Jae's POV
Pagkamulat ko ng mata bigla akong nasilaw sa liwanag, "Hala nasan ako?! Anong nangyari sakin?!" Sabi ko sa sarili ko kahit alam ko namang nasa clinic ako pero syempre gusto ko rin makasigurado baka mamaya hindi pala to clinic ng school eh, pero teka sino nagdala sa akin dito? Eh sa pagkakaalam ko wala namang tao kahapon sa hallway nung nahimatay ako pero bahala na itatanong ko na lang sa nurse
"Oh Jae gising ka na pala, kamusta pakiramdam mo?, siguro hindi mo na naman iniinom yung mga gamot mo no? Tanong sa akin ni ate Zea yung nurse na nag alaga sa akin
"Ay ate okay naman na po, nakakalimutan ko po kasi inumin sa sobrang daming ginagawa eh, sino po pala nagdala sa akin dito wala naman po kasi tao sa hallway nung nahimatay ako eh" Sabi ko kay ate na may halong pagtataka
"Ay si ano, yung gwapong lalaki hihi hindi ko natanong pangalan eh pero Villegas apelyido" hinampas ako ni ate habang kinikilig kakagising ko lang tapos sasaktan na naman ako pag ako nagkapasa na naman mabilis pa naman ako magkapasa ngayon dahil hindi ako nakakainom gamot pero sana wag magpakita ngayon mga pasa
"Ay sige ate salamat, pwede na po ba akong makauwi?" Tanong ko kay ate habang inaayos gamit ko
"Oo naman sige, pero paalala lang ahh INUMIN MO NA MGA GAMOT MO TSAKA INGATAN MO SARILI MO! Galit na sigaw niya sakin, bipolar pala to si ateng nurse hindi ako nainform parang kanina lang kinikilig, masaya, tapos biglang magagalit baka kailangan na nito ng psychiatrist, joke lang hahaha lab lab ko yan si ate dahil lagi ako inaalagaan naiintindihan ko naman siya kung bakit siya ganyan concern lang siguro sa akin
"Opo ate salamat po sa pag papaalala babye po" nakangiti akong nagpaalam sakanya. Pagkalabas ko ng clinic naglakad na lang ako pauwi medyo padilim pa lang naman ilang oras kaya ako nakatulog sa clinic? Aish hindi ko alam kasi hindi ko naman natignan orasan ko nung inaayos ko gamit ko tapos hindi ko pa natanong sa nurse hindi na rin tuloy ako makakasunod kila Ana sayang nga naman yung pagkakataon, pagkatingin ko sa cellphone ko ang daming missed calls galing kay Ana, kay Shiara, kay Sia, galing kay Kira pati texts tinadtad ako tinatanong kung tutuloy pa daw ba ako o hindi na kasi lumipat din daw sila ng place pero hindi na ako nagreply baka sa bahay ko na lang sila replyan
"Nasan si mama?" Tanong ko sa kapatid kong si Joshua, buti pa siya pahiga higa lang, pakain kain, panood nood lang, sana all walang iniintindi, sana all walang problema charot hahaha
"Ay namimili pa ate kanina pa naman umalis yon baka pauwi na rin yon, nga pala ang aga tayong pinauwi kanina ahh bakit ngayon ka lang umuwi?" Pangungwestiyon sakin ng kapatid ko na akala mo naman iniimbistigahan ako
"Pake mo ba?" Pagtataray ko sakanya
"Ay hala ate may boyfriend ka na no? Susumbong nga kita kay papa, akala ko ba si kuya Zaiden lang gusto mo makatuluyan? Hahaha asan na pala yon ate? Bakit nga pala umalis yon? Bakit ka nga pala iniwan? Hahahaha Huwag ka na umasa do..."
"Hindi ako umaasa doon 'no" pagpuputol ko sa kapatid ko "hindi ko nga alam kung nasaan na yon eh, oo nangako ako doon na gusto ko siya lang yung makakatuluyan ko pero nangako din naman siya sakin na hindi niya ako iiwan pero bakit niya pa rin ginawa diba? Nasan na yung pangako niyang yon, aish bakit ko ba iniisip yon eh bata pa naman kami non nung nag pangakuan bakit ko ba kasi binibig deal?"
"Syempre ate siguro may crush ka sakanya noon kaya ganyan ka tsaka syempre namimiss mo siya kasi diba nung bata kayo laging kayong dalawa lang magkalaro? Ayaw niyong makipaglaro sa iba kapag may kalaro kang iba nagagalit si kuya Zaiden tapos kapag may kalaro naman si kuya Zaiden na iba nagagalit ka kaya ka siguro ganyan kasi nasanay ka dahil nung bata pa kayong dalawa lang eh kahit nga ako ayaw niyo kalaruin noon eh" pagpapaliwanag niya sa akin kala mo naman mas matanda siya sa akin kung makapag salita eh
"Dami mong say ahh, sige na papahinga na ako" pagpapaalam ko sa kanya, ginulo ko muna buhok niya bago ako umakyat sa kwarto ko
"Aish bakit bigla ko na naman siya naisip? Epal kasi nung kapatid ko eh binring up pa eh kinakalimutan ko na nga, pero nasan na nga talaga siya?, nandito na kaya siya sa Pilipinas? Kamusta na kaya siya? Okay lang ba siya? May bago na ba siyang kaibigan? Pero tama kapatid ko eh umaasa pa rin talaga ako sakanya na sana ako pa rin" pagkausap ko sa sarili ko sa harap ng salamin, sinabunutan ko sarili ko para matauhan nung natauhan na ako naligo na ako pagkatapos ko maligo nagsuot na lang ako ng pantulog magpapahinga na sana ako kaso pinapakain ako ni mama kahit ayoko pinipilit pa rin ako pampalakas daw kasi, sinuklay ko lang buhok ko bago bumaba pagkababa ko nakahanda na yung pagkain ako na lang pala inaantay nila
"Tara na kain na umupo ka na rito at ipaghahanda na kita" nagmamadaling sabi ni mama sa akin pagkaupo ko inasikaso naman ako ni mama
"Bakit ma? Anong meron? May kailangan ba kayo? Ano?! sabihin niyo gagawan ko paraan" nagtatakang tanong ko sakanya kasi nagtataka naman talaga ako kung bakit ganyan trato niya sakin kapag tinatrato niya ako ng ganyan may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi
"Wala naman anak" naluluhang sabi niya "inaalagaan lang kita ayaw pa kitang mawala kasi mahal na mahal ka namin ng papa mo" pagdadrama ni mama sa akin
"Ano ba naman ma hindi pa naman ako mawawala nakita mong ang lakas lakas ko pa eh tsaka inaalagaan ko naman sarili ko iniingatan ko din naman kasi alam kong mabilis akong magkapasa tsaka magkasugat kaya ma, pa, no worries" pagpapagaan ko ng loob sakanila kasi ayoko na may nag aalala sakin tsaka kahit may oras na gustong gusto ko na sumuko sinasabi ko sakanila na kaya ko pa kasi ayokong nahihirapan sila dahil sa akin gusto na rin nila ako ipaconfine pero umaayaw ako kasi gusto ko pa rin mag aral, gusto ko pa matupad pangarap kong maiahon sa gantong buhay pamilya ko gusto ko rin makitang stable si Joshua sa buhay bago ako sumuko kasi pakiramdam ko kapag naconfine ako wala na lahat eh, dun na magsisimula yung laban ko sa cancer pamilya ko lang nakakaalam nito ayokong ipaalam sa mga kaibigan ko dahil ayoko silang pag alalahanin gusto ko wala silang iniisip yung masaya lang dapat sila lagi ayos ng ako lang yung nakakaramdam ng lungkot
Pagkatapos kumain umakyat na ako sa kwarto at umiyak, iniyak ko lahat ng sama ng loob ko lahat ng hinanakit ko sa buhay lahat ng nararamdaman ko, bakit ganto na naman ba? Bakit nagkasunod sunod na naman problema ko? "Lord tulungan niyo po ako please gusto ko na sumuko pero lalaban pa po ako kaya bigyan niyo po ako ng sign para mamotivate po ako lumaban" iyak na dasal ko, hindi ko namalayan sa sobrang pag iyak ko nakatulog na ako
---------------
P.S. reply po kayo dito if gusto niyo po na ituloy ko po or hindi na HAHAHA survey lang po pero kahit hindi niyo po ipatuloy itutuloy ko po hehe mwaa labyu all po hihi alam ko naman po na panget pagkakagawa ko pero sinusubukan ko po pagandahin. Thank you!