Kinabukasan, nagising ako sa tunog ng paghahalo ng kutsara at tasa. Hindi alarm clock, hindi ingay ng sasakyan sa labas… kundi si Nicolas na nagtitimpla ng kape. Nilingon ko siya. Nakasando lang, medyo magulo buhok, pero parang mas guwapo kapag bagong gising. May hawak siyang dalawang mug, at nakangiti habang lumalapit. “Good morning, love,” sabi niya. Love. Ayun na naman ’yung tawag niya na hindi ko alam kung kailan nagsimula. Pero hindi ko rin kayang kontrahin. “Good morning,” sagot ko, nakahiga pa rin. Lumapit siya sa kama at iniabot ang tasa ko. “Para sa’yo,” sabi niya. “Gawa ko. Timpla ko. Sabaw ng pagmamahal ko.” Binatukan ko siya nang mahina. “Ano ba, ang tatamis ng banat mo.” “Eh ganun talaga pag mahal ka,” sabi niya sabay upo sa gilid ng kama. Humigop ako ng kape.

