Pagkarating namin sa isang building na sa tingin ko parang abandoned hospital ang dating dahil bukod sa luma na. Marami ding tao rito na parang goons. May mga baril at puro usok ng sigarilyo ang naamoy ko. Bawat hallway may mga lalaking may tattoo sa braso at may illuminati tattoo rin sa leeg. Nakakatakot silang tingnan pero tinapangan ko ang sarili upang hindi magpadala sa emosyon na namuo sa kalooban ko. Hangga't kasama ko si Eugene alam kong kaya niya akong protektahan laban sa mga masasamang tao. Sana lang talaga mas mapadali ang pagsunod ni Nicolas rito. Pinasok kami sa isang laboratory na may maraming kagamitan ng mga hospitals, may higaan rin at may mga pang-lab-test. I saw a lot of organs everywhere na nilagay sa isang garapon na may tubig. Parang sa mga horror film ko lang i

