Zaiden's POV
"Anak, gising ka na dali may good news ulit kami ng mama mo sayo" sigaw ni papa sa labas ng pinto ng kwarto ko habang kumakatok, naalimpungatan naman ako kaya bumangon na rin ako
"Opo, kikilos na po ako baba na lang ako pagtapos na" buti na lang at walang pasok ngayon dahil wala daw mga prof hindi ko alam kung ano meron at dalawang araw na silang wala, pagkabangon ko kinuha ko towel ko para maligo habang naliligo naiisip ko pa rin kung ano sasabihin nila sakin kahit alam ko naman na baka ngayon naman nalaman na nila kung nasaan si Jaezelyn tapos pupuntahan namin o kaya ako lang papapuntahin nila kaya kinakabahan ako harapin siya. Binilisan ko na lang maligo dahil kumakalam na rin sikmura ko dahil 11:30 am na ako nagising pagkatapos ko, nagpatuyo lang ako ng buhok, nagsuklay, at naglagay ng konting gel para maayos tignan, tumayo ako para ayusin naman kama ko pagkatapos non lumabas na ako para kumain
"Good afternoon everyone" nakangiti kong bati sa kanilang lahat, pagkadating ko sa table humalik ako sa pisngi ni mama nakagawian ko na rin kasi eh
"Good afternoon din son" masayang bati ni mommy sa akin "wala ka atang pasok ngayon, bakit ano meron?" Tanong sa akin ni mama
"May biglaang meeting daw po mga prof ngayon eh, kahapon din meron kaya maaga kami pinauwi" pagpapaliwanag ko sa kanila ni papa
"O, siya sige kumain ka na tapos puntahan mo 'tong ibibigay ko sa 'yong address ahh" sabi ni papa sa akin habang kumakain "hindi ka kasi namin pwedeng samahan dahil may lakad kami ngayon, si Mitch naman may gagawin daw na project kaya walang pwedeng sumama sayo tsaka malaki ka na rin naman na kaya mo na yan" sabi naman ni mama
"Bakit po ba? Anong meron sa address na 'to bakit pinapapuntahan niyo sa akin?" Pagtataka kong tanong sa kanila kahit may idea naman na ako kung ano 'to gusto ko lang makasigurado
"Ahh, wala ka talagang alam o nag mamaang maangan ka lang?, huwag ka mag alala alam kong naaalala ka non tsaka alam kong miss ka na rin non ang tagal niyo rin namang hindi nagkita dahil nga nagkaproblema ka diba? Alam kong hindi ka non basta basta makakalimutan iyon pa ba? Napakamaalalahanin non" pagkukumbinsi sa akin ng papa ko effective naman dahil nakumbinsi ako "Sige na tapusin mo na yan at lumarga ka na para makapag usap din kayo ng matagal tagal"
Kumain na ako pero hindi matanggal sa isip ko na kakayanin ko bang makita ulit siya? Nangako ako sakanya na hindi ko siya iiwan pero iniwan ko pa rin siya totohanin niya rin kaya yung mga sinabi niyang gusto niya kami lang hanggang dulo? Sana nga totohanin niya kasi siya lang talaga gusto ko eh, wala ako naging jowa pero nakafling meron para lang makalimot sakanya kinailangan kasi namin umalis dito sa Pilipinas at pumunta sa America dahil yung lola ko nag aagaw buhay na tapos sabi naman nila mama at papa matatagalan daw kami doon baka doon na rin daw kami tumira dahil gusto nila imanage yung naiwang ari arian nila lolo at lola doon pero ginawan naman nila ng paraan para makauwi kami ulit rito sa Pilipinas sana kapag pinaliwanag ko sa kanya yon maintindihan niya kahit alam kong malabo. Pagkatapos ko kumain umakyat muna ako sa kwarto ko para siguro mag isip isip inantay ko pa makaalis sila mama tsaka si Mitch, anong oras na pero wala akong balak puntahan siya ngayon hindi pa ako handa ireready ko muna sarili ko ngayong araw tapos siguro bukas pagkatapos ng klase namin ay hahanapin ko siya magtatanong tanong ako sa school kung may nakakakilala sa kanya sana nga meron para hindi mahirap hanapin tsaka para masundan ko rin siya pag uwi tapos doon ko siya kakausapin
6pm na pala hindi ko namalayan ang oras kakaisip sakanya, kakaisip kung handa na ba akong makita siya, kung handa ba ako sagutin mga tanong niya kasi alam kong madami siyang itatanong sa akin imposibleng wala, ang tagal kong nawala, tumayo na ako para maligo at para kumain hindi naman ako nakaramdam ng gutom pero kailangan ko lumabas at magtanong tanong sa mga kaibigan ko ngayon. Pagkatapos ko maligo nag text ako kay Arlo na papunta na ako sa kanila "Sige bro nandito na rin sila sa condo ko, ingat" reply niya sa akin
Nagdrive na ako papunta sa condo nila Arlo pero bumili na muna ako ng pizza para may makain habang nandoon kami, kasi bawal uminom doon dahil nandoon kapatid niya kaya kakain na lang kami, pagkadating ko sa condo nag elevator ako kasi 6th floor yung condo niya habang pasara yung elevator may nagmamadaling babae nagbabaka sakali siguro na maabutan yung elevator kaya pinindot ko yung open para magbukas ulit tsaka para makapasok yung babae
"Salamat po" ngiti niya sa akin habang hinihingal siguro kakatakbo
Nginitian ko na lang siya, teka parang naaalala ko itong babaeng to ahh, ay ito yung babae na dinala ko sa clinic dahil nahimatay, tsaka ito rin yung babaeng nabunggo ko kaya natapon yung tubig naaalala niya kaya iyon?, natawa ako sa iniisip ko pinag iisipan siguro ako nitong nababaliw na dahil pangiti ngiti ako dito
"Anong nginingiti ngiti mo diyan? Nababaliw ka na ba? Ay hoy ikaw yung nakabangga sa akin diba? Yung nag bigay ng 1,000? Ay teka nakalimutan kong ibalik sayo 'to" may kinukuha siya sa bulsa niya hindi ko alam kung ano iyon tsaka natatandaan ko rin naman na wala akong binigay o ipinahiram sakanya kaya nagtataka ako kung ano yung ibabalik niya
"Ito ohh, ito yung sukli sa 1,000 na ibinigay mo sa akin, hindi ko naman tinake advantage yon nagalit lang ako kasi pagod na pagod ako nung araw na yon tapos nadagdagan mo pa, pero no worries na, sorry kung may nagawa ako ahh thank you din dito" ngiti niya sa akin habang inaabot yung pera sa akin sakto namang bumukas na yung elevator kaya nagpaalam na ako sakanya " Just take it, sorry din kung may nagawa akong hindi maganda sayo noon, bye" nakangiting pagpapaalam ko sakanya bago lumabas
--------------------
Thank you!