BOOK 2: CHAPTER 21

2650 Words

May mga desisyong hindi mo kayang ipagpaliban, dahil habang tumatagal— mas lumalalim ang sugat ng pag-aalinlangan. Ganito ang desisyong hinaharap nina Sayven at Jamaica. Tatlong araw. Iyon lang ang ibinigay na panahon kay Sayven para magbigay ng sagot sa alok mula Singapore. Tatlong araw na puno ng katahimikan sa bahay, hindi dahil wala silang gustong sabihin, kundi dahil pareho silang takot magsalita. Sa umaga, abala si Jamaica kay Eli. Sa gabi, abala si Sayven sa mga papeles at tawag. Magkasama sila—pero may distansyang hindi nakikita. Isang hapon, habang pinapaliguan ni Jamaica si Eli, tumunog ang cellphone ni Sayven sa mesa. Isang notification ang lumitaw. Andrea Ruiz: Just checking in. Hope you’re considering the offer seriously. Hindi niya intensyong basahin. Hindi ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD