BOOK 2: CHAPTER 25

2396 Words

May mga bagay na akala mo’y kaya mo nang itago sa katahimikan pero habang tumatagal,mas nagiging mabigat ang hindi pagsasabi kaysa sa takot na baka magbago ang lahat kapag sinabi mo na. At sa araw na iyon, alam kong hindi ko na pwedeng ipagpaliban pa. Maaga akong nagising. Hindi dahil sa alarm,kundi dahil sa isip kong ayaw tumahimik. Nakatitig ako sa kisame, pinakikinggan ang mahinang paghinga ni Sayven sa tabi ko, at ang marahang hilik ni Eli sa kabilang kwarto. Ganito pala ang pakiramdam kapag may tinatago ka, bulong ko sa sarili ko.Hindi kasinungalingan pero hindi rin buong katotohanan. Bumangon ako at nagtimpla ng kape. Habang hinihintay kong kumulo ang tubig, bumalik sa isip ko ang mukha ni Andrea— hindi na galit ang dala nito, kundi paalala. Hindi sa kanya. Sa sarili ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD