POV: Jamaica Parker May mga araw na akala mo’y tapos na ang laban na nalagpasan n’yo na ang pinakamahirap.Pero biglang may sandaling makikita mong muli siyang umatras hindi dahil mahina siya,kundi dahil takot siyang magkamali. At bilang asawa, doon nasusukat kung paano ka mananatili. Narinig ko ang pagbukas ng pinto bago ko pa siya makita. Hindi iyon ang karaniwang tunog ng pag-uwi niya walang bahid ng pagod na sanay na ako, kundi isang bigat na halos maramdaman sa hangin. Hindi siya agad nagsalita. Tinanggal ang sapatos, dumiretso sa sala, at naupo na parang nauubusan ng lakas. “Sayven?” tawag ko, mahina pero may pag-aalala. Tumingin siya sa akin. Sa mga mata niyang iyon,nakita ko ang isang lalaking muling nagdududa sa sarili. “Nagkamali ako,” sabi niya. Dalawang salita. Per

