Chapter 5

1222 Words
Jae's POV Pagkagising ko naligo agad ako at nagmadali dahil anong oras na, kahit masama pakiramdam ko kumilos pa rin ako dahil kailangan ko pa pumunta sa condo nila Kira dahil gagawa kami project nandoon na rin daw yung iba pa naming mga kagrupo at ako na lang daw inaantay pero nagsimula na sila dahil nga late na ako tsaka baka matagalan pa kapag inantay pa nila ako. Pagkatapos ko maligo nagpatuyo na ako ng buhok tapos naglagay lang ako ng kaunting make up para mag mukhang maayos pagkatapos ko mag ayos lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kusina para kumain "Good afternoon" matamlay kong bati kila mama, umupo ako sa upuan para kumain at makainom ng gamot "O bakit ganyan itsura mo?, may masakit ba sayo? May masama ba sa pakiramdam mo?" Sunod sunod na tanong ni mama sa akin "Ayos lang po ako mama" pagbibigay ko nang assurance sakanya na okay lang ako " wala lang naman po ito lagnat lang po ito" pagdugtong ko sa sinabi ko "Huwag ka na lang kaya tumuloy kila Kira sasabihan ko na lang siya na may sakit ka at hindi ka makakapunta" Pag aalalang sabi ni mama sa akin "Ma, hindi pwede malapit na pasahan noon kaunti pa lang nasisimulan namin at tsaka wala pa akong naitutulong sakanila kaya kailangan ko pumunta kahit masama pakiramdam ko iinuman ko na lang 'to ng gamot" "O sige basta pag hindi mo na kaya tawagan mo lang ako o kaya si joshua ahh, sige kumain ka na para makainom ka ng gamot" sabi sakin ni mama habang nilalagyan ako ng kung ano ano sa plato ko. Kaunti lang nakain ko dahil wala akong gana dahil nga wala din ako panlasa "Sige ma alis na po ako" pagpapaalam ko sakanya "magtetext na lang po ako kapag nandoon na ako" humalik na ako sakanya bago lumabas ng bahay. Nag grab na lang ako papunta dahil malayo layo din bahay nila habang bumabyahe sinalpak ko earphones ko at natulog ako "Mam nandito na po kayo" pag gising sa akin ni kuyang driver pagkamulat ko ng mata ko parang kinakabahan siya dahil ginising niya ako pero nginitian ko na lang siya at saka ako nagbayad sobra pa yung binayad ko pero hindi ko na lang kinuha yung sukli, pagkapasok ko sa lobby nginitian ko na lang yung mga staff doon at nung nakita kong malapit na sumara yung elevator tumakbo ako para mahabol ko pa buti na lang yung lalaking nandoon binuksan, pagkabukas niya pumasok na ako pinindot ko kung saang floor ako pupunta, ay teka parang namumukhaan ko to ahh, ay siya yung lalaking ilang beses nakabangga sa akin noon tumabi ako sa kanya at maya maya lang naririnig ko siyang parang tumatawa humarap ako sakanya tapos nakita ko siyang nakangiti na parang may iniisip na nakakatawa, ay nabaliw na ata to "Bakit ka tumatawa diyan? Ano nakakatawa? Pagtatanong ko sakanya dahil curious ako "Wala lang, may naisip lang" pag sagot naman niya sa tanong ko "Ay teka ikaw yung lalaking nakabangga sa akin noon diba?" Pagtatanong ko sakanya habang kinukuha yung sukli doon sa ibinigay niyang 1,000 sa akin pagkakuha ko inabot ko sakanya "oh ito nga pala yung sukli doon sa 1,000 na ibinigay mo sa akin noon, pasensya na nga pala kung nasigawan kita non, kasi sobrang stress lang ako, sa sobrang daming gawain eh" pagkasabi ko nginitian ko na lang siya "Wag na sayo na lang yan, hindi naman ako yung taong iniisipan ng masasama yung mga mahihirap, binigay ko yan kasi nahiya din ako sa nagawa ko sayo non, sorry din kung nabangga kita nang ilang beses non dahil sa pagmamadali" pagkasabi niya biglang bukas yung elevator at nagpaalam na siya sa akin nang nakangiti, habang umaandar yung elevator napapa isip ako kasi parang familiar mukha niya sa akin eh parang nakita ko na siya noon pa bago kami magkabanggaan ang weird lang, "aish, saan ko ba nakita yung lalaking yon bakit hindi ko maisip kung saan" sabi ko habang sinasabunutan sarili ko. Pagkabukas ng elevator lumabas na ako at nagpunta sa room ni Kira, ilang beses pa akong kumatok bago niya buksan "Oh, Jae bakit ganyan itsura mo anong nangyari sayo?" Nagtatakang tanong niya sa akin "Wala namang nangyari sa akin, hinabol ko lang elevator kanina para mabilis ako makaakyat dito hehe" pagpapaliwanag ko nang masigla para hindi niya mapansin, napaiwas ako nung akma niyang hahawakan noo ko pero huli na dahil nakapa na niya ito "HOY JAE ANG INIT INIT MO KAYA, BAKIT KA PA NAGPUNTA DITO? PWEDE KA NAMANG HINDI NA LANG TUMULOY AT KAMI NA ANG BAHALA DITO MATATAPOS NA DIN NAMAN NA KAMI EH, SANA HINDI KA NA LANG TUMULOY BAKA MAPANO KA PA, HALIKA NA AT IPAPAHATID NA KITA PAUWI" sigaw sa akin ni Kira pero wala akong pakialam dahil gusto ko talaga tumulong sa project namin "Ayoko Kira, hindi ako uuwi ayos lang ako uminom na rin naman na akong gamot, nagpunta ako dito kasi wala pa akong naitutulong sa inyo nahihiya na ako dahil alam kong pabigat ako sa grupo" pagpapaliwanag ko habang nakatingin sa iba pa naming kagrupo "Ayos lang kami dito Jae, wag ka mag alala, anong wala kang naitulong ang dami dami mo kayang natulong dito, ikaw kasi gusto mo lagi kang may nagagawa" sabi naman ni Venice na kagrupo namin "Oo nga Jae, kami na bahala dito pahinga ka na" sabi ni Ryan isa din sa kagrupo namin "Pahinga na po kayo, kung gusto niyo ako na lang maghahatid sayo pauwi" sabi ni Missy ang pinakabata sa grupo namin "Oh ano na Jae? O kaya kung gusto mo dito ka na lang muna sa kwarto ko magpahinga o kaya diyan sa sofa?, ikaw kung ano gusto mo" sabi sakin ni Kira pero bahala sila diyan magmamatigas ako "No!, ayoko magpahinga, tutulong ako kahit ayaw niyo" pagmamatigas kong sabi habang papunta ako sa grupo para tumulong "hay nako naman Jae, napakatigas ng ulo mo" rinig kong bulong ni Kira pero hindi ko pinansin, masaya akong gumagawa ng mga dapat gawin nang bigla kong naramdaman pagkahilo ko kaya napahawak ako sa ulo ko "Hoy Jae ano nangyayari sayo?, AY BWISIT KA BAKIT DUMUDUGO ILONG MO TEKA TATAWAG AKO EMERGENCY, NAPAKA TIGAS NAMAN KASI NG ULO MO EH, TIGNAN MO NANGYARI SAYO" pagpapanic ni Kira kaya yung iba pa naming kagrupo nagpapanic na din na hindi alam gagawin, habang nagpapanic si Kira, ako naman hindi ko na alam nararamdaman ko basta ang alam ko lang gusto kong matulog "HOY JAE WAG KA MUNA MATUTULOG PARATING NA EMERGENCY" pagsigaw ni Kira pero papikit na mata ko sa sobrang antok, pero pinipigilan ko din kasi natatakot ako na baka ito na yun, na baka ito na yung huling makikita ko lahat. 'Ayoko pa po Lord gusto ko pa marating mga pangarap ko, gusto ko pang makita si Zaiden gusto ko pa siya makausap hindi ko pa siya nakikita Lord tsaka hindi pa ako gumagraduate at nagkakatrabaho baka naman po, baka pwede ko pang makita si Joshua na maging successful kahit alam kong napakalabo, yung mga magulang ko din po Lord hindi ko pa nababayaran, pero kung ano po mangyayari sa akin ngayon tatanggapin ko, kung katapusan ko na po tatanggapin ko din po', hanggang sa unti unti nang dumidilim paningin ko ----------------------- Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD