Ang sarap pala gumising kapag may tumutulog na kasabay. Dati, alarm clock lang ang bumubungad sa akin. Ngayon, boses na ni Nicolas ang unang kumikiliti sa tenga ko. “Melissa… gising na,” bulong niya habang hinahaplos ang pisngi ko. Dumilat ako, kahit gusto ko pang matulog ulit. Ang aga na naman niyang gumigising—hindi ko alam kung tao ba siya o alarm system na may sariling isip. “Five minutes…” nagmamaktol kong sabi. Pero naramdaman kong lumapit siya. Mainit ang hininga niya sa tenga ko, tapos bigla niya akong kiniliti sa tagiliran. “NICOLAS!” Napatalon ako. “Ano ba!” Tumawa siya nang malakas habang nakahiga sa tabi ko, parang sobrang tuwang-tuwa na napikon ako. “Eh ayaw mong gumising,” sabi niya, nakangiti nang para bang siya ang pinaka-cute na aberya sa lahat ng aberya. “Pwede n

