Hindi ko alam kung may karapatan ba akong masaktan sa narinig ko pero sa totoo lang. Sa tuwing naisip ko ang boses ng babae na nagmamakaawa na magbalikan sila ni Nicolas parang pinunit ang puso ko. I'm hurting knowing that Nicolas has some other woman before me. Pero bakit ba ako masasaktan kung may babae nga siya? Ano ba ang label naming dalawa? He didn't tell me about what he feels towards me. Ang alam ko lang, kasal kaming dalawa at magaan ang turing niya sa akin. I'm really confused, and I'm also irritated to myself because I'm hurting. "Melissa, what are you doing?" Nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang medyo mataas na tono ng boses ni Nicolas sa harapan ko habang pinanood niya ako na in-assemble ko itong baril. "Mali na naman ba?" malamig kong tanong subalit nawala na a

