May mga takot na hindi nabubuo sa kasalukuyan— hinuhukay sila ng alaala. At sa gabing iyon, ang takot ni Sayven ay may pangalan, may mukha, may boses na matagal na niyang pilit kinakalimutan. Tahimik ang sala. Nakaupo si Sayven sa sahig, nakasandal sa sofa, hawak ang cellphone pero hindi talaga tumitingin. Sa TV, paulit-ulit ang balita, pero ang isip niya ay nasa ibang lugar. Nasa kwarto si Jamaica, pinapatulog si Eli. Naririnig ni Sayven ang mahinang paghele ng asawa niya— banayad, mapagmahal. At doon siya kinabahan. Hindi dahil ayaw niya ang tunog na iyon. Kundi dahil bigla niyang naalala ang sarili niyang ama. Isang lalaking laging wala. Isang lalaking galit kapag nandoon. Isang lalaking kailanman ay hindi naghele. “Hindi ako magiging katulad mo,” bulong ni Sayven sa sa

