CHAPTER 1- A NIGHT WITH A STRANGER
Skier Bar, hindi ito katulad sa ibang bar na maingay at magulo. Isa itong eleganteng bar na dinadayo ng mga kilalang tao para makapag inom at makapag enjoy. Lalo pa at hindi ito bukas sa kahit kanino lamang dahil tanging ang mga taong may Card ng Bar na ito lamang ang nakakapasok dito.
Sa isang sulok ng bar nakaupo si Alexander Ruiz katatapos niya lang makipag usap kay Clyde Cordova kamyembro niya sa Lions Club. Nauna lamang itong umalis sa kaniya at nagpasya siyang magpaiwan dahil nagustuhan niya ang lasa ng alak na sinerve ng bartender sa kanila.
Hindi nagtagal ay may pumasok na babae. Agad nitong nakuha ang kaniyang pansin dahil sa naka simpleng jeans at tshirt lang ito na napapatungan ng puting blazer. Nakalugay ang lagpas balikat nitong buhok at walang ibang kolorete sa mukha, wala rin itong suot na kahit anung alahas sa katawan. Hindi tulad sa ibang mga babae sa loob ng Bar na halos may mga kulay ang mukha at makakapal ang kulay sa mga labi, maiigsi pa ang mga suot at halos kumikinang ang katawan sa mga mamahaling alahas na suot ng mga ito.
Halos kalahating oras na yata niyang pinagmamasdan ang babae, nakailang baso na ito sa iniinom nitong alak at tahimik lang itong umiinom sa harap ng bar counter. Hindi niya alam kung bakit nandidito parin siya at nakaupo hanggang ngayun kahit mayroon pa siyang dapat na pupuntahan.
Napabuntunghininga na lamang siya at muling ininom ang alak na laman ng kaniyang baso ng mapansin niyang tumayo ang babae at naglakad papunta sa gawi niya.
He was looking directly at her face habang papalapit ito. Napansin niyang walang siglang mababakas sa mukha ng babae at ng magsalubong ang kanilang mga tingin napansin niyang namumula ang mga mata nito na parang galing sa pag iyak. Nilagpasan siya ng babae at dumeretso ito sa loob ng comfort room na hindi kalayuan sa puwesto niya.
Did that woman, doesn't recognize him?
As far as he knows, He is recognized as one of the most handsome and rich bachelor in the country. First time palang niyang naranasan ang hindi pansinin ng isang babae. Muli siyang napailing at inubos ang laman ng kaniyang baso.
Nagdesisyon nalang siyang tumayo at umalis sa lugar na yun ng makita niya ang dalawang lalaking lumapit sa kinauupuan ng babae kanina at nagsalubong ang kaniyang mga kilay ng may ilagay ang isang lalaki sa inumin ng babae at pagkatapos ay lumayo narin ang dalawa.
The X-Drug..nasabi niya sa sarili.
Hindi na sana siya makikialam pero hindi rin niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng guilty sa gagawing pag alis. Lalo pa at mukhang malalagay sa kapahamakan ang babae. Kaya imbes na dumeretso sa pinto ng bar, umupo siya sa harap ng bar counter at nag order ulit ng isa pang alak. Inutusan niya rin ang bartender na palitan ang alak na iniwan ng babae at echarge sa kaniya ang bayad.
Habang nakaupo naramdamn niya ang muling pagbalik ng babae sa pwesto nito at agad inubos ang natira nitong alak.
Habang tahimik siyang umiinom napansin niyang napalingon ang babae sa kaniya at alam niyang tinitignan siya nito.
"Are you alone?" tanung nito. Saglit niya itong tinapunan ng tingin pero agad din niya ibinalik ang pansin sa alak na hawak niya. Hindi niya akalaing kahit sikat na siya may mga tao pading hindi nakakakilala sa kaniya.
Narinig niyang napabuntunghininga ang babae.
"I need someone to talk to, pero i think i went to the wrong place.. people here don't mind..hearing my sentiments.." muling sabi nito.
"Isa pa mukhang may problema ka rin, tapus dadagdag pa ako di ba?" dugtong nito ng hindi padin siya nagsasalita. Kung alam lang ng babaeng to na ito mismo ang problema niya dahil hindi siya makaalis dahil dito.
Napatingim siya sa wine cabinet na gawa sa salamin na nasa harapan nila at nakita niya mula sa glass cabinet ang mukha ng babaeng katabi niya. Hindi man niya ito deriktang tinitignan pero nakikita niya sa salamin ang malungkot na mukha ng babae.
"Hayys...buhay nga naman, maraming tao ang nakapaligid sa'yo pag alam nilang may pera ka, pero pag isang ordinaryong tao ka lang they will all look down on you!" sabi ng babae at isang pilit na ngiti ang kumawala sa labi nito. Mabilis din nitong pinalis ang mga luhang bumagsak sa pisngi nito pagkatapos ay muling ininom ang natirang alak sa baso nito.
"Hey Mr. okay lang ba sayung magkuwento ako..don't worry kahit di ka na magsalita okay lang, gusto ko lang ilabas tong sama ng loob ko... and promise after this...indi na kita guguluhin. I swear this will be the last time na iiyakan ko ang lalaking yun!" sabi pa nito. Hindi parin siya nagsalita at patuloy lang siya sa pag inom. May option naman siya, pwede naman talaga siyang umalis na..pero hindi rin niya alam kung bakit hindi niya magawa.
Narinig niyang tumikhim ang babae.
"You know what, supposed to be.. today is my engagement day, to that bastard whom i loved for two years. Pero alam mo kung anung ginawa niya, he broked up with me...at malaman laman ko nalang na ibang babae ang ipinakilala niyang fiance niya! Kapal talaga ng mukha niya!!" muling pinalis ng babae ang luha sa mga mata nito bago muling nagpatuloy.
"What the heck! I'm crying again...sorry ha, masakit pa kasi ei, it's been three hours since we broke up..but he never texted or tumawag man lang para suyuin ako!...after what i did for him! i brought him to the top.. helping him secretly in his business, i also worked for him para lang makuha niya yung mga deals na yun at umangat ang family business nila. But what do I get in the end? i was set aside dahil ba kesyo mas mapapalago pa ang negosyo nila pag ikinasal siya sa babaeng mukhang tilapia na yun!!" tumigil ang babae sa pagsasalita at nilagok muli nito ang alak at nag order pa ulit ng isa. Nakailang baso na ba ito simula kanina.. pero tingin niya hindi pa ito mukhang lasing..ganito ba ka taas ang alcohol tolerance ng babaeng ito.
"Ako ang nagdala sa kaniya sa taas, kaya ako din ang hihila sa kaniya paibaba..!! and i will make sure na hindi na siya ulit makakabangon. Hindi niya alam kung sino ang binitawan niya!! I will make him regret...until he crawls to the ground asking for my forgiveness!!"
Napansin niyang saglit itong natahimik kaya napalingon siya dito. Her face is full of anger habang nakakuyom ng mahigpit ang kamay nito sa ibabaw ng bar counter. Marahil ay natapos na ng babae ang drama nito at nailabas na nito ang sama ng loob. Napatingin siya sa suot niyang relo. Mag aalas dyes na ng gabi. He paid for his drinks at tatayo na sana siya ng biglang inihampas ng babae ang kamay nito sa counter kaya nagulat siya at biglang napaupo ulit.
"Hindi ko maintindihan kung bakit mas pinili niya ang babaeng yun!!" mariing sabi nito at bigla itong lumingon sa kaniya.. inuurong pa nito ang upuan na halos dumikit na sa upuan niya.
What with this woman? Is she turning crazy because of her break up? Salubong ang kilay niya habang nakatingin dito.
Nakatingin din sa kaniya ang babae na halos gadangkal nalang ang layo ng mukha nito sa mukha niya.
Hindi niya mapigilan ang mapalunok while looking at her bare face... this woman looks beautiful kahit walang kolorete sa mukha, she has an angelic face, pero dahil galit ito, pakiramdam niya she has the aura of an angry tiger.
"Tell me... am i not beautiful? pangit ba ako ha... para basta nalang ipagpalit sa iba?" tanung nito.
Hindi agad siya nakasagot dahil pakiramdam niya naengkanto siya ng babaeng ito.. ni hindi niya magawang magsalita.. mas gusto niya lang titigan ang mukha nito.
Magsasalita na sana siya ng biglang napasandal sa dibdib niya ang babae. Mukhang tinamaan na ito sa mga ininom nitong alak.
"Hey..! wake up..!" bahagya niyang tinampal ang pisngi nito para magising.
Tila naalimpungatan naman ang babae at lumayo sa katawan niya. Nakatingin padin ang babae sa kaniya at napansin niyang namumungay na ang mga mata nito ngayun. Saglit itong napangiti habang nakatitig sa mukha niya.
"A-alam mo.. g-guwapo ka sana ei nuh! mukhang masungit nga lang." sabi nito at muling ngumiti. Halatang lasing na nga ito. But this woman looks more attractive when she's smiling.
"Woman, Your drunk! why don't you call your driver para makauwi ka na!" naninita niyang sabi dito. Napatawa naman ang babae sa sinabi niya.
"I'm n-not rich you know! wala akong car, wala din akong driver!..kaya nga ako iniwan di ba..k-kasi hindi ako mayaman!" sabi nito.
He just rolled his eyes at nagpasyang tumayo na. Bahala na ang babaeng ito kung paano ito uuwi...hindi niya naman ito obligasyun. He decided to leave ngunit bigla siyang hinarangan ng babae and without his consent she kissed him torridly in his lips.
The first thing he should do is to push her or to threaten her...but as he taste her lips at nalasahan ang alak na ininom nito, para nadin siyang nawala sa kaniyang sarili at ginantihan pa ito ng mas malalim na halik.
Nang maghiwalay sila to catch their breath. Napatingin siya sa mukha ng babae na seryuso na ngayun.
"Take me out of here!!" sabi nito. Napakunot naman ang noo niya. Hindi alam ng babaeng ito ang pinapasok na sitwasyon.
"Don't do anything stupid! that you'll regret in the end." mariing sabi niya dito.
"I won't!! just help me forget him, kahit ngayung gabi lang." hinawakan ng babae ang kamay niya habang namumungay ang matang nitong nakatingin sa kaniya.
Hindi paman siya nakakasagot ng muli siya nitong hinalikan.
"Can't you do it?" muling tanung ng babae na parang hinahamon siya...at yun ang pinakaayaw niya ang hinahamok ang kaniyang abilidad.
"I Can!" sagot niya at hinila na niya ang babae palabas ng bar.
Kinabukasan nagising siya ng maramdaman ang paggalaw ng higaan at nakita niyang tahimik na nagbibihis ang babae.
"You're up." sabi ng babae ng mapansin nitong gising na siya.
"What do you think you're doing?" tanung niya dito.
"Ofcourse! I'm leaving." sabi nito.
"Take the money!" sabi niya at tinignan ang side table kung saan may perang nakalagay doon. Napatingin din doon ang babae at natatawang napailing.
"I told you to help me forget my ex for one night.. and you did! That's enough... I don't need your money...or anyone's money... i have enough..to start again!" sabi nito at kinuha ang blazer nito na nasa upuan.
Akmang lalabas na ito ng muli itong lumingon sa kaniya.
"You're great huh! Your woman must be so lucky! kaya hindi ko pinagsisisihan ang nangyari! well thanks for the night." sabi nito at tuluyan ng lumabas sa silid na yun.
Nakaramdam siya ng pananakit ng ulo kaya naman muli siyang napahiga. Naparami tuloy ang inom niya dahil sa babaeng yun.
With his status lot's of women are eyeing him at naghihintay na mapansin niya. Pero kahit na ipagduldulan pa ng mga ito ang sarili sa kaniya, he wouldn't care. The truth is he never slept with anyone for a long time...isa pa he doesn't have extra time for a good time dahil busy siyang tao. But with that girl..ni hindi na siya nakapag timpi.
Muli siyang nagmulat ng mg mata ng tumunog ang kaniyang cellphone. Marahil ay hinahanap na siya ni Miko ang kaniyang assistant.
Bumaba siya sa kama at tinanggal ang kumot sa kaniyang katawan ng mapalingon siyang muli sa higaan. Napakunot ang kaniyang noo ng makita ang pulang mantsa sa puting bedsheet.
"Damn! that woman!!"
Mabilis niyang kinuha ang cellphone niya at sinagot ang tawag. Bago paman makapag salita ang kaniyang assistant inunahan niya na ito.
"Miko..!! i want you to find someone!!"