May mga sandaling aakalain mong sapat na ang kaunting pag-asa para manatili. Kahit alam mong sa huli, ikaw pa rin ang mawawala. Hindi ako pumasok kinabukasan. Unang beses kong umabsent nang walang paalam—sa klase, sa trabaho, sa mundo. Nakahiga lang ako sa kama, nakatitig sa kisame, habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga salita ni Clarisse. Huwag mong ipilit ang sarili mo sa buhay na hindi para sa’yo. Masakit marinig ang katotohanan kapag galing ito sa taong alam mong tama. Nag-ring ang cellphone ko. Sayven. Pinagmasdan ko lang ang screen hanggang sa tumigil ang tunog. Pero maya-maya, tumunog ulit. At muli. At muli. Hanggang sa tuluyan akong sumuko. “Bakit?” boses ko’y paos nang sagutin ko. “Saan ka?” tanong niya, halatang nag-aalala. “Sa lugar kung saan dapat ako,”

