundi painumin ang mga ito uoang ganahan silang magtrabaho para sa pinapagawa niya. Maayos naman silang nakapag-usap matapos magsuntukan sina Asher at Lucas ngunit kailangan nilang piliting umamin si Asher patungkol kay Chesca. Ngayong alam na nila ang totoo, kailangang mailayo nila kahit papaano ang babae kay Mariz. "Sa palagay mo may magagawa pa tayo? Nagkita na sina Mariz at Chesca," ani Kyle sa mga ito. "Hindi ka ba talaga magsasalita, Lucas?" pang-ilang ulit na tanong ni Six sa pamangkin na kanina pa nasa sulok. "Ayokong magkwento. Baka bigla na lang akong masuntok ni Asher. Patulugin n'yo na muna 'yan. Lasing na naman 'yan." Umirap pa siya saka pi

