Tahimik ang loob ng dean’s office. Masyadong tahimik para sa bigat na nakapatong sa dibdib ko. Nakatayo ako sa harap ng mesa, hawak ang strap ng bag ko na parang iyon na lang ang nag-uugnay sa akin sa realidad. Sa kabilang dulo, nakaupo ang dean—seryoso, pormal. At sa tabi niya, kalmado, elegante, at kontrolado— Si Clarisse Villareal. Mukha siyang panalo kahit wala pang sinasabi. “Miss Santander,” panimula ng dean, “may reklamo si Miss Villareal na kailangang linawin.” Tumango ako. “Nakikinig po ako.” Ngumiti si Clarisse—banayad, pero may talim. “Hindi ito personal, Jamaica,” sabi niya. “Pero may mga bagay na kailangang ayusin.” Huminga ako nang malalim. “Anong bagay?” Tumayo siya at inilapag ang isang folder sa mesa. “May ebidensya ako,” direkta niyang sabi, “na may relasyon k

